Stanza 19
Kararating namin ng bahay at napansin kong naka-uniform ang mga katulong. They only do that when my parents are home. Pagpasok ko ng bahay, ang unang nakita ko ay sila mommy at daddy na nakaupo sa sofa at masayang nag-uusap kasama si kuya Kevin.
"MOMMY! DADDY!" Agad akong tumakbo at dinamba sila ng yakap.
"Oooh! Baby! We missed you so much!" Sabi nila.
Oh right. Apat na taon lang nakapagChristmas si mom at dad dito sa Pinas, at sa apat na taon na yun, yun din ang mga taong hindi ako nakauwi dahil sa kinulang ako sa pera. Ayaw ko kasing hinihingi ko ang pamasahe ko. Sila na nga ang nagbabayad sa pag-aaral ko, sila pa sa pamasahe ko? Kuya Nat tried to pay for me pero pinilit ko talaga siya na huwag na. Laging nauuna si Shane sa pag-uwi dahil... ewan ko. It doesn't matter anymore, anyway.
"You've grown up! Hindi ka na baby!" Sabi ni dad.
"Sama nito!" Sabi ko at pabirong pinalo sa braso si dad.
"Finally, umuwi ka rin." Sabi ni mommy.
"Yeah. I almost had to drag her all the way here." Sabi ni Shane. Kakapasok lang niya ng bahay. Hinalikan niya sa pisngi si mommy at daddy. "Kung hindi dahil sa fiancee niya, hindi yan uuwi dito."
"Fiancee?!" Sabay-sabay na sabi ni mommy, daddy, ate Lyza at kuya Kevin.
"Fiancee daw eh." Sabi ni Shane at ngumisi. Alam kong nararamdaman niya. Kambal niya ako.
"Sino?" Sabay na tanong ni ate Lyza at kuya Kevin.
"Shane!" Suway ko. Ngumiti ako sa kanila. Yung awkward na ngiti. "H-hindi naman yun t-totoo. Trip trip lang yun ni Loisa at Kristoffe." Napatingin ako kay Shane. Nakangisi siya. Yeah. you're right. I'm your twin. Hindi na ako magugulat.
"Oh. Akala ko pa naman may pinampalit ka na kay Ariel." Sabi ni dad at sumandal sa sofa. "Nasasayangan talaga ako sa inyo." Here we go again.
"Yes, dear. Pero business is business. Maybe we should do the same for you." Sabi ni mommy. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"MOM!" Sabay-sabay namin na suway sa kanya.
"Kidding! Marriage is a scared sacrament. I know, I know." Sabi ni mommy. "Anyway, you should do Christmas shopping later. Sa mansion ng mga Buenaflor tayo magpapasko, kasama sila Jared."
"We already did our shopping in New York." Sabay naming sabi ni Shane.
"Then shop for your clothes and shoes. O di kaya'y have a makeover." Sabi ni dad.
"Makeover? Sinasabi mo bang hindi na kami maganda, dad?" Tanong ni Shane. Tinaas ni dad ang dalawang kamay niya na parang nagsurrender.
"Wala akong sinasabi." Sabi niya at nagtawanan naman ang lahat.
~
It's 2pm. Nakaupo lang ako sa harap ng laptop ko sa kama dito sa kwarto ko. Kapansin-pansin mula sa nakikita ko sa bintana na napakainit ng Pilipinas kaya naman nakafull blast yung aircon ko. Maya-maya lang bumukas ang pinto na kumukonek ng kwarto ko sa kwarto ni Shane.
"Hey!" Bati niya.
"Hi." Sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa screen at patuloy sa pagtype.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"