Parallel hearts are hearts that share a lot of similarities, but never meant to happen.
- - - - -
Simula pa ng kabataan magkasama tayo. Bawat kalokohan na pinaggagawa mo ay alam ko. Lahat ng ayaw at gusto mo'y nakatatak sa isip ko.
Buong buhay natin ay kasama natin ang isa't isa. Ikaw ang sumusuporta sakin tuwing may problema ako at ganun rin ang ginagawa ko sayo.
Magkapareho tayo ng paborito. Mula sa kanta, kulay, bahagi ng paboritong pelikula. Alam mong takot ako sa kulog at kidlat at alam kong ayaw mo akong natatakot. Inaasar mo ako sa height kong di kataasan at sa tuwing umiiyak ako ay agad mo akong pinapatawa o kaya'y binibigyan ng kendi.
Nag simula sa elementary ang paghanga ko sayo. Naalala ko pa kung paano mo tinaboy ang mga lalakeng umaaway at nagpapaiyak sa akin. Hinangaan kita sa galling mong gumuhit at mag basketball. Hinangaan kita dahil sa maamo mong mukha. Ang alam ko nang mga panahong iyon ay paghanga lamang ang lahat.
Ang lampa lampa mo kasi ! Yan tuloy na away ka nila ! Alalang-alala ko pa ang mga ngiti mo nang tinulungan mo ako. Yung ngiting nagpapakalabog ng puso ko.
Nang tumungtong naman tayo ng highschool ay mas lumalim ang nararamdaman ko para sayo. Mas lalo kang kumisig at gumwapo. Lahat ng tao ay lumilingon sa pagdaan mo. Ang mga ngiti mong nakakatunaw ng buto at ang taglay mong kabaitan.
Vaneee ! Bati na tayo please ! Alam mo namang di ko kayang isipin na nagtatampo ang mahal kong kaibigan sa akin. Please ! Bati na tayo ! Naalala ko pa nung inaway kita dahil inilakad mo ako sa kaibigan mo. Tatlong araw kitang di kinibo at araw-araw mo akong sinusuyo.
Ikaapat na taon natin sa sekondarya ay napagtanto kong ' mahal na kita '. Dun ko naranasan ang kakaibang saya ng taong umiibig. Nakontento akong mahalin ka kahit kaibigan at kababata lang ako para sayo.
Vane salamat talaga ! Bait bait mo ! Kaya nga mahal na mahal kita eh ! Masayang-masaya ako nung araw na tinulungan kita sa isa mong lesson. Sinabi mong mahal mo ako kahit bilang kababata at kaibigan lang.
Pero isang araw, masaya mong binalita sa akin na sinagot ka na ng nililigawan mo. Sa taong yun naranasan kong mabigo. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo at pakiramdam ko'y literal na nabasag ang aking puso.
Vanee ! Ang saya saya saya saya saya saya ko talaga ! Di ako makapaniwala ! Sinagot na ako ni Riz ! Yan ang eksaktong sinabi mo. Araw iyon ng mga puso at araw iyon ng prom natin. Kahit sinabi mong ang ganda-ganda ko nung panahong yun ay di parin nawala ang sakit sa aking puso.
Graduation practice natin nang nadapa ako dahil sa gulo ng mga kabarkada mo. Agad mo akong nilapitan kahit kasama mo ang girlfriend mo para matulungan ako sa pagtayo.
Yan kase. Ang lampa-lampa ! Tssk. Nasugatan ka tuloy. Lika, gagamutin ko. Hindi mo alam na mas hiniling kong gamutin mo ang malaking sugat sa aking puso kesa dumudugo kong tuhod.
Nang nagkolehiyo tayo ay minahal parin kita. Kahit alam kong hindi pwede ay hinayaan ko ang mga nararamdaman ko para sayo. Nagbabasakali akong magsasawa na ang puso ko kakahintay sa wala.
Di ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa tabi ko. Iyan ang sinabi mo sa akin nung nawala sayo ang first love mo at lasing na lasing ka'y nag-iiyak.
Mag a-apat na taon na sana kayo ng girlfriend mo pero bigla ka nalang nito iniwan sa ere. Wasak na wasak ang puso ko habang nakikita kang umiiyak sa aking harapan. Hindi mo alam kung anong gagawin mo nung mga panahong iyon dahil hindi ka nagtira ng kaunting pagmamahal sa sarili mo.
Kung pwede lang ilipat sayo ang nararamdaman kong to. Matagal ko nang ginawa. Sinabi mo 'yan sa akin ng naabutan nanaman kitang lasing. Kung pwede nga ano ? Pero wala akong magagawa dahil kababata mo lang ako at hanggang dun lang.
Halos isang taon kong tiniis ang paghihirap mo ng patago. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapakamartyr para sayo. Di ko alam kung bakit di kita kayang bitawan. Kahit alam kong wala akong pag-asa sayo ay patuloy parin kitang minahal ng patago.
Ba't hanggang ngayon wala ka pang boyfriend ? Baka masyado mo nang pinabayaan ang sarili mo dahil sa akin ha ? Nang panahong iyan gusto kong ipagsigawan sa harap mong IKAW ANG GUSTO KO. Pero di ko kaya dahil ayaw kong layuan mo ako.
'Mahal kita. Sana naman balang araw mahalin mo ako' Yan ang palagi kong iniisip na sabihin sayo pero alam kong malabong masabi ko yan sayo. Bukod sa wala akong lakas ng loob ay alam kong kababata at kaibigan lang ang hangganan ko.
Kahit malabo ang maging tayo ay minahal kita ng patago. Kahit alam kong ang pagmamahal sayo ay parang lumalangoy sa apoy ay pinagpatuloy ko ang kahibangang pagmamahal na to. Kahit wala talaga tayong pag-asa ay ipinagpatuloy ko dahil masaya ako kahit papaano.
" What day is it ?
And in what month this clock never seem so alive
And I can't keep up
And I can't back down I've been losing so much time "
Nagsimula nang kumanta ang pinsan mo. Lahat ng taong nasa loob ay nag ayos ng pagupo. Eto na ang araw na matagal mo nang hinintay.
" 'Coz it's you and me
And all other people
When nothing to do
Nothing to lose "
Kabadong-kabado ako habang naglalakad sa aisle ng simbahan. Gwapong-gwapo ka sa suot mong suit at napakalapad ng iyong mga ngiti. Bakas sa mukha mo ang sobrang saya. Dito na matatapos ang lahat.
" And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off you "
Dito na matatapos ang taon-taong pag-asa ko sayo. Dito na matatapos ang pagmamahal ko sayo mula sa malayo. I end everything here. Dito na ang hangganan ng lahat ng paghihirap at saya ko. Masayang masaya ka na. Masayang masaya sa piling ng iba.
Nilihis ko ang daan ko at tumabi sa best man. Hindi sa tabi ng groom dahil ang nararapat sa tabi nito ay ang bride, hindi ang maid of honor. Sa pagtapos ng kanta ay muli kitang nilingon. Malapad ang ngiti mo habang dinadala ang babaeng may hawak sa puso mo sa harap ng altar.
" What day is it ?
And in what month ?
This clock never seem so alive "
Maybe we're just parallel people with parallel hearts. We share a lot of similarities, but we are never meant to happen.
- fin-