Umiiyak ako sa harap niya at nagmamakaawa na wag niya akong iwan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung iiwanan niya ako.
"Please Clay... hindi ko kaya pag nawala ka sa akin" pagmamakaawa ko. Hindi ko talaga kaya. Nasa harap ko siya ngayon at nakatingin siya sa akin na wala kahit isang emotion na nakikita.
"Yun na ang decision ko Amber at hindi ako nagdadalawang isip sabihin yun kanina." cold niyang sabi. Akmang tatalikod siya pero hinawakan ko agad yung braso niya, huminto siya pero hindi siya lumingon sa akin.
"Ano pa ba kailangan mo?" cold niyang sabi habang nakatalikod pa rin.
"Ikaw... *sobs* ikaw ang kailangan ko." crack na yung salita ko. Mas lalong bumuhos yung mga luha ko. Wala na akong pakialam kung lumuhod ako sa harapan niya para hindi niya ako iwan. Ganun ko siya kamahal.
"Sinabi ko na sayo, tapos na tayo." sabi niya. Nasaktan nanaman ako sa mga salita niya. Tapos na kami? Pero ako hindi pa tapos ang pagmamahal ko sa kanya.
"Cla-Clay may ta-tanong ako sa iyo" nauutal kong sabi. Tatanungin ko ba? Baka pagnarinig ko na sa kanya yung sagot baka mamatay na ko sa sakit na nararamdaman ko.
"Mi-minahal mo ba ta-talaga ako, Cla-Clay?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng daretso sa mga mata ko. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya kahit isa man lang.
"Gusto mo malaman ha? HINDI, HINDI KITA MINAHAL, at ginamit lang kita para pagselosin yung ex ko." sigaw niya. Parang tinusok ng maraming kutsilyo yung puso ko nung marinig ko sa kanya na hindi niya ako minahal talaga at ginamit niya lang ako.
Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya sa braso at napaatras ako, tumalikod ako at nagsimulang tumakbo papalayo sa taong mahal ko at the same time sinaktan ako. Mas lalong bumuhos ang luha ko habang tumatakbo palayo sa kanya.
❆❆❆❆❆
BINABASA MO ANG
Once Upon a Summer with You (SOON)
RomanceSummer is unforgettable season. This is the moment to experience the joy and rest our minds and body within 2 months. Before summer ends, there is tragedy happened between Amber and Clay. It should be happy moments not tragedy. Isn't?