Prologue

12 2 0
                                    

Prologue


"Hoy babae! Ibalik mo yung wallet ko!"

Hindi ako pwedeng mahuli. Ginawa ko lamang ito para maoperahan na yung kapatid ko. Alas-nuebe na nang gabi kung kaya't kakaunti na lamang ang tao sa kalsada. Basta't may eskinita akong makita ay pinapasukan ko para lang hindi ako maabutan ni manong na dinukutan ko. Habol ko ang aking hininga nang napansin kong 'dead-end' na pala yung eskinitang napasukan ko. Akma na sana akong lalabas ng eskinita ngunit natigagal ako nang nakita ko si manong na papalapit na sa akin. Hinatak ako nito papunta sa pinakadulo ng eskinita. Nakangisi ito na tila may masamang binabalak. Itinulak ako nito papunta sa pader. Mukhang napuruhan yung kaliwang binti ko kaya hindi ako makatayo.

"Pag-sinuswerte nga naman, mukhang makakatikim na naman ako ng masarap na putahe ngayong gabi." si manong na nakangisi pa rin.
"Kahit di mo na ibalik sa akin yung wallet ko iha, basta't matikman ko lang yung katawan mo."

"W-Wag po... I-Ibabalik ko na po yung wallet niyo..." uutal-utal kong saad dahil natatakot na ako.

Dahan-dahan na itong lumapit sa akin. Pilit kong hinahawi ang mga kamay niyang naglalakbay sa aking magkabilang hita. Hahalikan na sana niya ako sa leeg nang napansin kong bigla itong huminto. Agad akong lumayo dito. Napansin ko ring hindi na ito gumagalaw at nasa ganoon paring posisyon.

"A-Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko.

Ilang segundo palang ang nakalilipas ay nakarinig ako ng isang tinig ng lalaki. Napakasarap pakinggan sa tenga ng boses nito.

"Tumakas ka na..."

Kahit nahihirapan man ako sa pagtayo dahil sa pilay sa binti ko, pinilit ko pa ring makatayo. Nang makatayo na ako ay nakakapagtakang, nawala na yung kirot sa binti ko kaya agad na akong tumakbo. Hindi ko na inalintana pa kung sino ang nagligtas sa akin. Muli ko na namang narinig ang tinig ng lalaki.

"Mag-iingat ka na sa susunod."

Napa-tango nalang ako at ngumiti.

Sana muli ko siyang ma-encounter, gusto kosiyang makilala.   

#MystStylus2018

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bachelor's SecretWhere stories live. Discover now