Chapter 22: Second chance

9 0 0
                                    

'Ikaw lang pala Kevin,anong ginagawa mo dito?'

'Wala lang trip ko lang bakit ba'

'May tama ka ba?'

'Oo sayo,joke lang ito naman'

'Nako ewan ko sayo,sige na uuwi na ko'

'Sabayan kita papunta sa parking lot nagdalaa rin kasi akong kotse'

'Oo na sige na',sabay tawanan naming dalawa

Ewan ko ba basta masarap kasama si Kevin,siya yung tipo na lagi kang papasayahin kapag kapiling ka niya,siya rin yung tipo na aalagaan ka at dadamayan ka sa lahat ng bagay o problema mo sa buhay.

Sabay kaming naglakad papunta sa sarili naming sasakyan,ako ang naunang sumakay at umalis sa aming dalawa.Pumunta muna ako ng Mall para bumili ng brownies,gusto ko kasing kumain paguwi ko ng bahay.

Nang makapunta na ako sa Mall ay bumili na ako ng browmies at hindi na ako nagtagal dahil gutom at pagod na rin naman ako.

Wala pa atang kalahating oras ay umalis na rin ako sa mall para hindi matraffic,binilisan ko na ang pagpapatakbo pero maingat naman ako dahil ayokong madisgrasya.

Pagkarating ko sa bahay ay ako na ang nagpark ng kotse ko para hindi na mahirapan ang guard.

Pagpasok na pagpasok ko ay may nakita agad ako.

'Napadaan ka ata'

'Hindi,sadyang namiss lang kita babe kaya pumunta ako dito'

'Parang nung isang araw ay magkasama tayo ahh',sabay kiss niya sa aking cheeks

Oo walang iba kundi si Aaron.Pinatawad ko na siya at binigyan ng second chance,wala akong magagawa dahil mahal na mahal ko siya.

Alam kong may nagawa siyang mali pero siguro naman at hindi niya naiyon uulitin pa.

May nakahapag ng pagkain sa dinning table kaya kumain narin kami ni Aaron.

'Riza,ilang weeks nalang kasal na natin'

'Excited na ako Babe'

Hinawakan ni Aaron ang aking kamay,hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil ilang weeks nalang ay kasal na namin.

Hindi na rin naman nagtagal si Aaron dahil may gagawin pa siya sa office nila.Natulog na rin naman ako para maaga ako makapasok bukas,at ginawa ko na ulit ang lagi kong ginagawa kundi ang magset ng alarm clock.

Mahimbing ang pagkakatulog ko dahil wala na akong sakit na nararamdaman parang guminhawa na siya.

Its already 6:00 a.m. kaya bumangon narin ako dahil ang ingay nung alarm clock.Nagtext muna ako kay Aaron bago maligo.

To Aaron:

Goodmorning babe

From Aaron:

Goodmorning din babe

Naligo na rin ako dahil masyado ata akong kinilig.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako wala akong mapiling isuot pero ang dami dami ko namang damit.

'Hays sa wakas nakapili rin ng masusuot',ani ko sa aking sarili

Bumaba na rin ako pagkatapos kong magbihis para magumagahan.Konti lang kinain ko para marami naman akong makain sa harap ng mga kaibigan ko (VIDEBAMA) dahil konti lang ang kinakain ko kapag sila kasama ko,kaya ngayon babawi ako.

Pero ayempre hindi ko papabayaan ang weight ko ayokong tumaba masyado gusto ko katamtaman lang.

Umalis na rin ako ng bahay para pumunta na sa university.Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan ko (VIDEBAMA) para malaman ko kung nasa university na ba sila.

Sabi naman nila nasa university na sila baka hindi daw muna kami magkasabay sabay dahil nga busy schedule daw.

Nang maipark ko na yung kotse ko a parking lot ay dumiretso na ako sa building kung san nandun room namin.

Sa ngayon wala pa yung prof namin pero maya maya ay darting na rin siguro iyon,nandito na rin naman si Kevin nakaupo sa upuan niya gusto ko sanang puntahan kaso busy sa pakikinig ng music.

Walang dumating na prof. pero may pinadala aiyang isang studyante para ipaphotocopy nalang yung kokopyahin namin.

Hindi rin nagtagal ang studyante kaya lumabas na kami pero hinarangan ako ni Kevin bago lumabas.

'Pwede ba kitang mayayang kumain sa labas?'

'Oo naman bakit naman hindi'

'San mo gusto?'

'Diyan nalang sa Cafe malapit sa school'

'Tara na'

'Agad agad?'

'Oo naman',sabay ngiti niya sa akin

'Wag mo ngang ipakita sakin iyang killer smile mo'

'Bakit naiinlove ka?'

'Hindi ah,tara na nga'

Kunwari galit ako pero mabilis nalang akong natatawa.Tumakbo si Kevin at hawak hawak niya ang kamy ko kaya napatakbo na rin ako kaysa naman madapa ako,nakarating kami agad sa cafe dahil tumakbo kami.

Hapong hapo kaming dalawa kayo ba naman tumakbo sinong hindi hahapuin.



"Her One Sided Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon