"Niks, wala ka ba talagang balak mag asawa?" tanong saken ng kaibigan kong si Izzy. Isa siyang Psychologist.Umiling naman ako bilang sagot.
"Seryoso? Anong balak niyong dalawa ni Shale? Tumandang dalaga? Seriously girls? Tignan niyo tong si Zharicze. Diborsyada na" Lahat kami ay natawa sa sinabi ni Mia. Napairap naman si Zharicze.
"Mia, 26 lang ako. Bata pa ako. Darating din ako jan" Pangatwiran ko naman sa kanya sabay inom ng pineapple juice ko. Inirapan ako ni Izzy at Mia.
"Ilang taon mo na yang katwiran? Jusko naman Niks. Baka magka anak nalang kami ikaw ni kalandian wala pa" Talaga naman tong si Mia oh. Tumawa lang ako sa kanya.
"Shale! Dito!" Tawag ni Zharicze ky Shale na kakarating lang. Tumabi naman siya saken agad na mukhang pagod na pagod pa.
"Stressed ka na naman?" Natatawang tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at umorder ng kape sa waiter.
"Oo nga pala, bago ko makalimutan. Here" May ibinigay si Zharicze na invitations sa amin.
"Totoo ba to?! Si Krisha ikakasal na?!" Natawa nalang ako sa reaksyon ni Mia. Tinignan ko ang invitation at isa itong Engagement Party. Natahimik nalang ako habang sila naman ay nag uusap.
"Guys we should go. Kita nalang tayo ulit sa Friday. Sabay na tayo mag hanap ng outfit for Krisha's Engagement" We all agreed on Izzy. At nagsiuwian na din kami. Iisang apartment nalang naman ang tinitirahan namin ni Shale. Sumakay na sila sa mga Kotse nila at sabay na kami ni Shale sa sasakyan ko.
"Twinnii. Okay ka lang?" Biglang tanong ni Shale.
"Oo naman. Bakit?" Sagot ko sa kanya habang nagddrive.
"Napansin ko lang natahimik kana since nung binigay ni Zhar yung invitations. You miss him don't you?" Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maramandaman ko na naman ang pamilyar na paninikip nang dibdib ko. Randam ko parin ang sakit.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Why don't you try to love again? Rence wouldn't be happy kung ganyan ka parin hanggang ngayon twinii. It's been 6 years" Sabi niya. Napabuntong hininga ako.
"I don't know Twinii" Pareho na kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa Apartment namin. Nagdiri diretso na kami sa kanya kanya naming kwarto dahil pareho kaming pagod. Shale works as a Radio anchor habang ako naman ay Manager ng isang coffee shop at ang nakakapagod sa trabaho ko ay tatlong branch ang hawak ko.
I decided to take a bath. Habang hinahayaan kong mabasa nang shower ang buong katawan ko hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari 2years ago.
Shale and I decided to look for them. Ang mga kaibigan namin. We did strived hard para mahanap lang sila at medyo nahirapan pa kami dahil sa masyadong private ang family nila.
I needed a peace of mind. Simula nung namatay si Rence ay hindi na ako makapag isip ng maayos. Yung ang dami kong tanong. Halos mabaliw na ako. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya halos ikabaliw ko na ang pagka wala niya. Nahanap nga namin sila. Napuntahan ko si Rence. Abo niya nalang ang inabutan ko.
Hanggang ngayon hindi ko magawang mag mahal ng iba. Natatakot ako. Lagi akong nagdadalawang isip. Pakiramdam ko ay niloloko ko si Rence kaya hindi ko magawang mag mahal ng iba. Kaya eto ako ngayon laging pinapagalitan nang mga kaibigan ko.
Napabuntong hininga nalang ako. Pinatay ko na ang shower at nag suot ng robe habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel. Lumabas na ako at umupo sa study table ko.
Binuklat ko ang isang mini scrapbook na ginawa ko. Larawan agad ni Rence ang nakita ko. Kasama nun ang larawan naming dalawa. Pareho kaming naka ngiti sa camera.
Hindi ko napigilang maiyak na naman. I don't cry infront of my friends.
Hinaplos ko ang larawan na rence na parang pag haplos ko sa kanyang mukha nung nabubuhay pa siya."Rence? Kaya ko na ba magmahal ulit? Ayos lang ba sayo na mag mahal ako ulit?" bulong ko sa sarili ko habang naka titig sa larawan niya.
Naramdaman ko naman ang biglang paghangin. Napakagat labi nalang ako.
Is that a sign Rence?
Should I give another try
To Love Again?
YOU ARE READING
Love, Again
RandomIlang taon na ba akong walang lovelife? 6 years na. 6 years na akong naging mailap sa buhay pag ibig na yan. Masyado akong nawalan nang gana na magmahal ulit. Sa sobrang tagal magiging matandang dalaga na ako. Mahahanap ko pa kaya yung taong magpap...