"Walang Pag-asa"

23 1 0
                                    

Pagod ang ngayo'y nadarama,

Buhay ko'y sadyang kay dilim na,

Di naaaninag ang pag-asa,

Wala na akong magagawa.

Kung iisipin ako ang may sala,

Lahat nang 'di dapat lagi kong inuuna,

Anoman ang datnan 'di inaalintana,

Masunod lang ang sarili kong nasa.

Ngayo'y sadyang napakagulo,

Basag na lahat ng parte ng buhay ko,

Halos 'di ko matanaw ang pagbabago,

Kadiliman ang laging nasa pinto.

Ako'y nasasaktan, puso ko'y nagdurugo,

Kung titingnan ang sarili, ayaw pang huminto,

Awang-awa man subalit bato na ang puso,

Tanggap na ang katotohanan, isa akong palalo.

Katigasan nang ulo, ayaw sumunod,

Mundo nang impiyerno ako'y nagpaanod.

Ngayon ako'y 'di makapaniwala, para bagang ibinalot,

Naririnig ang lahat, sumisigaw, "Isang salot!"

Ninais kong magbago, lumihis ng landas,

Noong una ito'y nagawa subalit biglang bumalikwas,

Paa ko'y ayaw papigil, tinahak likong landas,

Kaya ngayo'y nakapasok sa mundo ng mga ahas.

Kung itong salita ko'y inyong nasilayan,

Panghuhusga niyo'y 'di ko kailangan,

Alam kong ang nagawa'y isang kamalian,

Dadalhin ko ang ganti sa libingan.

Poetry (Ongoing)Where stories live. Discover now