01 / Cyrine

37 3 1
                                    


Just because something is beautiful,
doesn't mean it will last.

I found myself staring at a box---an old, medium size, black box.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatayo dito sa tapat ng aparador ko. Kung anu-ano na kasi ang pumapasok sa isipan ko---mga tumatakas na alaala.

Tila ba dinadala ako nito sa ibang dimensyon.

I was just looking for my favorite necklace inside the cabinet when this thing caught my attention. I froze momentarily at the sight of the box.

Kailan ko nga ba huling binuksan ito? Five years ago? Six years ago?

I'm not sure but it clearly reminded me of him.

Huminga ako nang malalim at saka kinuha ang kahon. Dinala ko ito sa aking kama. Huling beses ko na siguro itong titingnan.

Nang maiangat ko na ang takip ng kahon, unang bumungad sa akin ang isang singsing. No, it wasn't an engagement nor a wedding ring, but a promise ring. Kinuha ko ito at inilagay sa aking palasinsingan, kasama ng isa pang singsing.

Isa-isa kong inilabas ang laman ng kahon: tickets and tokens from our favorite arcade, movie tickets, faded receipts, keychain, bracelet, paper flower, a sketch of me and a bunch of letters from him.

Binasa ko isa-isa ang lahat ng sulat niya na tila ba tinatanaw ko lang ang kahapon. Parang kailan lang ng magkakilala kami. Parang kailan lang ay magkasama pa kami.

I smiled awkwardly.

Our memories together, it's all coming back to me now.

***

I don't believe in love at first sight. How can you fall in love with someone you just met? With someone you barely know?

But it happened to me.

Hindi ako 'yong klase ng babae na mabilis ma-fall. I don't go for looks. I prefer smart and talented guys.

Hanggang sa nakilala ko si Russel, pitong taon na ang nakakaraan. We attended the same convention for graphic designers. Naging seatmates kami. I was 21 then and he was 24.

I wasn't attracted to him when I first laid my eyes on him. But I have to admit that he was a good-looking guy. Hindi nga lang siya 'yong tipo ng lalaki na makakakuha ng atensyon mo sa unang tingin pa lang o kahit sa pangalawang tingin. He was a kind of gem waiting to be discovered.

Noong una, medyo naiilang pa ako sa kanya dahil masyado siyang tahimik. Pero noong second day, natarayan ko siya nang hindi sinasadya. Nataon kasi na unang araw 'yon ng monthly period ko. Doon nagsimula ang conversation namin. We had random topics, but mostly about arts and design.

Dumaan ang limang araw na nakasama ko siya sa convention at sa loob ng maiksing panahon na 'yon, I felt something odd yet familiar towards him. Para bang matagal ko na siyang kilala.

I tried to ignore the strange feeling. Baka kako natutuwa lang ako sa kanya. He was playful at times, but it couldn't hide the fact that he was also nice.

After the convention, things were back to normal. Alam ko naman na wala nang dahilan upang magkita pa kami pagkatapos no'n. Walang naganap na palitan ng number. At kahit hindi namin napagusapan ang tungkol sa kanya-kanya naming lovelife, inisip ko na lang na may girlfriend na siya para mas mabilis ko siyang makalimutan. Hindi na rin ako nagtangka pa na hanapin siya sa mga social networking sites.

Pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana dahil makalipas ang isang buwan, nagtagpo muli kami. Parehas pa kaming nagkagulatan nang magkita kami sa isang resto bar sa Makati.

Love Moves in Crooked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon