1.

12 0 0
                                    

Ang Hirap Ma-Inlove sa Barkada

Ang Hirap ma inlove sa barkada lalo na pag nalaman mong bawal pala.
Ang hirap ma inlove  sa barkada dahil natatakot ka
Natatakot ka na masira ang samahan ninyong dalawa, natatakot ka na baka one sided love lang pala, natatakot ka na baka pag umamin ka mapapahiya ka lang at natatakot ka dahil ang akala mo ay namimiss mo lang ang kulitan ninyong dalawa

Alam mo yung feeling na sa tuwing titingin siya sayo maiilang ka, yung feeling na di mo kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata dahil parang matutunaw ka.
Yung feeling na pag magkasama kayo nahihiya kang magsalita, hanggang sa umabot sa puntong na a-awkward ka na pala.

Pero lahat ng yan nawala nong malaman kong mahal mo rin pala ako
Sa iyong pag-amin, ang puso ko'y nagwawala . Nagwawala dahil sa saya na nadarama.
Sa paglipas ng araw lagi kitang kasama na tila ba takot akong mawala ka.
Sa bawat oras gusto kong kapiling ka dahil baka bukas mawala na lang na parang bula.

Di nga ako nagkamali dahil kinabukasan nalaman na ng mga kabarkada.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko nang araw na iyon. Natatakot, kinakabahan, nalulungkot, at mayroong konting saya.
Natatakot dahil alam kong may magagalit na iba, kinakabahan dahil baka di matanggap ng ibang kabarkada, nalulungkot dahil baka matapos na ang kasiyahan nating dalawa, at may konting saya dahil may ibang sumusuporta para sating dalawa.

Hanggang sa nangyari ang kinatatakutan ko, natapos na ang panandaliang saya.
Mas pinili kong itigil ang namamagitan sa ating dalawa para sa barkada
Mas pinili ko ang nakabubuti sa barkada kaysa sa sarili kong nadarama.
Ang hirap pala pigilin ang ating nadarama dahil kitang kita sa ating mga mata ang pagmamahal natin sa isa't isa

Ang hirap, ang hirap pala ma inlove sa kabarkada
Ngayon, di ko alam kung magiging masaya ba ako dahil barkada kita o malulungkot dahil hanggang barkada na lang tayo.
Oo, ilang buwan na ang lumipas pero di ko ipagkaka-ila na mahal pa rin kita
Ang hirap mong kalimutan na para bang nakatatak kana sa aking puso't isipan, yung tipo na parang permanente ka na sa buhay ko

Ang sakit isipin na parang ang dali mong nakalimot
Ang sakit lang dahil kung makatrato ka sa akin parang walang nangyari sa atin
Kaya ngayon ako'y nagtataka kung totoo ba ang mga sinabi mo sa akin noon dahil sabi mo ako lang, sabi mo walang makapaghihiwalay sa atin, sabi mo di mo kakayanin kung wala ako pero bakit parang ngayon ang saya saya mo na.

Pero alam mo ayoko na, tama na diko na kaya.
Tama na, ayoko na  dahil nakita kita may kasama ng iba.
Nakita kita may kayakap ng iba
Ngayon ko lang nakita na ganyan ka kasaya, ngayon ko lang nakita ang iyong mga ngiti na kahit kailan ay diko nakita nong tayo pa.

Pero noong nakita ko kayong dalawa nasabi ko sa sarili ko na ang tanga ko pala.
Ang tanga ko dahil pwede naman pala . Ang tanga ko dahil yung nakita kong kayakap mo ay yung isa nating kabarkada.
Narinig ko nong sinabi mong gusto mo siya pero mas nasaktan ako nong sinabi mo sa kanya na pwede bang higit pa sa barkada.

Ang sakit lang dahil yung mga katagang sinabi mo sa kanya ay yung mga kataga na hinihintay kong sabihin mo sa akin noon pa.
Ang tanga ko dahil pinangunahan ako ng takot
Ang tanga ko dahil naunahan ako ng iba.

Ang hirap ma inlove sa kabarkada
Pero mas mahirap ma inlove sa kabarkada na mahal yung isa niyo pang tropa.
Sana ako na lang siya, sana ako na lang yung kaya mong ipaglaban sa barkada
Sana tayo na lang dalawa
Sana tayong dalawa na lang yung mas higit pa sa magbarkada.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ng Isang  Senior HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon