Samantha's Point of View
Pagkatapos kong mananghalian ay napagdesisyunan kong pumunta sa baybayin ng dagat. Nakakabagot na rin kasi sa tinutuluyan namin. At isa pa, gusto kong makalanghap muli ng sariwang hangin.
Naglalakad lakad ako sa baybayin ng may mahagip ang mga mata ko na pamilyar na bulto ng tao. Nakatalikod ito at nakasuot ng itim na leather jacket at jeans na hula ko ay mamahalin. Sumisigaw din ng karangyaan ang sapatos nito. Alam ko yun. Hmmm... Huminga ako ng malalim. Nababaliw na yata ako para isiping sya yun. Pinalis ko ang naglalarong bagay na yun sa aking isipan at inignora ang nakita ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa di ko na namalayang napalayo na pala ako sa mga kabahayan. Pakiramdam ko lang talaga na kailangan kong magisip at huminga. Pakiramdam ko kailangan kong umiyak. Pakiramdam ko kailangan kong ilabas lahat ngunit naalala kong hindi na nga pala ako yung babaeng kapag umiiyak ay may mga kamay na magpapahid ng mga luha, may balikat na masasandalan at mahihingahan. Oo nga at meron akong pamilyang maitururing sa ngayon ngunit hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Sa loob ng limang taon, pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong wag magpakita ng emosyon. Kailan nga ba ako huling umiyak ng bongga simula nung itakwil ako ng mga magulang ko? Dalawang taon na ang nakalipas. Nung mamatay ang ina ni Vincent. Ang asawa ng ama kong itinuturing. Ang aking ina na kahit hindi nya ako dinala sa sinapupunan nya at iniluwal ay naging mabuting ina sa akin. Pakiramdam ko ng mga oras na yun, tinanggalan na naman ako ng isang ina. Dalawa na silang nawala sa akin. Napatigil ako at tumingala. Hindi tahasang nagpapakita ang haring araw ngunit nakakasilaw pa rin kahit natatakpan ng ulap. Makakapal na bulto ng ulap. Napangiti ako ng mapait at napapikit. Isang babaeng ang pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at maging masaya sa piling ng mga mahal nya. Isang babaeng punong puno ng sakit at paghihirap sa puso ngunit pilit kinakaya. Isang babaeng pilit nagpapakatatag ngunit sa loob ay gusto nang sumuko at magpahinga. At sa pangalawang pagkakataon sa loob ng limang taon, pinakawalan ko ang masaganang luha sa aking mga mata. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa igupo ako ng mga tuhod ko at sumayad ang mga ito sa maputing buhanginan. Napakapit ako sa dibdib ko at mahigpit na hinawakan yun. Sana kahit saglit, hindi ko maramdaman ang sakit. Sana kahit----
"Stop crying." Napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa harapan ko. Tanging ang sapatos lang nya ang nakikita ko sa malabo at nagtutubig kong mga mata sa oras na to. Papalapit sya sa akin at wala akong magawa sa bagay na iyon. Pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko at wala akong ganang kilalanin kong sino man ang gagong to na umaabala sa pagsesenti ko. May pakiramdam na ako na sya yun lalo na nang bahagya syang lumapit sa akin at ngayon ay nakikita ko na ang katawan nya. "Tumayo ka na dyan." malumanay nyang sabi ngunit wala akong pakialam. Akmang hahawakan nya ako ngunit marahas akong umiwas dahilan upang mawalan ako ng balanse at huli na nang mapagtanto kong nakahiga na ako sa buhanginan habang sya ay nasa itaas ko at hawak ang ulo ko. Napatingin ako sa mukha nya. Bakas dun ang di ko maipaliwanag na ekspresyon. Pero isa lang ang malinaw sa akin, mahal na mahal talaga nya ang babaeng yun. Ang mga buhok sa mukha nya na halatang hindi naahit ng ilang araw. Ang nandidilim na bahaging iyon sa ilalim ng kanyang mga mata. Marahil ay hindi pa sya nakakakuha ng maayos na tulog. Humupyak din ng bahagya ang kanyang pisngi, marahil ay hindi sya nakakakain ng tama sa oras o baka talagang hindi. Hindi ko maialis ang panging ko sa kanya hanggang sa dumako iyon sa mga labi nya. Ano bang iniisip ko? Nababaliw na yata talaga ako! Pakiramdam ko may nagkakarera sa loob ng dibdib ko lalo na nang mapansing kong unti unting bumababa ang mukha nya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman pumikit na lang ako ngunit ilang sandali pa ay nasira ang pantasya kong maramdaman iyon. "Tumayo ka na dyan." Iniupo nya ako at lumayo sya ng bahagya sa akin. Hiyang hiya ako sa sarili ko! Ano bang iniisip ko? Tsss! Pumikit pa ako! Napasabunot ako sa buhok ko. Tanga! Gaga! Ambisyosa! Malabo yun hays!
"Anong ginagawa mo rito?" Maya maya ay tanong ko sa kanya habang nakaupo lang ako at sya naman ay bahagyang nakatalikod sa akin.
"Bakit? Masama bang mamasyal ako dito? Do you own this land?" Sarkastiko nyang tanong sa akin na ikinainit ng dugo ko. Bumalik na naman ang kagaguhan nya! Oo nga pala gago pa rin talaga sya! Hindi na ako nagsalita at tumayo na lang ako. Naglakad na ako hanggang sa nilagpasan ko sya. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ng hilahin nya ako palapit sa kanya. Napatingin ako sa kamay nyang hawak ang braso ko at laking gulat ko nang makita kong dumudugo iyon.
"Yung kamay mo." Kinabahan ako nang marealize ko kung bakit. Napatingin ako sa pwesto kung saan bumagsak ako kanina. May malaking bato dun. Kaya pala. Kaya pala hawak nya yung ulo ko!
"It's nothing." Binitiwan nya ako at naglakad na sya palayo.
"Teka! Hoy! Hintayin mo ko! Kailangang magamot yang sugat mo!" Sigaw ko sa kanya ngunit tila wala syang naririnig. Hindi ko alam kung anong problema nya o talagang may saltik lang sya o ano. Damm! Pinapakulo talaga ng lalaking to ang dugo ko! Pinigilan nya ako pagkatapos iiwan lang? Bwisit! "Gago!" Itinaas lang nya ang kamay nyang dumudugo. Malayong malayo na sya sa akin dahil na rin patigil tigil ako sa paglalakad dahil nahihirapan na akong maglakad.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa tinutuluyan namin. Hindi pa rin maalis ang inis na nararamdaman ko hanggang sa gumabi at makarating sila Vincent mula sa pangingisda.
"Mano po tay." Nagmano ako at kinuha sa kanya ang dala nyang basket na may lamang isda.
"Hindi pa sapat para makaalis tayo dito ate." Nanlulumong wika ni Vincent. Napabuntong hininga na lang ako at tinapik naman ni tatay ang balikat ko.
"Okay lang yan Vince. Makakaalis din tayo dito ha? Konting tiis na lang." Ngumiti ako at yinakap sya upang pagaanin ang loob nya. Alam kong nahihirapan na rin sila at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang pagaanin ang loob nila. Pakiramdam ko wala akong kwenta.
Oras na ng pagtulog ngunit heto ako at nasa labas pa rin. Naiisip ko pa rin yung kanina. Bakit kaya sya nandun? Bakit ganon? Bakit ang gago nya? Tsk! Di ako makapaniwalang iniisip ko pa rin sya hanggang ngayon. Damm! Ipinilig ko ang ulo ko ngunit andun pa din. Inulit ko at hindi pa rin maalis.
"Hays. Bwisit!" Impit na sigaw ko. Tulugan na at ayaw kong makabulabog! Pero---
"Anak bakit gising ka pa?" Bahagya pa akong nagulat ng bigla na lamang may magsalita sa likuran ko.
"Tay bakit bumangon pa kayo?" Tanong ko.
"Hindi kasi ako makatulog. Wala ka pa sa higaan mo. Gabi na anak. Magpahiga ka na." Wika nya. Napangiti ako at naglakad palapit sa isang upuan sa ilalim ng isang puno. Sumunod naman sa akin si tatay.
"Naaalala mo sila?" Gusto ko sanang sabihin na hindi ngunit di ko naman pwedeng sabihin ang totoo kaya tumango na lang ako."Alam kong may dahilan sila anak. Huwag mong hayaan na----
"Anak nila ako tay. Magulang ko sila. Kung anuman ang problema, sana pinaliwanag na lang nila." Putol ko sa ano pang sasabihin nya. Sa loob ng ilang taon na nakasama ko silang mag anak, lagi nilang sinasabi sa akin na may dahilan ang mga magulang ko kung bakit nila yun ginawa. Pero hindi sapat yun para gumaan ang loob ko. "Ayaw ko na silang isipin. Bahagi na lang sila ng nakaraan at hindi na muling magiging bahagi ng buhay ko. Matutulog na po ako." Tumayo ako.
They must be aware of it.The moment they told me I am no longer their child, I told myself they're no longer my parents.
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...