It's Never Too Late

99 1 0
                                    

Author's Note: ONE-SHOT Y'ALL! And in tagalog pa. Sana magustuhan niyo. 

Nainspire kasi ako sa sinabi ng isa kong instructor. Sabihin mo na, bago pa huli ang lahat. 

--

Mahal ko siya. Mahal ko na siya. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin o kelan. Natatakot din ako. Pano kung hindi niya na ako mahal? Pano kung late na pala ako? 

Tinignan ko yung phone ko. Almost 3 na, salamat naman! Ang boring na ng klase at hindi ko na alam yung gagawin ko. Kanina pa ako kinakabahan. Nagpasyahan ko na kasing sabihin sakanya. Inabot ako ng hanggang 12 kagabi, nagsulat ako ng isang letter para sakanya, oo love letter. Old school pero wala na akong maisip na ibang paraan. Ayoko sa text or tawag lang kasi ang pangit. Kung magtatapat ka, ayusin mo naman, mag-effort ka kahit in the end eh basted ka. For sure naman na wala akong masasabi o hindi ko masasabi yung gusto kong sabihin kung personal ko siyang kakausapin at isa pa, busy daw siya kaya wala ding oras. 

Tinext ko siya kanina. Magkita kami sa harap ng library kasi may ibibigay ako sakanya. Sabi niya wala daw siyang oras pumunta, hindi ko alam kung totoo o nagdadahilan lang siya. Ayaw naman na maulit yung nangyari sakin nun,--na hindi ko nasabing mahal ko yung kaklase ko noon (hanggang ngayon, nagsisisi parin ako na hindi ko nasabi) --tinext ko ulit siya, kinulit ko siya na ako nalang pupunta. Na kahit sa pinakamalapit na building nalang, ayaw ko kasing pumunta sa building nila at ayaw din niya akong pumunta. Iba ang feeling. Iba ang aura. Nakakatakot. Nakaka-conscious. Nabwisit na siguro siya kasi pumayag na siya. 

Natatakot na ako. Kinakabahan. Ilang buwan din kaming magkakilala, magkaibigan at niligawan. Pero nung nakaraang linggo, hindi na siya masyadong nangungulit, nagtetext at tumatawag. Inisip ko nalang na baka busy siya kasi malapit narin naman ang Finals namin. Natatakot lang akong magisip na baka hindi na niya ako mahal kasi nag-give up na siya, na iba na yung nararamdaman niya. Natatakot ako. Ba't ngayon pa? Ngayon pa na mahal ko na siya. 

Nagring yung bell, iniwan ko yung mga kaibigan ko at pumunta sa building ng mga Nursing. Tinext ko siya. After ng ilang minuto, dumating siya. 

Nag-hi siya at nagsmile sakin, katulad ng dati pero may iba. Iba talaga. Alam ko na that time na may nagbago. Muntik ko ng sabihing wala akong kelangan sakanya at gusto ko lang mag-hi pero feeling ko at sigurado akong eto na tamang oras. At baka ito narin ang natitirang right time. 

"Bakit?" tanong niya sakin. "May klase pa ako, nag-excuse lang ako." Kinuha ko yung sulat sa bag ko tapos binigay ko sakanya. "Ano to?"

"Basahin mo yan pero sana ikaw lang ang makabasa." Tumango nalang siya. "Sana maging okay ulit tayo." Tumingin siya sakin. Alam kong madami siyang tanong. "Nasa letter ang lahat. Sige, baka mapagalitan ka pa. Aalis na ako. Salamat sa oras."

Naglakad na ako paalis pero tinawag niya ako. "Importante ba to?" tanong niya. Tumango ako at bumalik na sa building namin. Para akong nahugutan ng malaking tinik sa laamunan. Kung hindi man maganda ang magiging resulta, okay lang. At least na sabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na pagsisisihan yan. Alam kong masmadaling magmove-on pag wala ng nagho-holdback sayo para mag move on. 

May isang oras pa akong break, hinanap ko yung mga kaibigan ko sa library. Dun naman ang tambayan ng grupo. Buti nalang may pinapagawa yung instructor namin sa susunod na klase kaya hindi masyadong iniisip yung mangyayari mamaya. Hindi ko na alam. Bahala na. 

Nagdiscuss at walang pumapasok sa utak ko. Kabado kasi ako. Nagquiz kami, nagulat nalang ako nung marealize kong madami rin pala akong masusulat.

Natapos ang klase, nagring na yung bell. Tinignan ko yung phone ko, walang text, walang missed call. Okay, huli na siguro ang lahat. Hay, buhay! Nagulat nalang ako nung makita ko siyang naka-sandal sa tabi ng pintuan ng room. Tumingin siya sakin at nag-smile. 

It's Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon