Chapter 6

3 0 0
                                    

              Ang bilis ng panahon at Grade 10 na ako at di na kami magkaklase, pero magbestfriend pa rin kami. Tulungan sa lahat ng mga gawain sa school at nagsasabi pa rin ako ng secrets sa kaniya in short nagkakamustahan pa rin naman kami. At ito na nga this is the most amazing and exciting part of my high school life. My JS Prom, na hinihintay ng lahat.

Ako naman ay kaya excited ay naiisip ko na sana ay isayaw niya ko. Gusto ko mafeel na makipagsayaw sa taong gusto at mahal mo. Then one day, yung Ex niya na si Mina ang sinasabi niya saking aayain niya para maging partner sa araw na iyon. Sobrang minahal nga kasi niyang yun, kaya siguro ganun. Ako naman si tanga ay ngumiti na lang sa kaniya pagkasabi niya sa akin ng mga panahon na iyon at naging masaya na lang para sa kaniya.

Dumating na nga yung araw na pinakahihintay ng lahat yun ay ang JS Prom. Halos karamihan ay nagpapatalbugan sa pagandahan nang damit at ang daming pumogi dahil sa kanilang mga ayos. Samantalang ako ay napakasimple lang sa suot kong light blue na dress,naka heels na blacks at nakacurly hair.
Nagsimula na ang programa at marami ng mga nagsasayaw habang ako ay nakaupo, ngunit di rin nagtagal may mga nag-aya na sa akin. Ang huling nakasayaw ko ay yung crush ko nung Grade 10 na ko, si John. Habang nagsasayaw ako nung mga time na yun ay nakikita ko siyang may kasayaw, nakita na nga rin niya ako at biniro ko pa nga na daya ni Koby, ganiyan ka ba sakin. Hanggang sa napagod na ako at naupo muna, para ngang mas pagod na yung puso ko kasi parang nanlilimos pa ko maisayaw lang niya ako. Hinanap ko na lang si Mina kasi sabi ko na sasabay na lang ako sa kaniya until 4am kasi yung program kaya ang nangyari ay makikisabay na lang ako kasi di naman ako nagpasundo. Sabi naman ni Mina nung nakita ko na siya ay okay lang naman daw. Dumating na nga yung oras na sinusundo na siya ng parents niya at sasabay na ko. Pero may mas sasakit pa pala nung araw na iyon, kasi yung bestfriend ko na si Koby hindi pumayag na hindi niya magiging last dance si Mina, sinayaw niya pa si Mina mismo sa harap ko. Sino di magtatampo at maghihinanakit sa kaniya diba, ako na kaibigan niya ni hindi niya sinayaw. Samantalang yung Ex niya na may bf na ay nasayaw niya.

Pagkatalikod namin ni Mina sa kaniya ni hindi na ko lumingon pa at nagpaalam sa kaniya, para saan pa at sasaktan ko ng lubusan ang sarili ko. Nagtaxi kami pauwi kasi libre naman ng Mama ni Mina at habang nasa taxi ako sa nakatingin lang ako sa labas at nag-iisip ng malalim. Pinipilit kong huwag masaktan pero wala nasasaktan ako ng mga time na yun at di ko alam kung saan nanggagaling yung kirot sa dibdib ko. Siguro nga ganoon. talaga ang tadhana, baka sa maling tao lang ako nagmahal.

Pagkauwi ko ng halos 1 am na ay tulog na sila  at pinagbuksan na lang ako ng pinto. Nagpalit na ko at humiga pero, hindi naman ako nakatulog ng magdamag na iyo kasi di ko alam pero umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko alam pero sobrang sakit pala na nagmumukha kang tanga, at kaawa-awa. Mugto ang mata ko noon kinabukasan. Dumating na rin ang araw ng graduation ko ng Junior High ay sobrang happy ko at proud ko sa sarili ko noon. Also may nangyari na lalong nagpaiyak sa akin bakasyon na noon it's April 8,2016 he blocked me on facebook. I don't know his reason. Kaya naman gumawa ko ng 2nd account tapos chinat ko siya at ang sagot niya lang nung nagtanong ako ay nakukulitan lang daw siya sakin. Ang natatandaan ko lang naman nung mga araw ding iyon ay bago niya ko iblock ay may post akong tinag ko siya. Yun lang naman ang ginawa ko pero paramg sa ginawa niya, di niya ko tinuring na kaibigan. Ako lang pala yung tumuturing sa kaniya na bestfriend at nandiyan lang siya kapag kailangan niya ko.

END OF FLASHBACK

First Love Never Dies Until When?Where stories live. Discover now