Chapter 14

15 0 0
                                    

Chapter 14: Ball.

----

"Yung heels ko?!"

"Nasan na yung hikaw ko?!"

"Yung lip stick ko nasaan?!"

Kanina pang puro sigawan ang mga kasama ko rito. Pabalik balik sila dito sa kwarto at tanong ng tanong kung nasaan ang ganito ganyan nila.

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa ball. Kanina ay nagpadala si Papa ng mag-aayos saakin. At isa itong fairy.

Mukha naman syang normal na tao pagkakita ko sakanya pero pagtalikod nya ay mayroon syang isang pares ng maliliit na pakpak. Kumikinang rin ito.

"Tapos na po, mahal na Prinsesa." Sabi nya at marahang tumango. Tumayo na ako at kinuha nya ang ball gown ko para isuot iyon saakin. Nakakamangha dahil saktong sakto ito kahit pa hindi nya ako sinukatan.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

.

.



.



.


.


Walang nagbago sakin, ako parin to. May mga kolorete nga lang sa mukha.

"Maraming salamat, Fira."

Matapos non ay lumabas na sya sa kwarto ko.

Nanatili ako sa loob at naupo muna sa dulo ng kama ko.

Pasado alas sais na pala. Malapit na ang ball.

Maya maya pa ay lumabas na ako noong marinig kong tahimik na sila. Siguro nama'y tapos na rin sila.

Si Ria ay naka violet na gown at si Kara ay naka emerald green na gown.

"Ang ganda nyo ngayon." Bati ko sakanila at napatingin naman sila saakin.

"Ang ganda mo, Luna!" Sabay nilang sabi saakin at nag-apir pa sila kasi natutuwa sila na parehas  sila ng sinabi.

"Pero, Luna, ngayon lang ba kami maganda?" Wari'y nasasaktan na sabi ni Kara.

Shoot! May mali ata akong nasabi.

"Lagi naman kayong maganda. He-he." Sabi ko at napahawak sa leeg ko.

Hindi ako nambola ah! Niligtas ko lang ang sarili ko.

"Yan ang gusto ko sayo, Luna!" Natatawa nyang sabi saka nakipag-apir saakin.
















Napanganga ako sa nakita kong ayos ng lugar. Yung field ang pinagdausan ng event at ang ganda nito! Kaninang umaga lang ay wala pa ito dahil dito kami dumaan ni Keith kanina. Pero nung pauwi kami ay don kami sa likod ng dorms dumaan.

Umikot ang mata ko para hanapin sya pero hindi ako nagtagumpay. Hindi ko sya nakita.

Nang makita ako nina Selene ay pinapunta nya kami sa Table nila. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao saakin.

'Bakit sila papunta sa table ng Royals?'

'Hindi mo ba alam? Sila yung mga linta. Dikit sila ng dikit sa Royals para mapansin ni Keith at Josh.'

'Ayy grabe. Diba bago lang yung isa dito?'

'Oo. Kebago bago eh ang pangit ng ugali.'

Akmang lilingon na ako pero may naramdaman akong humawak sa bewang ko.

"Don't listen to them." Bulong nya sa tenga ko.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now