Chapter 14

961 31 23
                                    

Aura's POV

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Wala kong makita kundi isang ilaw lang

"T-teka? Nasan ako?" Di ko alam ang gagawin kaya lumapit ako papunta sa ilaw.

"Aura" Rinig kong boses ng babae. Boses na kilalang kilala ko. Tumakbo na ko papunta sa ilaw para makita siya

"Ate! Nasan ka na?!" Di ko na napigilan ang luha ko na dumaloy sa pisngi ko.

Nasan ako? Bakit ang dilim. Si ate! Nandito siya...

Di ko alam ang gagawin ko. Pilit akong lumalapit sa ilaw pero parang mas lalo naman itong lumalayo sakin

"Aura" narinig ko nanaman ang pangalan ko pero boses na ng lalake ang natawag sakin. B-boses ni kai?

"Kai! Nasan ka na?!" Agad akong tumakbo para hanapin siya at na aninag ko naman na siya.

Mas binilisan ko ang takbo ko papunta sa kanya pero nagulat ako nang nakita ko siya puro d-dugo?

"Kai! Anong nangyari sayo?!" Mas lalong tumulo ang luha ko sa nakita ko. Hahawakan ko na dapat siya pero---

"Aura! Gising na" rinig kong sigaw ni kuya luhan habang tinatapik ang pisngi ko.

Agad akong napabangon at napahawak sa dibdib ko. Panaginip lang lahat yun? pero bakit parang totoong totoo?

"K-kuya si ate napanaginipan ko" Maiyak iyak kong saad kay kuya.

Agad na sumilay sa mukha niya ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit ganun ang panaginip ko. May mensahe ba siya para sakin?

"S-si Kai din" Nung naalala ko si kai na duguan ay napaiyak na talaga ako. Di ko kayang makita si kai na ganun, Ayokong isipin na may ipinapahiwatig yung panaginip ko

Umupo si kuya sa kama ko at niyakap ako habang hinahagod niya ang likod ko para tumahan

"Shhhhh. wag ka ng umiyak baby. Nandito na si kuya" Dahil sa sinabi niya humina na ang pag iyak ko. Alam ko kasing nandito lang si kuya sa tabi ko.

Nang tumahan na ako ay bumaba na kami ni kuya at nakita namin sila mommy at daddy na kumakain na ng almusal

"Mommy! Daddy!" agad kong sigaw at tumakbo papunta sa kanila. Niyakap ko sila ng mahigpit dahil miss na miss ko na sila

"Baby, di na kami makahinga ng mommy mo" Ay, napahigpit ata yakap ko sa kanila

"I miss you anak, Pati ikaw luhan na miss namin kayo ng daddy niyo" Saad naman ni mommy sa amin ni kuya.

"Mas namiss namin kayo ni daddy, di ba kuya?" masiglang saad ko naman kay mommy. Tumango si kuya bilang pag sang ayon sa sinabi ko

"Sige na anak. Kumain na muna tayo" nakangiting anyaya samin ni mommy. Umupo na kami ni kuya luhan at nagsimula ng kumain

Habang kumakain ay iniisip ko pa din ang nakita ko. Ano ang ibig sabihin nun? Siguro kailangan ko ng bisitahin si ate....

"Aura, pupunta ba ang boyfriend mo mamaya?" nakangiting tanong ni mommy sakin. Oo nga pala, mamaya na ang dinner namin kasama ang magulang ko.

"Opo, nasabi ko na po sakanya yun" magalang na sagot ko kala mommy.

"Excited na kong makita ang baby ng baby ko! kyaaaaaah" kinikilig na saad ni mommy. baby ng baby niya? Namula naman ang pisngi ko dahil dun

"Mom naman" Yumuko na lang ako para hindi nila napansin na namumula na ko pero napansin pa din yun ni kuya

"Namumula na si aura mom. Kinikilig na si baby! hahahaha" pangangasar niya sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero walang talab.

Let's play a love game (Exo kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon