Stanza 23
Wow. Alam niyo bang ang pinakamadaling paraan para maiwasan ko ang maging sweet o ang pagiging sweet niya ay ang bumalik na sa New York at babalik lang dito kung kailangan kong bumalik which is sa kasal pa ni ate Lyza? Tapos ngayon... ano raw? He's coming with me?
"Sandali lang ha. Wait lang talaga." Tinaas ko ang dalawa kong kamay saka binagsak ito sa handle ng maleta ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Uhh... Literally? May iba pa ba?" Pagtataka niya. "C'mon. Alam kong ayaw mo ng traffic." Sabi niya at kinuha ang maleta ko. Lumabas na siya ng bahay. Napatingin ako sa dalawa.
"Bakit ko siya kasama?" Tanong ko sa kanila. Nagkibit-balikat lang silang dalawa.
I gave up. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse niya. He's in there, smiling like a dog. Anong nakain nito? Kung narito lang si kuya Nat, I could definitely ask him why is this man coming with me. Akmang ilalagay na sana niya ang seatbelt ko, pinigilan ko siya.
"I have hands." Sabi ko. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumu-surender.
"Fine." Sabi niya. Nakangiti pa rin siya. Seriously, this dude is creeping the hell out of me.
Pinaandar na niya ang kotse niya at pinatakbo ito. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya sasama pero baka iba ang isipin niya. Pabayaan ko na lang. Malalaman ko naman siguro, eventually. Napansin kong tingin nang tingin siya sa akin.
"What do you want?" Tanong ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Sa kalsada lang ako nakatingin, iniisip na ako yung nagmamaneho at wala akong ibang pasahero.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako sasama?" Tanong niya.
"Should I?" Kanina pa ako nagtataka.
"Not really. Pero... nah. Nevermind. Malalaman mo lang rin, eventually."
~
Nakarating na kami sa airport at in-assist kami ng mga company guards sa paglagay ng mga gamit sa plane.
"Miss Melissa, tawag po galing kay Sir Nathan." Sabi ng chief of security sa akin. Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Wow. S6!
"Aren't you wondering?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Kuya, nasaan ka?" Tanong ko.
"Nasa Davao ako ngayon. Kasama ko si kuya Jared mo. May business meeting kami dito. I guess nasa airport na kayo ni Ariel." Sabi niya.
"Oo. Nasa airport na KAMI." Binigyang diin ko talaga yung salitang KAMI para maisip niyang nagtataka talaga ako.
"Well, may tatlong business meetings siya sa US. Hindi lang sa New York yun. At napag-usapan namin na sa iyo siya titira while wala pa siyang meeting."
"Uso kaya maghotel. Isa pa, dagdag chores kaya. Wala akong katulong, hello?" Sabi ko.
"Steph, okay lang naman gumasto for hotel pero may choice naman na walang gasto. And kasama niyo si Jocelyn kung may problema ka sa chores. I'm guessing she's already there?"
Napatingin ako sa kotseng kararating lang. Bumaba mula sa kotse si Jocelyn, isa sa mga katulong nila kuya Nat, ang pinakapinagkakatiwalaan. Kinuha niya ang mga bag niya mula sa trunk ng sasakyan. Tinulungan siya ng mga tao ng kumpanya para i-load ito sa eroplano.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"