Pahina 9

8.1K 183 2
                                    

Pahina 9

Ngayong darating na linggo ay foundation week ng academy at para sa iba na walang balak magparticipate ay parang isang linggong bakasyon to sakanila.

Pero dahil si Bella parin ang acting SSC president ay isa sya sa mga punong abala starting today. At dahil mabubuti kaming kaibigan ay nakasuporta lang kami sakanya sa kung anong kakailanganin nya. So it means na kahit walang klase ay laman parin kami nitong eskwelahan.

Magkakaroon ng anual mr. and ms. AV kaya heto at nagkakaroon sila ng meeting about sa event na yun. As usual, kung ano anong suggestion ang naglalabasan pero isa sa pinaka nagustuhan ko sa mga members ng SSC ngayon ay marunong silang makinig at tumanggap sa opinion ng bawat isa kaya chill lang.

"So what do you think? Maganda yung idea diba? Gods and Godesses. Perfect diba?"

Tumango ako bilang pag sang ayon habang si Ever ay walang reaksyon. Kanina ay ibinulong nya sa akin na parang ang boring daw ng idea na yun. She's planning na sabihin yun kay Bella pero baka mamaya na kapag nakahanap na kami ng pagtatambayan.

Narating namin ang tambayan nila Coreen. Hindi ganoon kalayo kung saan nakaupo ang kapatid ko kasama ng mga kaibigan nya. Mukhang natanaw nya ako kaya agad syang kumaway at ganun rin ako sakanya. Lahat sila ay napalingon sa amin. Ang ilan ay kumaway rin habang yung iba especially yung boys ay ngumiti lang.

"Alam nyo? Nakaka excite yung foundation week ngayon! Parang all out ang team ko! Yung mga ideas, they just keep on coming and i'm lovin' it!" Masayang ayon ni Bella.

"Actually-"

"Isipin mo Ever, lalo na yang Mr. and Ms. AV! Infairness ang daming sasali ngayon kaya yung theme na Gods and Godesses ay perfect talaga! Right?"

"Oh! So yun ang great idea ng SSC ngayon? Parang ang boring."

Agad natigilan si Bella at nakataas ang isang kilay na nilingon ang nagsalita mula sa likod nya. Agad rin syang napatayo at humalukipkip. Ang epal naman kasi!

"Excuse me?"

"Gods and Godesses? Napaka common nun."

"Bakit? Do you have any bright idea, Tangco?"

"Tsk! Alam mo kasi Nakazawa, kailangan ang iniisip nyo yung exciting! Yung mapapapunta kahit yung mga tamad pumasok dahil alam nilang walang klase this week. Yung interesting na papatok sakanila. Ang sakin lang, medyo old school na isip bata yang brainstorming nyo."

Agad na nagpamewang si Bella at lumapit pa lalo kay Siemon. I get it, nagsasabi lang sya ng opinion nya pero the way he said it is so rude! Pwede naman nyang ipaalam ng maayos hindi yung todo pintas sya agad.

"See? Akalain mong magkatulad pala kami magisip nyang si Siemon." Pabulong na ayon sa akin ni Ever. Nginisian nya ako bago bumalik ng ayos sa pagkakaupo nya.

"You don't have to be rude! And for your information, maganda ang theme na naisip namin! Hindi old school ang team ko at higit sa lahat, hindi kami tulad mo na totoong isip bata!"

Nakangisi at parang may angas na mas lumapit si Siemon kay Bella. Don't you dare do anything stupid Tangco or else mangingialam na talaga ako.

"Ganun ba? Well, i'm just stating my opinion. Akala ko kapag ikaw ang naelect na president ay dapat marunong kang makinig hindi lang sa opinion ng partido mo. I guess i'm wrong." He paused at mas lalong tinignan ng mata sa mata si Bella.

"Hmm.. Actually, sa kinikilos mo, Sinong mas isip bata satin ngayon?" Nginisian ni Siemon si Bella at bahagyang kinurot ang baba nito bago lumakad pabalik kila Coreen.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon