Tula #24

135 2 0
                                    

Sa paglipas ng mga oras
Nakatitig lang ako sa labas
Hinihintay kang dumaan
Kahit unti-unti ng nasasaktan

Hindi ko inakala
Na magiging ganito ka kahalaga
Yung tipong gusto kitang titigan
Hanggang sa matapos ang pag-ikot ng orasan

Nabigla ako nung kinausap mo ako
Tila sarili ko ay nakapako
Hindi makagalaw, hindi makapagsalita
Tanging pagtitig lamang ang aking nagawa

Humakbang kana palayo
Dala-dala ang aking puso
Naiwan akong nakatuliro
Umaasang baka nga tayo

Nang bumalik ka sa aking harapan
Inilahad mo ang puso kong sugatan
Sugatan dahil hindi mo tinugon
Ang nararamdamang sayo ko itinuon

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon