CHAPTER 13

6.2K 119 1
                                    

Hep hep hep!! Sisingit muna ako dito. Btw ang chapter ba toh ay dedicated kay user49523301. Thank you sa pagvote niyo sa story ko!! Wala nga muna palang POV dito si Rochelle at Ezekiel. Para sa mga friends nila toh.

¤¤¤¤¤¤¤¤

Chapter 13 - Ellyza's Reason and A New Transferee

James' POV:

Yasssss!!! NagkaPOV na din ang pinakagwapong nilalang sa mundo!

Nandito na ako sa classroom at section A din ako!! Ang mga gwapo talaga sadyang matatalino. Umupo na ako sa tabi ng isip batang kapatid ni Chris.

"Huy bata!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi siya lumingon. Snobber na pala siya ah. Tignan natin. Lumapit ako sa kaniya at.....

"Arayyyy!! Bitawan mo!!" Sigaw niya dahil hinila ko ang tenga niya papalapit sa akin.

"Nang iisnob ka na pala ngayon ah?" Nakangisi ko sabi sa kaniya.

"Anong snob ka diyan? Wala akong naririnig na tumatawag ng pangalan ko ah" sabi niya at tinanggal ang kamay ko at umayos ng upo.

"Sus, ewan ko sayo" sabi ko na lang.

Nakita kong dumating na si Alex kasunod si Rochelle. Nasaan si Chris?

"Elle nasaan si Kuya?" Tanong ni bata.

"Ayun nasa bahay nilalagnat" sabi niya at parang may eyebags siya ngayon ah.

"Tulog muna ako ah" sabi ni Rochelle at umubob sa armchair at nagsimula na siyang humarok.

Hmmm? I smell something fishy? Ayun! May nakain kasi sa room ng tuna sandwich yun ang ata yun.

Btw ganito ang pwesto namin sa room. Kami yung sa may bandang likod.

Bintana-Chris--Rochelle--Bata--me
Wall--Arriane-- Alex--Vacant--Ced-

Si Chris lang ang absent sa amin ngayon. Biglang pumasok si Prof.

"Good morning Ma'am" bati naming lahat.

"Good morning too students. There's a new transferee student and I hope you'll treat her well" sabi ni prof at may pumasok na babae na nakauniform.

"Good morning everyone. Shanaia Rodriguez is the name" cool niyang sabi.

Russel's POV

Naiwan ako ditong nakanganga. Siya yung tomboy na babae na binangga ako nung isang araw sa airport!!!

"Okay Ms. Rodriguez you may now take your seat beside Mr. Park" sabi ng Prof.

Aba nga naman! Dahil sa kagwapuhan ko dito talaga pinili ni prof sa tabi ko siya umupo.

Umupo na diya sa tabi ko at umubob. Nasa akin nga pala ang passport niya *evil smile*.

"Hoy tomboy" tawag ko sa kaniya at d niya ako pinansin.

Aba! Snobber si tomboy ah! Ngayon lang ako nakakitang isnob ako ng babae dahil sila lago ang naghahabol sa akin. Kimulbit ko siya.

"Hmm?" She mumured with matching taas ng kilay.

Kinuha ko sa bag ko ung passport niya.

"This is yours right?" Taning ko sa kaniya habang nakangisi.

"Give it back" tipid niyang sabi.

"Ano ka sinuswerte? Sabihin mo munang gwapo ako" sabi ko sa kaniya.

"In your wildest dreams. I said give it back or else...." cold niyang sabi.

Bakit ba ang cold niya? -__-Pinaglihi ba siya sa Yelo kaya ganiyan siya? O kaya nagpapahard to get siya sa akin.

"Or else what?" Taka kong tanong.

Tumayo siya at......

"Prof, Mr. Park is annoying me and he won't give me my passport" paawa niyang sabi kay prof.

Juskolord! Terror pa naman tanong teacher namin ngayon at walang iba kung hindi si Ms. Arillo. Lumapit sa akin so Ms. Arillo at......

"Mr. Park! Detention now!" Sigaw sa akin ni Ms. Arillo at hinablot sa akin yung passport ni tomboy.

Tumayo ako dala ang bag ko at lumakad palabas ng room. Tinignan ko si tomboy at nakangisi siya sa akin.

Patay ka sa aking tomboy ka!! Tignan natin bukas kung kanino ang huling tawa!!

*****

James' POV

Hahaha!! 3 hours of detention si Alex. Kawawa naman. Hahaha! Pasalamat na lang at gwapo ako. Vacant namin ngayon at nakita ko ang Fiance ni Chris na natutulog. Ano kayang ginawa ng babaeng yun at puyat?? Hala! Huwag mo sabihing.....

~poink~

"Aray! Hoy bakit ka namamatok ah" sabi ko kay bata.

"Staring at a person is very rude" sabi niya na nakapameywang.

Wala nga palang tao dito sa classroom kung di ako, si bata at si Rochelle at natutulog.

"Psh! Paenglish english ka pa diyan! Isip bata naman" sabi ko sa kaniya at nagwalk out na siya.

Maalam palang magwalk out ung batang yun? Akala ko puro paglalaro lang alam nun. Hahaha!

Third Person's POV

Sa backyard nandoon si Ellyza at ang Queen bee nasi Annabelle.

"Ikaw talandi ka! Akala ko isip bata ka pero mali! Malandi ka! Tinatago mo lang yun pero sa kaloob looban mo nilalandi mo na ang campus princes" sabi ni Annabelle.

~SLAP!~

Sinampal ni Annabelle si Ellyza at sinabunutan niya ito at sinabunutin di ito ng dalawa niyang alipores na sina Blossom at Marga.

"Ang landi landi mo! Kung hindi mo lang kapatid si Chris malamang nilandi mo na din siya" sabi ni blossom at patuloy niyang sinabunutan si Ellyza.

Si Ellyza ay walang magawa kung di umiyak at tumungo. Subrang sakit na ng kaniyang anit sa pagsabunot sa kaniya ng mga ito

"Nagkukunyari ka lang isip bata pero kaloob looban mo malandi kang babae ka! Wala akong pake kung anak ka may ari ka ng eskwelahang ito! Ang lakas ng loob mong landiin sila ah" sigaw ni Marga sa kaniya.

"Tama na please" bulong ni Ellyza habang umiiyak.

Binitawan na nilang tatlo ang buhok ni Ellyza at sasampalim ulit sana ito ni Annabelle nang may humawak sa kaniyang braso.

"Huwag na huwag mong sasaktan ulit si Ellyza kung ayaw mong masaktan" sabi ni James at hinila si Ellyza papunta sa Garden ng school nila.

"Hoy bata! Bakit hindi ka lumaban? Tsk! Isip bata kasi" sabi ni James at binigyan ng panyo si Ellyza.

"Bakit ako isip bata? *sob* Kasi kapag nag iisip bata ako nakakalimutan ko *sob* ang mga problema ko! Yun na nga lang *sob* ang paraan para maging masaya ako pero pinipigilan niyo pa! Hindi niyo ba *sob* alam na may damdamin din ako?! Nasasaktan din ako! Nag iisip bata ako para makalimutan lahat ng sakit *sob* na ibinigay sa akin ng exboyfriend ko!" Sabi ni Ellyza habang umiiyak at tumakbo na siya paalis.

Naiwan naman doong tulala si James. Alam niya kasing mali siya sa palaging pang aasar sa kaniya ng isio bata. Hindi niya namab pala ang dahilan kung bakit siya ganito. Si Rochelle pang kasi ang nakakaalam niyon at wala siyang balak na sabihin sa iba.

Si Ellyza ay tumakbo papuntang parking lot at sumakay sa kotse niya. Inistart niya ito at pumunta muna siya sa isang lugar na pampawala ng stress niya.....

¤¤¤¤¤

Nabitin kayo noh? Hahaha! Sorry naman. Malalaman niyo din sa susunod na chapter kung saan yun. Sorry sa wong typos at wrong grammars! Babush!

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon