HSLT 36

64 1 0
                                    


•Narrative•

Dahil alam ng mga mokong na mga kaibigan niya ang tungkol sa KiTen, talagang nag-una-unahan sila sa upuan para ang matira na lamang ay ang space na katabi ko. Ayos din ang galawan ng mga 'yon e 'no.

Dahil wala lang naman sa'kin ang mga mapanuksong tingin nila, biniro ko si Tenecius. "Kuya Ten, libre mo naman akong pamasahe oh. "

At aba, sineryoso naman. Nakita ko na dumudukot na agad siya sa bulsa niya ng baryang pambayad.

"Hala. Uy joke lang! " sabi ko at pinigilan si Tenecius.

Bigla namang nagsalita ang isa ko pang katabi. "Oo nga, 'wag mo na siyang ilibre. Ako na bahala. " at dumukot naman ng sampung piso si Larrent.

"Hindi. Ok lang. Ako na. " sabi naman ni Tenecius.

"Si Kiyarah naman kasi, 'di na nahiya. Ako na bahala sa bestfriend ko. " sagot ni Larrent at in-emphasize pa talaga ang salitang 'bestfriend'.

Nagpapalipat-lipat lang kami ng tingin sa dalawang lalaking 'to. Naiistress na ako ng bongga lalo na't ako ang nakapagitna sa kanila.

Whut's happenin' in dis country?!?

Nang 'di na ako makapagpigil ay nagsalita na ako. "Oo na, tumigil na kayo. Ako na magbabayad. Kainis, ang ingay. " inabot ko na sa driver ang bente pesos. "Bayad po, estudyante po 'yan. "

Natahimik na ang dalawa, pati na rin ang buong jeep. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Kuyang Driver.

"Oh pakiabot lang ng sukli ng bente. 'Yong bayad no'ng estudyanteng mahaba ang hair. "

Lahat ng pasahero ay nagtawanan habang ako ay humalukipkip lang at napatakip ng mukha.

WAAAH NAKAKAHIYA!

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon