Habang kumakain diko parin mapigilang di lumingon sa paligid ko, baka kasi nandito lang sa malapit ang monster nayun.
“May hinahanap ka?” Bigla nalang may nagsalita na boses lalaki.
Tinignan ko yung nagsalita at kitang kita ko ang lalaking hanggang tenga na ang ngiti.
Waahhh!! Kung minamalas ka nga naman, Yung lalaking nakakita sa akin na may tae ng kalabaw sa paa at yung nakakainis!
“Hinahanap moko?” tanong niya habang nakangiti parin.
Teka?! Kanina pa ba siya nandito sa table namin? Narinig niya yung sinasabi ko? Bakit diko nahalata? Bakit diko siya nakita? Waahh!
“A-… ano..--- anong gina..---gawa mo ri..—to?” Putol putol kong sabi habang gulat na gulat.
“Ano yun parang bata na hindi marunong magsalita?” Biglang nalang nagsalita si Nel.
“Dude!” Nag apir sila ni L.joe sabay pa nilang sabing dalawa.
Teka? Bakit niya kilala tung hambog na tao na to.
“Hoy! Bakit andito ka? Ha?” Sigaw ko sa nakakainis na lalaking to.
“Des hinay hinay naman tumalsik laway mo oh.” Si Kristy habang parang may tinuturo pa.
“Pa amoy nga? Ano ba yan bakit amoy tae ng kalabaw to?” Nakakainis na talaga tong lalaking to! SOOOOBBBBRRAA!! Umuusok ka tenga ko sa pagkainis.
“Hoy! Nag toothbrush ako nuu!” Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng napakasama.
“Wala naman akong sinabing di ka nag toothbrush aa” Sagot lang niya.
Oo nga no! Haayy Des, wag kang magpapatalo sa nakakainis na lalaking yan.
“yun pinapahiwatig mo ee.” -Ako
“Teka Tae Girl, tignan mo yun oh.” Bigla naman niyang tinuro ang peanut na nasa table namin.
“saan yung peanut?” Tanong ko lang habang nakatingin sa kanya ng *Whatdoyoumeanlook*
“Oo PEANUTibok mo kasi puso ko.” Langya! Ano yun banat? May nakain nga ata tung lalaking to.
“Kadiri ka!” Sigaw ko sa kanya, at yung mga kaibigan ko, hindi na nagsasalita.
“Asa ka naman.” Mabilis niyang sabi at bigla naman niyang kinausap si L.joe at parang may binulong.
“Anong meron?” Bigla namang sumingit si Nel na parang batang nagtatanong.
“Anong meron? Meron tayong, fried chicken, ice tea, coke, French fries, burger…---“ Sagot ko sa kanya habang tinuro pa yung mga pagkain na binabanggit ko. Ang babaeng to talaga!
“Teka! Totoong may aswang na humahabol sayo?” Si Rayne na parang bata kung makatanong.
“Ahh…. Kasi—oo meron, meron talaga, kaharap ko na nga siya oh.” Sagot ko habang tenga na ang ngiti sa kaharap ko.
“Kaharap mo? Totoo? Saan?” Ang Babaeng to talaga, andaling mauto. XD
“Teka! May dumi sa mukha mo.” Bigla naman nagsalita yung Jin at inilabas ang panyo niya.
Ano to? Omegesh! Kinikilig aketch~
“Anong nangyayari? Gugunaw na ata ang mundo!!” Sigaw ni Kristy na ngayon ay nakatayo na at nag aact ng parang nababaliw.