Pahina 7

8.3K 184 12
                                        

Pahina 7

"Oh! Shoot! Nakabukas na to!"

"H-huh?"

"I said, kanina pa bukas to! Bakit di ka nalang agad pumasok?"

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Javier. Oo nga pala, ganun nga kasi dati. Pero ano bang malay ko na ganun pa rin pala ang gagawin nya ngayon?

"May gusto ka?"

Hindi ako agad sumagot at bagkus ay tinitigan lang sya. He kept on smiling as if walang problema. Wala nga ba? Ako lang ba ang gumagawa ng problema? Pero hindi eh, Dapat alam nyang may problema sa nangyayari ngayon.

"Huy! Maiko!"

"Huh? Ano ba yun?!"

"Wow! Ikaw pa talaga galit ha? Tinatanong ko lang po kung may gusto ka ba? Water? Juice? Softdrinks? May pagkain rin. Gutom ka ba? Kain tayo!"

Napakunot ang noo ko at pilit na ibinalik ang sarili ko sa ulirat.

"Teka nga! Maguusap lang naman tayo eh! Wag na natin tong patagalin."

"Chill, babe."

"Babe mo mukha mo!"

Humalakhak sya kaya mas lalo akong nainis. Kahit kailan napaka mapangasar nya. Itong ugaling 'to ni Javier ang madalas na nakakapag akit ng babae sakanya. Ewan ko ba? The more na nangaasar sya, the more na mas attractive sya. Given na kasi yung looks nya na- Ay ewan!

Umupo nalang ako basta kaya sumunod sya. Naupo sya sa lamesita sa harapan ko para magkatapat kami. Hindi nya inaalis ang pagtitig sa akin habang nakangiti.

Utang na loob Maiko! Huwag na huwag kang magblush! Pigilan mo!

"You look great! Not that you look ugly before pero iba rin pala nagagawa ng 2-3years sayo hah!"

"Ah. Okay."

Nakayuko syang umiling iling bago ako muling tinignan. Itong malalim nyang mata na may napakagandang hazel brown na kulay ay hindi ko nagawang iwasan ng tingin. Para akong nanlalambot sa mga titig nya.

"Pwede bang kumalma ka lang? Ang sungit mo masyado. Wala naman akong gagawin sayo eh! Ni hindi naman kita inaaway jan!" Magpag papacute pa sa huli nyang sinabi.

"As usual. Isip bata." Ayon ko sa hangin.

"Hindi naman. Tineterno ko lang sa mukha kong baby face." Ayon nya sabay kindat saakin.

"I'm not here to play games with you, ok? Bago mag alas syete ay dapat nakauwi na 'ko. So baka pwedeng bilis bilisan na natin to."

Iniurong nya ang lamesita para lalong mapalapit sa akin. Pakiramdam ko naman na parang saglit na huminto ang paghinga ko. Heto na talaga at ramdam na ramdam ko nanaman ang impact sakin ni Javier.

"How long was it again? Halos tatlong taon rin noh? Akalain mo nga naman. Tatlong taon rin pala akong silay lang ng silay sayo."

"Utang na loob Javier! Wag mo na kong daanin sa mga hirit mo. Now, what happen last time is not even important! Lasing ako! At ikaw, mapagsamantala ka lang!"

"Talaga ba?"

"Oo! Kasi alam mo ng nasa impluwensya ng alak yung babae, sinamantala mo naman! Sa totoo lang, medyo bilib nga ako sayo eh. Hanggang ngayon wala ka pang nabubuntis! How do you do it? Baka siguro kasi expert ka na talaga. Ang galing!"

Pansin ko ang paghugot nya ng malalim na paghinga. Napapikit pa sya at mukhang nagpipigil ng sarili. Tama naman ako eh! Sa dinami dami ng nababalitaan kong babae na inuuwi nya dito at naikakama, ang galing lang na wala pa rin syang mga panganay.

Inilapag nya ang palad nya sa makabilang gilid ko at mas lalo pang inilapit ang mukha nya sa akin. Pakiramdam ko na kakapusin na ko ng hininga sa ginagawa nya!

"Kailan ka pa naging judgemental ng ganyan, Maiko? Naniniwala ka sa sabi sabi?"

"Dahil alam kong totoo! Dahil nakita ko! Diba to see is to believe? Hindi sinungaling ang mga mata ko Javier."

"Sabihin na nating tama yung nakita mo. Do you honestly think na uulit ko yun?"

"Nagawa mo nga habang nasa loob ka ng isang relationship, ano pa kung single ka talaga?"

Hinawi ko ang isa nyang kamay at tumayo. Bakit ngayon pa pumalya tong mga luha ko? Alam ko na napractice ko na noon na magpigil ng iyak pero ngayon, hindi ko na ma-control.

"Nag sorry na ko! Kung sana nakinig ka sa paliwanag ko-"

"Aanhin ko pa ba kasi yung paliwanag mo? I saw it with my own two eyes, Javier! And if you think na maaayos ng isang sorry ang lahat well think again! It doesn't work that way."

"Nagkamali ako! Ok? Aminado naman ako eh! Pero hindi mo ko dapat iniwan, Maiko. I know i deserve a second chance. O baka naman wala lang kasi talaga ako para sayo kaya napakadali sayo na mangiwan?"

Agad akong lumapit sakanya at sinampal sya. Nanginginig halos ang buong katawan ko. Alam ko rin na namumula na ang mukha ko dahil sa galit. Galit na galit na ako!

"At ako? Deserve ko ba na maloko? Alam ko rin naman na may mali ako pero hindi yun dahilan para-"

"Pero mahal kita! Noon at kahit hanggang ngayon, mahal pa rin kita! Hindi ko yun sinadya! Hindi mo alam kung paanong halos masira ang buhay ko nung basta kang bumitaw-"

"Bullsh*t! Hwag mo kong gawing tanga Javier! Bakit ikaw ba? Alam mo ba kung gano katagal kong daladala yung sakit? Kung gano katagal akong iyak ng iyak kasi wala naman akong ibang magagawa? Sinusumbatan mo ko na bumitaw ako basta pero ni minsan hindi ba nasagi sa isip mo na kasalanan mo kaya ko tinapos lahat?"

Lumayo ako sakanya ng bahagya. Pakiramdam ko na hahagulgol na ako sa pagiyak dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa akin nya sinisisi ang nangyari na para bang ako ang sumira ng lahat.

Yakap yakap ko ang sarili ko dahil talagang bumigay na ako sa pagiyak. Yung ilang taon na kinimkim ko, heto at halos nailalabas ko na. Lahat ng sakit lalo na ang galit ay isinisigaw ko na sakanya.

Bigla syang lumapit sa akin at niyakap ako. I'm not hugging him back bagkus ay mas lalo lang akong napahagulgol ng maramdaman ko na ang pagkulong nya sakin sa mga bisig nya.

"Maiko, mahal kita. Alam mo yun. Nagkamali ako pero nagsisisi na ko. Please, please patawarin mo na ko."

"Hi-hindi ko kaya." Pilit kong isinagot sa gitna ng pagiyak ko.

"Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit. Mahal na mahal kita up to the point na kaya ko ng gawin lahat para sayo. Kakayanin ko ng ibigay ang gusto mo. Pero niloko mo ko Javier! Hindi ka umintindi. Hindi ka naghintay." I paused at lumayo sa kanya para tinignan sya ng direkta sa mata.

"Ikaw ang sumayang sa lahat. Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumitaw. Kaya wag mong sabihin sakin na mahal mo ko dahil hindi ako maniniwala... Kasi kung mahal mo ko? Wala tayo sa ganitong sitwasyon ngayon."

Mabilis 'kong kinuha ang gamit ko at tumakbo palabas ng bahay nya. Wala akong dalang sasakyan at hindi alam ng driver namin na pumunta ako dito.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Nung medyo malayo na ay tsaka ko binagalan. Hindi ko kinaya! Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Kahit pinilit kong turuan ang sarili ko na maging matapang at matatag sa harapan nya ay hindi ko pa rin nagawa.

Siguro ngayon, ako ang talo. Pero hindi sa lahat ng araw ay araw nya.

Her Retreat (Unpredictable Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon