Ako si Haikē Diroshida,ako ang babaeng nagpapakatanga sa isang lalakeng kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin.Ang tinutukoy ko ay si Jonathan Franxisco,Ang lalakeng may pagkamabait pero malandi.Kahit naman mga kaibigan ko ay may crush din sakanya,Pero ako lang ang naiiba.Dahil mahal ko siya.Magkaibigan lang kami,pero sadyang hindi siya marunong makuntento sa isa.
February 14,2017 Ang aking kaarawan kaya't inimbitahan ko si Jonathan sa aming tahanan.Mag s-sixteen na ako at laking tuwa kong pupunta siya sa aking birthday.
February 13,2017 8:00pm
Naghahanda na kami para sa kaarawan kong gaganapin sa isang hotel sa Maynila,madami naman akong inimbita at ang iba ay plastik pa.Tanging iniintay ko lamang ay ang pagdating ni Jonathan bukas
February 14,2017 4:30pm
Nagsimula na ang party.Wala parin si Jonathan.Haysss,Magiintay muna ako na dumating siya.
February 14,2017 6:00pm
Malapit na matapos ang party pero wala parin siya,Wala parin si Jonathan 😞
February 14,2017 7:00pm
Tapos na ang party pero hindi dumating si Jonathan.Ngayong kaarawan ko dapat magsaya ako,pero nakakasar kase talaga eh! Paasa siya!! Lagut siya saaken at pupuntahan ko siya
"My daughter! Don't be mean to our visitors!" Saad ni mommy pero kailangan ko talaga siyang puntahan
"I'm sorry but i have to,I'll be back" Saad ko naman pagkatapos ay iniwan na sila at dirediretcho sa bahay ni Jon.
February 14,2017 7:15pm (At Jon's House)
Nakakapagod pala!! Bakit pa nga ba kase ako pumunta sa bahay niya???At dahil kilala ako ng mga maids nila dito,tinanong ko na sila
"Ate nandyan po ba si Jon?" Saad ko
"Oo't natutulog ata.pakigising nalang iha" Saad ni manang
Dumeretcho naman kagaad ako doon at nakita ko nga siyang natutulog sa magulo niyang kama.
"HOY FRANXISCO!!! SABI MO PUPUNTA KA SA BIRTHDAY KO PERO PAASA KA!! NAKAKAASAR KA! BAKIT BA ANG HILIG MO MAGPAASA! PAANO KAYA KUNG IKAW NAMAN ANG MASAKTAN? SIGURADO AKONG SA MGA PANAHONG YUN AY TATAWANAN NALANG KITA!" Banat ko sakanya.Sakit sa lalamunan!
"Inaano ba kita? Pake ko sa birthday mo?" Saad niya
"Oi nagpromise ka saaken napupunta ka!"
"And so?"
"KASE JONATHAN MAHAL KITA!!" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Eh pake ko? Umalis ka nga dito!" Saad niya.At napatulala nalang ako habang bumubuhos ang mga luha mula sa mata ko
Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe noong nahilo ako at nagdilim ang paligid...
(~ Narrator's POV ~)
After that night...
Nalaman ng mga magulang ni Haikē na mayroong malalang sakit ang dalaga at kaagad itong ipinadala sa ibang bansa
Samantala,Wala parin namang pagbabago kay Jonathan.Peto may naramdaman naman siyang kakaiba noong gabi na iyon
(~ Jonathan's POV ~)
After one year...
Hindi nagtagal ay binawian na ng buhay si Haikē,hindi na daw kinaya pa ng kanyang katawan ang sakit na nadarama.
Pero bago si namaalam,Napanaginipan ko siya.Magkasama daw kami sa isang lugar na parang tunnel at puno ng ilaw,kaming dalawa lang ang naroon at parehas kaming umiiyak.Nang tumahan na kami ay nagsalita siya, "Paalam at Salamat". At tuluyan na siyang naglaho't nabalitaan kong wala na siya,iniwan na niya ako.
At kahit wala na siya,ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para matupad ang pinapangarap niya saakin nung bata pa siya,Maging tanyang na manunulat.
Ngayon ay February 14,2018 at nasa harap ko ang babaeng hindi ko inakalang mamahalin ko,kahit wala na siya.Kung nasaan ka man Haikē Diroshida,lagi mong tatandaan na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Missed (One shot Story)
RomanceMeet Haikē Diroshida,Isang babaeng nagmahal ng lalakeng hindi naman siya mahal.Siya si Jonathan Franxisco,Ang lalakeng minahal niya ng patago sa matagal na panahon.Magkaroon pa kaya ng pag-ibig sa kanilang oras hanggang may oras pa sila?