Ika dalawampu't lima💔💔

46 6 0
                                    

"Akin lang si Simon!!" Sigaw niya sa akin. Nababaliw kana Mira! Paalis na ako nang hilain at higitin niya ako ulit. Nakita ko pa ang palad niyang inihagis niya sa ere para sampalin ako, napapikit ako ng bahagya at inihanda ang aking sarili sa sampal niya,ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala paring dumadantay sa pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at nagulat sa nakita.

"Sino ka?!" Pagalit na sigaw ni Mira sa taong dumating.

"That's none of your business." Masungit na wika ng boss ko, pabagsak niyang binitawan ang palapulsuhan ni Mira. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis sa lugar na iyon. Sumakay kami sa kotse at mabilis niya itong pinaandar.

Itinigil niya ang kotse sa daan, pagtingin ko ay puro palayan ito. Naupo kami doon sa loob ng limang minuto. Hindi ko alam. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari, si Mira, matagal na siyang may galit sa akin. Matagal na?. Pinaplastik lang niya ako, ganun ba??.dahil kay Simon, itinapon niya ang pagkakaibigan namin. Pero bakit wala akong maramdaman, baki parang namamanhid ako. Tumingin ako sa lalaking nasa kaliwa ko at nakitang nakatuon lang din ang tingin niya sa daan.

"What happened?" Tanong niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa harapan at nagsalita..

"Hindi ko alam?. Haha" hindi ko alam sir eh.

"Why are you letting her hurt you? Anong ginawa mo?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. Ewan ko? May ginawa ba ako? May nagawa ba ako? Ewan ko..

"Is it because of your boyfriend?" Kuryosong tanong niya. Kailan pa naging tsismoso si sir. Oh come on, inirapan ko lang ang sinabi niya.

Bumaba si sir sa kotse at binuksan ang pinto sa banda ko, bumaba ako doon at nilanghap ang sariwang hangin ng probinsiya. Masakit ba Eii?. Hahaha. Nakakatawa hindi ba?. For 9 years, may gusto si Mira kay Simon pero hindi mo iyon napansin, kaya pala, kaya pala pag magkasama kami ni Mira laging gusto niyang pag usapan si Simon. Sobrang sakit lang na hindi ko iyon nakita, hindi ko alam na mahal na mahal niya ang lalaking maski ako ay pinangarap ko. Ang kaibahan lang namin ay minahal ako ni Simon.

Kung sinusuwerte kanga naman!Bakit nasa simbahan si Mira? Doon ba sila magpapakasal?. Magpapraktis lang, sa simbahan pa. Nakakainis. Nakakainis.

"Hey" sipat ng sir ko sa akin.

"Hmmmm?" Lingon ko.

Nakasandal kaming pareho sa gilid ng sasakyan.

"Let's go back" pag aaya niya. Kararating lang natin dito eh 

"I mean, sa Canada" paglilinaw niya. Hmmm. Parang mas gusto ko nga iyon.

"Next week pa tayo uuwi diba?" Tanong ko. Tumingin ako sakanya at nakita ang nag aalala niyang mukha. Isang iglap pa ay naikulong na niya ako sa kanyang mga bisig.

"Cry, Antonio" sa simpleng salita niyang iyon ay bumuhos ang masasagana kong luha. Gulong gulo na ako, hindi  ko na alam kung anong totoo.

"Shhhh" pag aalu ni sir habang hinahagod ang likod ko. Sir, hindi mo ba alam na isa ka sa nagpapagulo sa isip ko?. Syempre, hindi mo alam dahil hindi ko iyon sasabihin sayo.

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Si Simon? Si Mira?. Ang mga magulang ko ay hindi binabanggit ang kahit na ano. Halatang iniiwasan nila ang bagay na yun. Kung babalik ako sa Canada at iiwas sa lahat ng ito. Dadalhin ko lang din lahat ng sakit at bigat. Kung haharapin ko naman ang sitwasyon, alam ko na. Talo ako. Talong talo na ako.

Itinulak ko ng bahagya si sir para sabihin na okay na ako. Ngumiti ako sakanya ngunit siya ay iniinspeksiyon ang aking mukha.

"Stop pretending that you're fine Antonio" wika niya. Okay naman ako eh. Okay lang ako.

"Ikaw sir. Okay ka lang ba? Kahit hindi mo sinasabi sa babaeng mahal mo na mahal mo siya? " tanong ko. Bumalik siya sa pagkakasandal niya at nagsalita.

"Yes, i can see her, i can talk to her, i can comfort her. That's more than enough for me" wika niya. Ang swerte naman pala niya sir, minamahal mo siya ng palihim, ibig sabihin, kaya mo siyang saluhin kapag nahulog siya. Sana ako din, sana ako nalang iyong mahal mo sir. Sana, hindi nalang ako si Eivhon.

Tumingin ako sa palayan, may kakaunting hanging sumasagi sa mga ito dahilan para magmukhang sumasayaw ang bawat dahon.

Kung ang buhay sana ay simple lang, kung walang kumplikasyon, sana, sana hindi kami nasasaktan at nahihirapan ng ganito. Sana, kaso hindi.

Nagpalipas pa kami ng ilang oras doon tsaka na nagpasyang umuwi sa bahay. Pagdating ay maghahapunan na.

Tahimik ang lahat sa hapag. Nakaupo ako sa tabi ni nanay at nasa kaliwa ko naman si Sir. Binasag ni nanay ang katahimikan.

"May invitation na dumating" simpleng wika ni nanay. Napatigil ako ng kaunti ngunit ipinag walang bahala ko ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Nasa harapan ng TV, Eii" wika ni ate. Anong gusto niyong gawin ko?. Umattend sa kasal na iyon?. Bakit niyo ba ako ipinagtutulakan hah?
 
"Okay"wika ko. Sabay balik sa kinakain. Pag iisipan ko. Pag iisipan ko kung balak ko bang patayin ang sarili ko sa sakit o umiwas nalang. Pag iisipan ko.

Pagkatapos mag hapunan ay dumeretso ako sa kwarto ko, hindi kaya naiirita si sir sa akin dahil ini invade ko ang personal space niya? Lumabas ako sa veranda at tumambay doon.. narinig ko ang papalapit na yapag, pahiga akong naupo sa upuan.

"Coffee" wika ni sir. Sabay upo sa upuan na nasa tabi ko.

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto niya. Pumanhik ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Nanonood sila nanay at tatay sa sala. Naalala ko na naman ang imbetasyon na sinabi nila kanina. Haaay. Saka nalang yan.

Pagkatapos magtimpla ay pumanhik ako sa taas. Dumeretso ako sa veranda at naabutan ang sir ko na may kinukulikot sa kanyang cellphone..

Tumikhim ako dahilan ng paglingon niya.

Ini abot ko sakanya ang  kape at naupo ulit sa dati kong pwesto.

Uminom siya doon at inilapag ito sa mini table na nasa tabi niya.

"Pupunta kaba?" Tanong niya. Napatigil ako sa pag inom ng kape at ini lagay iyon sa sahig.

"Tinatanong mo ba ako kung handa na akong patayin ang sarili ko?" Mapait kong tanong kay sir..

"Why are you so inlove with him?" Tanong niya.

"I don't know. Basta pakiramdam ko, sobrang sakit para sa akin na hindi kami" sagot ko sakanya.

"Ikaw, why are you so inlove with the woman you can't have?" Tanong ko sabay lingon sa kanya.

Lumingon siya sa akin at nagtama ang paningin namin. Tumibok na naman ng malakas ang walang hiya kong puso.

"I can if I want to. Pero hindi ngayon" ayan na naman siya. Sa papuzzle niyang sagot.

"Sino ba kasi yan?. Sabihin mo na, baka matulungan pa kita, para atleast, isa sa atin ang masaya hindi ba?" Walang modo kong tanong. Halos magka edad lang naman kami eh.

"She's her" who's her???!.

"Si 5000 stolens?" Wala sa isip kong tanong. Dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Anong sinabi mo?" Kunot noong tanong niya..

****
Buking!

Don't forget to leave a vote or a comment. Thank you😘

LOVE TAP💔💖#watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon