"Summer time sadness."
Last week na ng summer vacation. Ano bang gagawin ko? Nakakainip dito sa bahay. Wala man lang akong nagawa, napuntahan, nadayo, napagswimmingan, nakifiestahan, nakilala o nakausap. Lahat na! Haaaay. Sports? Ayoko. Maraming nagyaya sakin na mag-basketball pero wala e, mapapagod lang ako. At marami na rin kailangan asikasuhin ngayong college.
Madalas na akong nagmumuni-muni sa mga lumipas na nangyari at dun, lagi ko siyang naaalala. Sino siya? Yung ex ko. Naaalala ko yung mga huling sinabi niya sakin. Nakakalungkot isipin pero talagang di parin ako nakaka-move on. Nangako ako sa hahanapin ko siya balang araw, kapag nakakapagtrabaho na ako at kapag kaya ko na siyang harapin kasama ang mga magulang niya. Pero wala, bumitaw siya agad at hinayaan lang na mahulog at bumagsak. Pero pinipilit kong bumangon sa pagkakabagsak na 'yon.
"Namimiss na kita." sabi ko
"Ako din.." may diin sa pagkakasabi niya na parang may pumipigil sa kanya. Ano yun?
"Bakit? Bakit?" kailangan ko malaman.
"Bakit alin?"
"May problema ba?"
"Wala naman."
"Kayo na ba?" napaka-plastik na tanong. Alam naman nating lahat na ayoko na maging sila ng kumag na umagaw sa kanya sakin.
"Hindi." buti naman. Hay.
"Eh. Uhh, pogi ba?" pinilit kong ngumiti para di naman magmukhang ewan.
"Ha? Hahahaha." ang cute talaga ng tawa niya. Haaaay.
"Sabihin mo sakin kapag niloko ka nun ha?" kahit papano, gusto ko parin naman siyang maprotektahan. Kaya kahit hanggang dito lang sa... sa hangganan na 'to, okay na.
Ngumiti siya at sabay tumango. Masaya ako para sa kanya. Masaya kahit na masakit. Mahal ko siya, mahal ko 'tong babaeng to. Pero ano pa bang magagawa ko? Masaya siya sa iba, kaya ang magagawa ko lang ay suportahan siya sa kasiyahan niyang ito. Naisip ko ng umalis dahil malapit nang umulan at wala naman akong dalang payong. Okay lang naman kahit magtagal kami dito o mabasa pa ng ulan pero ayoko naman na magkasakit siya dahil sakin.
"Ah.. ano, alis na 'ko." paalam ko sa kanya.
"Ah, agad? Oh sige. Uulan na kasi no? Hehe."
"Haha, oo nga. Umuwi ka na din ha?"
"Opo, ingat."
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad. Lilingon ba ako? Titingnan ko ba kung nandun pa rin siya? Hinihintay niya kaya akong umalis? Paano kung hindi siya nakatingin? Paano kung nakaalis na siya agad? Ano ba? Di ko naiintindihan. Napapraning ako dito pero kailangan ko maging kalma sa harap niya.
"Henry."
Kailangan maging kalma. Kalmaaa. Wag na mag-isip masyado.
"Henry!"
Hmm, naiimagine ko naman ngayon na tinatawag niya ako. Hahaha, grabe na ito.
"Henry, Henry!"
Ah, ano ba?! Bakit ayaw tumigil? Urgh, utak, tigilan mo ako. Alam ko, medyo depressed ako, pero yung ganito? Malala naman at--
"...Henry."
Narinig ko ang mabilis na mga yabag ng paa at bigla kong naramdaman ang isang mahigpit na yakap. Siya ba 'to? Nagsimula na din umulan, mabilis din itong lumakas. Siya ba 'to? Lalo pang humigpit ang yakap niya. Bakit? Anong ibig sabihin nito? Anong ibig sabihin nito? Ha?
"...Ivy?"
"Mahal kita, Henry." umiiyak siya habang sinasabi niya yun sa likod ko.
"I-Ivy?"
"Henry..?" mahina niyang tanong.
"Ivy.. mahal.. m-mahal din ki--"
"MAHAL KITA!"
Biglaan na dumilat ang mga mata ko. Bumungad yung nakakagood vibes na sikat ng araw at ang tunog ng mga paglakad sa labas ng kwarto. Naririnig ko rin ang mahinang tunog ng radyo at ang mga sigawan ng mga tao sa baba. Tumingin ako sa paligid, nasa kwarto ko pala ako. At halos alas-onse na ng umaga. Eh, anong nangyari? Kasama ko si Ivy kanina, hindi ba? Panaginip? Oo nga, panaginip. Panaginip lang pala...
Tumayo ako agad at binuksan yung computer. Dapat siguro, kamustahin ko siya ngayon kahit sa Facebook lang. Pagka-log in ko, nagtingin-tinin muna ako sa newsfeed at naglala-like ng mga post na may kwenta. Sinilip ko kung online siya, pero hindi. Maganda na din yun para di ako nagmamadali sa kung ano man gusto kong sabihin sa kanya. Kasabay nun, tiningnan ko na din ang profile niya at nagsimulang gumawa ng message para sa kanya.
"Hi, Ivy! Kamusta? Ok lang ba kayo dyan sa Maynila? Ok lang kami dito nina Diane at JR. :) Sana ok kayo nina Tita Zen dyan. Ingat lagi, ha? Tsaka nga pala.. napanaginipan kita! hahahaha. Ang weird no? Pero alam mo.. parang totoong nangyari yun. Sabi mo mahal mo ako, ahahahaha. Pero di na ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin na mahal din kita kasi bigla akong nagising, KJ no? :) hahahaha. Ivy.. mahal mo pa rin ba ako? Kasi ako, mahal pa rin kita. Bakit ba kailangan magkahiwalay pa tayo? Ok naman ba kayo ni Luke? Sabihin mo pag niloko ka nun ha? Pero may tiwala naman ako na di niya magagawa yun. Mahal ka nun e! Tulad ko... mahal kita kaya.. Ivy.. umaasa pa rin ako "
Tumigil ako, tiningnan ko mga pictures nila, masaya naman sila. Si Tita Zen, parang close sila ni Luke at lahat ng pictures dito ni Ivy e.. nakangiti siya. Mukha naman atang masaya sila doon. Tumingin naman ako sa draft ng message ko, medyo mahaba ata, parang OA pero 100% na katotohanan naman ang mga nandun. Ivy.. bakit kasi?
Hay.
Masaya na sila doon, ano pa bang karapatan ko na isiksik sarili ko sa kanila at makigulo pa?
"Haaaay buhay. Wala 'to, ang corny at ang drama." nasabi ko na lang sa sarili ko.
Sabay pindot ng backspace nang matagal.
"Erase, erase."