Stanza 21
"Signal number 3 naman para sa mga sumusunod." Sabi ng weather forecaster sa TV. Pinakita ang listahan ng mga lugar na nasa signal number 3. And then there I saw our place. Nilipat ko sa ibang channel.
Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. That's probably Steph from the comfort room.
"Drei, wala ba ang parents mo?" Tanong niya. Nilingon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko at agad ko namang binalik ang tingin ko sa TV.
"Uhh.. Ano... T-tulog na s-sila. Or just in their room." Sagot ko.
Suot niya ang isa sa mga white polo na ginagamit ko sa office. Regalo iyon ni Jun Hee. Medyo malaki sa akin kaya bihira ko lang ginagamit. Inisip ko na dahil malaki iyon, hindi masyadong awkward na ipasuot yun kay Steph. Hindi siya exposed na parang konting hangin lang, now showing na, pero maiksi pa rin.
Naglakad siya palapit sa bintana. "Ugh. Anong oras ba titila ang ulan?"
"May bagyo daw. Signal number 3 tayo." Sabi ko na hindi man lang siya tinitingnan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Guess it's too dangerous to drive now." Sabi niya at umupo sa kabilang dulo ng sofa. Damn it. Not good. Kinuha niya yung cellphone niyang nakapatong sa coffee table. Kinuri-kuri niya ito at nilagay sa tenga niya. "Shane... Nasa bahay ako nila Drei... No. Naulanan kami eh. Nagpatuyo ako dito... I should be going home but signal number 3 tayo. It's too dangerous to drive..."
Hindi ko na pinakinggan ang conversation nila ng kambal niya dahil alam kong magbabangayan pa sila bago magsink-in sa utak ni Shane na narito si Steph sa bahay dahil may bagyo.
"Okay, Shane. Whatever. Bye." Nilapag niya ulit ang cellphone niya sa coffee table. "Hindi pala ako makakapagproofread nito." Sabi niya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa sofa at pumikit.
Proofread? Trabaho pa rin iniisip niya kahit ilang oras na lang bago mag-Pasko?
"Ano ba yung pinu-proofread mo at di mo maiwan-iwan?" Tanong ko.
"A story I got so interested in." Sagot niya nang hindi man lang dumidilat.
"Why?"
"Kasi yun ang unang kwento na nagrequest ang author na ako ang tatapos." Sabi niya. Dumilat siya at umupo ng maayos. Hinarap niya ako. "Habang binabasa ko yung story, syempre I need to read it to continue writing it, I got interested. Maybe because I saw myself in the lead character."
"Well, diba nangyayari naman yan often sayo? Sa tuwing nagbabasa ka ng libro, parang iniisip mo na ikaw yung character." Sabi ko naman.
"Yes, well, iba to eh. Yung mga scenes na nasa story, nangyari sa akin, somehow. Minsan yun yung saktong nangyari sa akin, minsan naman parang improvised." Sumandal siya ulit at pumikit. "And I saw the other lead character as you." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Me?" Napatingin ako sa kanya. Dumilat siya muli at hinarap ako. Ngumisi siya bago sumagot.
"Yeahp. You."
"Tungkol saan ba yung kwento?"
"The way I see it, parang kwento natin." Sabi niya. Kwento namin? "Alam ko namang baka sabihin mong assumera ako dahil inisip kong may kwento tayo. Pero like what I say and it is really what I mean, parang kwento natin." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Ficção Adolescente[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"