Mahigit halos isang taon na, simula ng blinock ako ni Koby. Siguro sa halos isang taon na iyon ay mga ilang beses ko siyang chinat at minsan kinukulit ko siya kapag may problema ako. Siya kasi yung tipo ng tao na kapag nagpayo at ang lumalabas sa mga labi niya ay totoo. Sobrang namimis ko na nga yung kaibigan ko na iyon. Pero nagagalit ako at naiinis sa ginawan niyang yun.
Until isang araw ay, yung kaklase ko ng high school na babae na naging classmate ko rin ng Grade 12 ay magbibirthday na. At isa ako sa mga naimbitahan niya dahil nga sa kasama ako sa 18 gifts. Close ko rin kasi siya kaya plano ko talagang pumunta.
Makalipas ang ilang linggo ay malapit na ang debut nung classmate ko. Kwinento ko rin sa kaniya yung tungkol kay Koby kaya naman nagulat siya. Tinanong ko nga kung ininvite niya si Koby, kasi nga same friends kami nung Junior High kasi kaklase ko siya nung Grade 9. Sa madaling salita ay classmate namin siya ni Koby. Yung sinagot niya sakin pagkatanong ko ay, pupunta nga daw.
Nung nalaman ko iyon ay tulad ng dati ay halo-halo na naman yung mga nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Di ko alam kung matutuwa, maiinis, magagalit at mabwibwisit kasi after ng mahigit isang taon ay magkikita ulit kami. Makikita ko ulit ang first love ko. Ang kauna-unahang lalaki na iniyakan ko, na minahal ko. Ang nag-iisang lalaki na binigyan ko ng atensyon at umabot na nga ako sa pagkakatanga. Pumunta sa point na di ko na kilala ang sarili ko, kasi bigay lang ako ng bigay. Hindi ko na naisip kung masaya pa ba ko, kung ako pa ba to kasi naman ang nasa isip ko lang nung mga panahon na iyon ay masaya na ko basta makita kong masaya siya.
Dumating na nga yung time na birthday ng classmate ko na girl at ito ay nito lang December 18,2017. Gumawa ako nung group chat noon. Pero bago ang lahat di ko pala nabanggit na nangunblock na siya kasi, naisipan ko kasi one time na isearch siya. And then, nasearch ko na nga siya at pwede iadd. Sobrang natuwa ko but at the moment nainis ako sa kaniya kasi sa tagal ng panahon ay nung mga time lang siya noon nangunblock. Napakarami kong tanong nung mga panahon na iyo pero di naman yun masasagot diba. Naadd ko siya noon sa group chat na ginawa ko pero di ko siya inadd as a friend, kasi para saan pa diba. Kung totoong kaibigan naman kasi talaga niya ako ay di niya gagawin yun saka napakababaw naman nang rason niya. Nung nagkita na kami dun sa meeting place ay nagulat ako at kinausap naman niya ako, yung tipong balik yung dating closeness namin. Kinausap at saka biniro niya pa nga ako. Natuwa akong nakita ko siya pagkatapos ng higit isang taon pero naiinis ako na kung makaarte siya kala mo namang wala siyang alam.
Nung gumawa kasi ako ng 2nd account ko ay chinat ko siya, at nagconfess na ako yung lahat ng nararamdaman ko sa kaniya ay sinabi ko na doon. Natatandaan ko pa na ang ginawa niya lang ay isang "Seen" lang. Hindi siya nagreply, alam ko naman kasi wala kong halaga sa kaniya.
Diba magkita na nga kami at hanggang dun sa place kung saan gaganapin yung debut ng kaklase ko ay ang papansin niya. Yung dating mapang-asar at mayabang na bestfriend ko ay nandun pa rin. Kaya lang nagtataka ako na bakit ganun, wala man lang ba siyang reaksiyon sa mga sinabi ko sa kaniya nung chinat ko siya. Diba karaniwan, kapag nalaman ng lalaking gusto sila ng girl pero di naman sila gusto ay iiwasan at lalayuan na lang nila pero bakit ganun siya. Parang walang nangyari, mas gusto ko pa nga na umiwas siya sakin at daanan na lang niya ako. Pero natutuwa rin ako na pinansin niya ko. Hanggang sa tapos na ang programa at umuwi na ako at nagpahinga.
YOU ARE READING
First Love Never Dies Until When?
Cerita PendekSometimes the hardest thing that you can do is watching the person you love, loving someone else.