Chapter 16

19.8K 271 11
                                    

A/N: Chapter dedicated to itsFMae. Thank you po sa vote ateee :)

***

Hayley’s POV

I cant believe it!

Oh my GOD!!!

Talaga bang ipinakilala ako ni Claude

Shooooooooooooooot!!!

Kinikilig ako!!!!!!!!

May bonus pa ako kasi ang hot hot ni Claude!

Six-pack abs beybeh!!!

Shet ang swerte ko sa asawa ko!!

Ang gwapo pa dahil sa bulky niyang katawan, matangos na ilong, magandang labi, tsaka maamong chinitong mata

Nandito pa din kami sa location ng photo-shoot ni Claude. Nakasalang pa siya kaya naman ako naupo muna

“Miss Hayley? Si Sir Claude ba talaga yun? Bakit parang iba ang mood niya ngayon? Atsaka bakit pinakilala ka niya?” tanong ni Charlie sa akin

Nga pala, alam niya yung tungkol sa secret marriage namin ni Claude

“Hindi ko din alam eh. Pagkagising ko bigla nalang siya naging ganyan”

“Nako! Hindi kaya dinukot ng alien yung totoong asawa niyo Miss Hayley?” pabiro niyang sinabi

“Hahahaha! Loko ka talaga kahit kailan Charlie!” nagtawanan nalang kami ni Charlie

“Hoy Charlie! Huwag kang magkakamaling duma-moves diyan kay Hayley ah?! Tandaan mo may asawa na yan!” pabirong sabi ni Claude nung makita niya kaming nagtatawanan ni Charlie

Nagtawanan naman ang mga tao sa photo-shoot, ako naman napatungo nalang dahil naramdaman kong namula ako

“Uuuuuuuy, si Hayley, namumula” asar naman sa akin ni Dan

Si Dan yung photographer ni Claude ngayon. Magkakilala na kami dati pa, siya kasi madalas ang kumuha ng pictures sa mga concerts and exhibits ko

Napahawak naman ako sa ulo ko. Kumirot kasi ito

“Okay ka lang po ba Miss Hayley?”

“Oo, kumirot lang ng konti yung ulo ko”

“Nako! Congrats! Ninong ako ha?” – Dan

Ano daw? Ninong? Eh kung sinasapak ko kaya to si Dan? Eh hindi pa nga kami nagki-kiss ni Claude eh! Sex pa kaya?!

“Nako Dan! Tumigil-tigil ka diyan ah!” sigaw ko sa kanya

Nagtawanan na naman lahat ng tao sa photo-shoot

Nakita ko naman si Claude na nakatingin sa akin ng seryoso

“Okay Claude! Your frames are done. Pwede ka nang magpalit” sabi ni Dan kay Claude.

Lumapit naman siya agad sa akin

“Hayley? Okay ka lang ba?” alalang tanong nito sa akin

“Oo naman. Bakit naman hindi?”

“Mukha kasing napapadalas na yung pananakit ng ulo mo eh. Magpa-check-up ka kaya?”

“Nako hindi na noh! Migraine lang to. May iniinom naman akong gamot, kapag nakainom ako, mawawala na din ito”

Sana nga kaya ng gamot itong sakit na nararamdaman ko.

Posible kaya na bumalik na yung tumor sa utak ko?

Wag naman sana

“Sure ka ha? Osige, since tapos na yung shoot ko, kakain tayo sa labas!” masayang sabi nito sa akin

“Okay” nakangiti ko namang sagot

Sana mali ang iniisip ko. Gusto ko pang maranasan ng mas matagal ang mga nangyayari ngayon

Gusto ko pang maayos yung gulong pinasok ko

Madami pa akong gustong gawin

Lord, wag po munga ngayon please? Kapag naayos ko yung gulong pinasok ko, I promise to accept whatever will happen to me

“Saan mo gustong kumain Hayley?” tanong ni Claude sa akin

“Ikaw ang bahala. Surprise me” nakangiti kong sagot dito

“Okay, pahinga ka lang ha? Baka sumakit na naman yang ulo mo eh”

“Okay Claude” sabi ko naman sa kanya

I hope we can stay like this for a long more time

Sana wag munang bumalik si Lianne at sana walang tumor sa utak ko

Ngayon lang ako sumaya ulit ng ganito sa loob ng napaka-daming taon

Kung pwede nga lang na ihinto yung oras at maging ganito na lang palagi eh

Pero I have to face the reality na mangyayari ang dapat na mangyari

Wish ko lang na matagal pa yung panahon na yun

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon