#Blow Five

15 1 2
                                    


Dandelion Lovers /'''~
(The Ghost & Ugly)
written by: MyRuLesx

#Blow Five

♡♡♡/'''~

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko nang maramdaman ko yung matinding kirot sa may ulo ko.

"Aray..." mahina kong daing habang sapo sapo ko yung duguan ko ng noo.

Iniikot ko yung paningin ko sa buong paligid.

Madilim.

Pero sa wari ko nasa isa akong lumang kwarto.

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa may kamang amoy ipis na.

"Anong ginagawa ko dito..." usal ko sa sarili ko.

Ang huling natatandaan ko...

Kasama ko si Kuya Ley!

~"Nainip ka ba?" muli nyang tanong sakin.

"U-Uuwi na ko... Next time mo nalang siguro ko samahan sa bahay nila Rey... S-Sige hah! Una na ko!" kinakabahan ko pang sabi sa kanya tsaka dali dali na syang tinalikuran para sana tumakbo kaso may bigla nalang akong naramdamang tumamang matigas na bagay sa may ulo ko. At pagkatapos nun, nandilim nalang bigla yung paningin ko't unti unti nalang bumagsak ang katawan ko sa lupa.~

OO TAMA! PINUKPOK NYA YUNG ULO KO NG MATIGAS NA BAGAY! PERO BAKIT? BAKIT NYA TO NAGAWA SAKIN?!

Kahit na medyo nangangatog pa yung tuhod ko, pinilit kong tinungo yung pinto ng kwarto para sana lumabas. Pero naka-kandado iyon.

"Shit!" i cussed hesitantly.

"HAYOP KA KUYA LEY! PAKAWALAN MO KO DITO! BUKSAN MO TONG PINTO!! ANO BANG GINAWA KO SAYO PARA GANITUHIN MO KO?! PAKAWALAN MO KO DITO!!" hysterical na sigaw ko habang pinupokpok yung pinto.

"ANO BA?! PAKAWALAN MO KO SABI DITO EH!!"

"KUYA LEY! ANO BA?! PAG DI MO KO PINAKAWALAN DITO, TATAWAG TALAGA AKO NG MGA PULIS!"" tili ko.

Wait!

Tama! Yung cellphone ko? Nasan yung bag ko?!

Nagpalinga linga ako para hanapin yung bag pack ko.

Sana nandito pa at di nya pa tinatapon! Sayang din kase yung mga gamit ko dun eh! ><

Laking pasasalamat ko nung makita ko iyon sa paanan ng kama na hinigaan ko kanina.

"Ayun!"

May pagka-engot rin pala yung hayop na yun! ^^,

Dali dali ko iyong nilapitan at binuksan para hanapin yung cellphone ko pero...

"Wala?! Bakit wala dito yung cellphone ko?!"

Nasapo ko ng malakas yung ulo ko.

Oo nga pala! Naiwan ko kanina sa bahay na nakacharge yung cellphone ko! Shet lang! Over charge na yun panigurado! Wala pa namang tao dun! Geez! Wag naman sanang masunog ang bahay/palasyo namin! ><

*BLAAAAAG*

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto at iniluwa nun si kuya Ley.

Agad na nag init yung ulo ko nang makita ko sya.

"HAYOP KA!! BAT MO TO NAGAWA SAKEN!" sa galit ko, sinugod ko sya't pinaghahampas yung dibdib nya gamit yung back pack ko.

Kanina ko pa talaga kasi iniisip kung bakit nya to nagawa sakin? Kung bakit nya ko pinukpok sa ulo at kung bakit ikinulong nya ko dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dandelion Lovers (The Ghost & Ugly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon