Ang Ex niya na si Mina Villaluz.
Una pa lang ng klase close ko yun, kaya nung nagfavor siya sakin na tulungan ko siyang makipagbalikan dun ay madali lang. Oo, plano niyang makipagbalikan ng mga panahon na iyon. Dahil nahulog na nga ako sa kaniya, yung simpleng crush ay lumalim pa kaya kahit anong sabihin niya ay gagawin ko. Sumunod ako sa kaniya dahil ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat even if you sacrifice your own happiness. Makita lang na masaya yung taong mahal mo ay worth it na ang lahat.
Hanggang halos sabay na kami ni Mina kasi parehas lang namab kami ng way at ilang metro lang ang layo ng bahay niya mula sa amin.
Then nagkaroon na ako ng chance na matanong sa kaniya yung pakay ko. "Be may chance pa ba na magkabalikan kayo ni Koby", yan ang sabi ko at ang sagot niya na sobrang nagulat ako ay. "Wala na be, di ko naman kasi talaga siya minahal nung time na iyon parang trip ko lang siya sagutin kaya ganun". Diba sobrang nakakashock at for me kung lalaki ako ay sobra at tripleng sakit nun kasi minahal mo si girl tapos di ka naman pala talaga niya minahal diba. Super nakakahurt yun sa ego ng isang lalaki.
Then nung pasukan na kinabukasan ay sinabi ko sa kay Koby na "Wala ka ng chance, move on na lang". In other terms ay di ko sinabi lahat, syempre ayokong masaktan yung bestfriend ko. Ayoko niyang malaman yung katotohanan, kaya yun na lang ang sinabi ko. Sinagot naman niya ako nun na "Okay lang tanggap ko na". Alam kong malungkot siya nung mga oras na iyon pero nakangiti pa rin siya sakin. Sobrang nasasaktan ako para sa kaniya, hindi lang dahil sa magkaibigan kundi dahil may mahal siyang iba na di naman na siya minahal corrected di nga pala siya minahal. Ang sakit sobra na sa lahat ng favor na ipapagawa niya ay yun ang pinakamasakit, sobrang sakit na I help him pa para makipagbakikan sa Ex niya. Sabihin ng selfish ako pero natutuwa ako na di na pumayag si girl, pero nalulungkot ako na ganun ang nangyari. Kung saan naman nga kasi masaya si Koby ay dun na rin ako kahit pa na sobrang sakit.
Hindi pa nag-iisang buwan ay nagkagirlfriend na siya. Mas masakit pa atang malaman yun kaysa sa pakikipagbalikan nya noon sa Ex niya. Napakaswerte pa ni nung bestfriend ko kasi first boyfriend siya nung girl. Biruin mo maganda si girl, pero ayaw pang magbf dahil like me study first daw pero siya napasagot niya si girl. Halos araw-araw pumupunta siya sa room nung girl tapos sobrang sweet pa nila. Sobrang nakakahurt na ayaw munang makaramdam ng kahit na ano. Parang gusto mo na lang na walang makita. Nagkaroon din ako ng maraming sana. Sana ganiyan ka rin kasweet sakin, sana ako din , sana at marami pang sana.
Hanggang sa lumipas at limang buwan at nagkabreak na rin sila at sobrang saya ko hahahaha. I know ang sama ko pero, sino ba namang di matutuwa na yung taong gusto ko ay single na ulit. Pumasok na naman tuloy sa isip ko noon na nandito lang ako, di mo ba ko napapansin.
Until one day may ginawang kalokohan yung si Koby. Paano ba naman yung isa naming kaklase na girl na nagustuhan niya rin dati ay hinalikan niya sa lips nung may groupings sila doon sa bahay niya. Ako pa nga ang kahuli-hulihang nakaalam kasi ayaw niyang magsalita. Pero inamin niya rin sa akin at nagsisisi naman siya, bigla niya lang daw kasing napagtripan. Syempre sumakit na naman si heart pero nasanay na siguro. Sino ba naman kasi ang matutuwa na may hinalikan siyang babae kung sana ako na lang yun diba, totoo naisip ko yun pero alam ko namang sobrang imposible.
Ilang araw ata siyang di pumasok nun pagkatapos nung kalokohang ginawa niya. At noong pumasok siya ay nagtaka ay kasi tumabi na ulit siya sakin. Nung kalagitnaan na kasi ng third grading ay kaniya-kaniya nang seating arrangement ang mga classmate ko at ako dun pa rin sa upuan ko pero katabi ko yung kaibigan kong babae. Sobrang nagulat ako nung mga time na yun, kasi ang nangyari ay parang umiwas siya sa mga kaibigan niyang lalaki tapos ako na lang lagi yung kinakausap niya. Para bang ako lang yung ginawa niyang hingahan ng sama ng loob at problema niya. Even if di siya nagkwento ay alam ko na agad ang sagot.
Halos ilang linggo rin ata siyang umiwas sa mga kaibigan niya di tuwing A.P. subject ay di na siya lumilipat ng upuan at lagi na lang nakatabi sa akin. Sabihin na nating nagtino siya ng konti, kasi nga my kalokohan na nagawa.
YOU ARE READING
First Love Never Dies Until When?
Short StorySometimes the hardest thing that you can do is watching the person you love, loving someone else.