Si Palengkera: My Karenderya Queen

92 1 0
                                    

Chapter 1

" isda kayo diyan! Mga suki kong magaganda at gwapo na tulad ko bili na para makaluto ng almusal sariwa pa iyan! May gulay din ako sari sari para maintain ang kaseksihan at kalusugan " tawag niya sa mga custumer at may dumaan na babae tinawag niya ito para bwena mano sa kanyang paninda

" mam ang seksi mo halina bili na sa isda ko sariwa pa at gulay na rin para hindi ka tataba " sabi niya sa babae

" asus si ening binobola ako sige isang kilong galunggong at isang kilo na rin ng bangus " ani ng babae

" mam bili kana rin ng gulay may talbos ng kamote at kangkong sitaw, talong ,okra para makapag sinigang kana rin " sabay kindat niya sa babae

" oh siya pati na rin talbos ng kamote at kangkong ang galing mo talaga mag sales talk " saad ng babae agad tumalima si alyana na tinimbang agad niya ang galunggong at bangus mabilis ang kilos ni alyana sanay na siya sa ganoong trabaho.

Pagkatapos niyang naisilid sa plastik binigay na niya sa babae at nginingitian niya ito ng ubod tamis.

" ening ang ganda mong babae kung mag artista ka tiyak maraming kukuha sayo ng producer sa pelikula at pag aagawan kapa sa lakas ng iyong karisma " wika ng babae

" ahehehehe salamat po mam parang sayo ata ako nag mana chika hehehee " sagot ni alyana at napatawa ang babae at saka umalis na ito sa pwesto niya.

 Nakasimangot ang katabi niya dahil marami na siya naibenta ito wala pa

" hoy alyana huwag mo naman tawagin ang mga custumer dumaan dito " bulyaw sa kanya.

" manang bebang huwag kang sumimangot diyan papangit ka ang wrinkles remember at gumaya ka rin tawagin mo ang mga tao para magkaroon ka ng benta kaysa nakasimangot ka diyan kay aga aga !" sagot niya dito

" paano ako makabenta kung sabayan mo ako sa pagsigaw !" pagalit nito sa kanya

" manang bebang kung iyong anak  mo nalang kaya ang pinabenta mo diyan para marami kayo mabenta sa paninda ninyo sa tantiya ko expire na ang karisma mo ahahahaha " pang aasar ni alyana sa katabi nito sa puwesto matagal na ito galit sa  kanya.

Hindi na umimik pa ang matandang babae dahil nagkaroon ito ng custumer pero umalis ito at tinungo ang pwesto ni alyana kaya ngitian ito todo ni alyana

" sige na mam bili kana ng isda sariwa pa iyan maganda iyan sa balat lalo kang kikinis at ito pa mam sari sari kong gulay sariwa din ito lalo din kikinis iyang balat mo at seseksi ka tiyak hindi ka iiwan ng iyong asawa pramis po mam " pang uto ni alyana sa custumer nito bumili na ang ale at lalo nagalit si aling bebang kay alyana.

Dumating na ang kanyang pinsan na may dala itong isda at gulay.

" salamat insan dumating kana malapit na rin paubos itong dala ko kanina " ani ni alyana.

" wow! ang galing naman mo naman insan iba na talaga kapag ang tindera maganda at seksi tiyak maraming bibili ahahahhaha " pagpaparinig ni mejoven kay aling bebang nagpupuyos na ito sa galit sa kanila. Hindi nakatiis binato ng kamatis si mejoven at sapol ito sa noo at nagkalat ito sa mukha ang napisang kamatis.

" hoy! manang bebang na ubod ng inggetera!kung itapon ko kaya sayo ang isda na ito para naman magkatulad na kayo ng amoy! Walang ginagawa ang pinsan ko at binato mo! " asik ni alyana kay manang bebang inawat na siya ni mejoven na hindi na patulan pa si manang bebang hayaan nalang ito

Pero sadyang minalas sila sa umagang iyon may papalapit na dalawang lalaki naghahabolan at naitulak ng magnanakaw si jorge sa mesa kung saan andoon ang paninda ni alyana at nadaganan ng lalaki ang gulay ni alyana at sira ang kanyang mesa na extension ng kanyang pwesto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Palengkera: My Karenderya QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon