Lucas' wake, 1992
Of all the stories I've read, halos lahat, nagsisimula sa masaya.
Kung nasa mood at masayahin ang writer, the story will most probably end with a 'happily ever after'.
Kung tragic writer naman, deaths are predictable.
But what I am witnessing right now, which is what I am also writing about, is a very very painful beginning.
Agad na nilapitan ng nanay ni Lucas si Eliana, ang kaibigan ko, pagdating na pagdating niya. And in the midst of the silent mourning, everyone saw how she slapped my friend as if malaki ang galit niya dito.
Napatayo ako sa kinauupuan ko upang lumapit.
"Tita, nakakahiya po sa mga bisita," bulong ko at hinawakan sa balikat ang kaibigan ko. Pero hindi niya ko pinakinggan. May mga ilang kamag-anak na rin ang lumapit para pakalmahin si Tita.
Puno ng hinagpis niyang sinabi, "Nasaan ka nu'ng kailangan ka ng anak ko?"
Nakatingin lamang sa baba si Eliana. Magang-maga ang mga mata nito, pero pigil na pigil ang kanyang mga luha. I've known her for so long. She doesn't want people seeing her cry.
"Nu'ng malakas pa siya at nabubuhay, halos lahat ng oras niya nasa'yo na. Pero nu'ng pinaka-kailangan ka na niya, nasaan ka?"
"Mama," sumingit na ang nakababatang kapatid na babae ni Lucas. "Matagal na pong hinihintay ni kuya si ate Eliana. Wag na po tayong gumawa ng eksena,"
Kahit labag sa loob ay hinayaan na lamang ni Tita lumapit ang kaibigan ko. Eliana walked slowly with her head up. Akala mo papalapit siya sa altar na ipinangako sa kanya at hindi sa kabaong ng pinaka-sinisinta.
Doon na tumulo ang kanyang mga luha. Sa tabi ni Lucas. Sa tabi ng kanyang pinakamamahal.
Umupo ako sa bandang harapan at pinagmasdan siya.
Eliana is a strong, independent woman who has a very big heart. I've witnessed her go through heartaches, but I can't think how she's going to cope up with this one.
She's staring down at him as if hoping Lucas will open his eyes and take her into his arms once more. She's staring down, with pleading eyes, asking God to wake her up from this nightmare.
After an hour, nilapitan ko na siya para pagpahingahin. "Eliana, maupo ka muna."
"Dito lang ako, Yas." Mahina niyang tugon.
Humila na lang ako ng upuan at itinabi ito sa kabaong. "Upo ka na," I understand how much she always want to be with him. I understand how these two are so inseparable.
"Yas, pwede mo ba kong ikuha ng papel?"
Sumunod ako nang hindi nagtatanong. Pagbalik ko, I saw her roaming her eyes around. What could she be thinking? I have no idea.
Iniabot ko sa kanya ang papel.
"Thank you,"
Ipinatong niya ito sa kabaong at doon nagsulat. Naalala ko tuloy, Eliana used to write poems or stories habang nag-aaral si Lucas. Sometimes Lucas would sing love songs to her.
Such a waste for this beautiful, perfect lovers.
"Yas," lumapit ako nang muli niya kong tinawag. "Katulad ka din ba nila, iniisip na iniwan ko siya? Iniisip na kaya ko siyang iwan?"
Umiling ako. Syempre hindi. Ako 'yung madalas nilang kasama at nakakakita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Hindi ko man alam ang nangyari kung bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam, I know for a fact that Eliana would never betray Lucas.
Lumayo muna ulit ako so she can have her privacy. Pinagmamasdan ko siyang umiiyak habang nagsusulat, hanggang sa nakatulog na lang ako.
I woke up, around 4 am. Ako at si Eliana na lang ang nasa loob. Wala ng mga bisita, habang ang ilang kamag-anak ay nasa labas o kaya nakatulog na din.
"Eliana?" Tinapik ko siya sa balikat para gisingin. "Kain muna tayo,"
"Eliana?" Napahinto ako nang biglang matumba ang kanyang katawan papunta sakin. Nasalo ko siya at agad tinapik ang mukha. "Eliana?"
This is not suicide. Walang kahit anong bakas sa katawan niya para isiping nagpakamatay siya. Walang kahit anong prueba na uminom siya ng lason.
She left nothing, but a piece of note.
Nanginginig akong inabot ito. I felt my tears stream down as I read the note. I felt my body froze as I realized, I am standing between the two people I loved and admired who chose death.
I am standing between them and felt so afraid because now, I am bound to write their tragic love story.
YOU ARE READING
She Lived When He Died
FantasyThey were so in love, but he died. She was in so much grief, so she did too. She was a writer, and her last wish is for me to write their story. Pero kaya ko nga ba'ng tapusin, Kung sa bawat talatang isulat ko, may binabago siya?