“BESTY!!” AnakNgKalabaw! Langya! Kung makasigaw para naman akong bingi.
“ANO KA BA!!” Sigaw ko kay Kristy habang nakahawak ang kamay sa tenga, parang nahulog ata ang brown na nasa tainga ko. XD alam niyo na.
“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Rayne habang hawak hawak ang picture ng boyfriend niyang si L.joe yes yes yes, may mga boyfriend na ang mga babaeng ito.
“Nakakagulat naman kasi kayo eh.” Sagot ko lang.
“You mean, nagulat ka sa magagandang face na ito?! You insulto insult us!” Si Nel habang dala dala ang isang malaking…---Water jag?
“Bakit may dala ka niyan?” tanong ko kay Nel habang nakatingin sa dala dala niyang water jag.
“Ano ka ba! You don’t know? Hahahah para pag nakatapak ka na naman ng tae, ready na ang tubig para sayo.” Tumawa lang siya habang yung dalawa pinagtatawanan din ako, ang babait talaga ng mga kaibigan ko.
“Tara na nga, punta na tayo ng canteen.” Pag aanyaya ko sa kanila, inakbayan ko lang sa Kristy pero bigla naman niya inalis ang kamay ko.
“YUCK!! DON’T TOUCH ME DES! You’re so kadiri!” Pag aarte ni Kristy, nag smile lang ako habang nilalapit ang kamy ko sa mukha niya. Hahaha ang ganda pagtripan.
“Alam mo ba Kristy na kinain ko yung tae ng kalabaw? Halika lumapit ka sakin, ipapaamoy ko sayo.” Lumapit ako sa kanya habang siya pilit na umiiwas at paatras ng paatras.
*BOOOGSSS*
“HAHAHAHAHAHAHA” Sabay sabay naming tawa ng biglang nakabangga ng puno si Kristy, hahaha sinadya kung paatrasin siya ng paatrasin para mabangga niya yun.
“OUCH!! Hay chan xi xhitars” Mahinang sabi ni Kristy habang unti unting napapaupo sa damuhan.
“Hahaha epekto ba yan ng pagkakabunggo mo sa puno? Marunong ka ng mag Chinese!” Si Rayne habang hindi parin mapigilang di mapatawa.
“He! Tulungan niyo na nga siya, wawa naman.” Okay! Okay! Ako na ang bully, hahaha ang ganda pagtripan eh.
“IKAW! DES! Look! I can see stars na! it’s so pretty like me.” Itong baklang to, nabukulan na nga may pa pretty pretty pang nalalaman.
“Talaga? Nakakita ka ng star? Di namin nakita! Ulitin mo! Banggain mo ulit ang puno.” Bigla siyang nilapitan ni Nel habang nakasmile na parang hanggang tenga.
Hahaha ang loka loka talaga ng mga kaibigang to.
“Halina nga kayo, nagugutom na ako, pumunta na tayo ng canteen.” Si Rayne, parang may tinitignan siya sa loob ng canteen, tanaw na tanaw kasi ang canteen mula dito sa field.
“Kasi nandoon ang boyfie mo! Ikaw! Ang landi landi mo talaga, you don’t gaya me, I’m so innocent.” Tumayo na si Kristy habang lumalapit kay Rayne.
“Gwapo oh!” biglang sigaw ni Nel na nakaturo sa may di kalayuan doon.
“WHERE! SAAN!?” Hahaha okay! Ang innocent talaga niya.
“Oo nga no, napaka inosente talaga ng kaibigan ko, halika na nga.” Hila ko sa kanya, hahaha di na ata niya naalala yung tae, di na niya inalis kamay ko eh.
Habang naglalakad kami, tinitignan ko ang nilalakaran ko, na para bang nag iimpeksyon, ang lawak ng mga hakbang ko.
Mabuti na yung maingat, ayoko na talagang makatapak ulit.