Sa tinatahak kong madilim na daan,
Pilit ipinapaalala nito ang ating nakaraan,
Pakiramdam ko'y may sariling mundo ang aking paglalakad,
At di ko mawari kung saan ako mapapadpad.Bugso ng damdamin ko'y biglang nanumbalik,
At nadama ko ulit ang aking pananabik,
Pananabik na ika'y muling makasama,
Makasamang di inaalinta ang pupuntahan,
Dahil naaaliw tayo sa walang kupas na kwentuhan.Sa aking paglalakad ay may bigla akong nakita,
Ngunit ng makalauna'y nawala ang aking tuwa,
Umasa akong ikaw ang aking madadatnan,
Ngunit nagkamali ako sa aking inaasahan.Panandalian akong nagising sa katotohanan,
Na hindi ikaw ang aking nakita sa daan,
Nilamon na nga pala ng dilim ang ating pagmamahalan,
At hindi na muling maibabalik pa ang ating pinagsamahan.Napagtanto kong malungkot palang maglakad sa dilim,
Dahil naiisip ko ang lahat ng aking kinikimkim,
Kinikimkim na kalungkutan,
At matatag na ako sa iyong harapan.