Chapter 10

8 1 0
                                    

Nung nagkausap kami at nagkita kami ay napansin ko ang mga pagbabago tungkol sa kaniya. Tumagkad siya at lalong pumogi. Pero naasar pa rin ako kung bakit ganun yung inakto niya. He's acting like nothing happen.

After ng ilang araw, diba nga makulit ako. Ang ginawa ko lang naman ay chinat ko siya dun sa account ko na original kung saan nakaunblock na ko. Pagtitripan ko lang naman siya noon at lolokohin. Sinabi ko kasi sa kaniya na "Magninong ka sa anak ni Mina, tapos paglaki nun sabihin mo Ex ko Mommy mo", lakas ng trip ko nung araw na iyon. Ang reply naman niya nun ay "Di ako interesado, wag muna kong kausapin". Ang husay ng reply niya diba, nakakatouch ng sobra tagos na naman ulit sa puso kong paulit-ulit na lang niyang sinasaktan. Siguro nga yun na rin ang naging wake up sign ko para totally na kalimutan na siya at magmove on, kahit na di naman naging kami. Sobrang nasaktan ako nung mga araw na iyon kaya naman pinangako ko sa sarili ko na this time ako naman yung mangbablock, para pantay diba. Tapos na kasi niya kong iblock sa facebook sa mababaw na dahilan at ako sisiguraduhin ko na hindi ko siya aunblock hangga't galit pa ko sa kaniya at may inis pa sa kaniya. Ayokong na kasing magkaroon ng koneksyon or balita sa kaniya dahil syempre di ko naman iwasan icheck yung Social Media account niya, tulad nga ng facebook.

Hanggang ngayon nakablock pa rin siya sakin. Siguro maraming nagtataka kung bakit shinare ko itong story ko. I think ay para may matutunan kayo, tulad ko na napakaraming lesson ang nabaon ko at narealize ko. Ang mga naranasan kong ito ang nagpapatibay sa akin ngayon, kahit na nasaktan ako ng todo. Yung sakit na naramdaman ko ang nagturo sa akin kung paano maging matatag, matibay at di agad sumusuko sa kahit anuman. Naging shield ko yung sakit na ito para masanay na lang at wala ng maramdaman. Alam kong nagkaroon ako ng mga maling desisyon sa buhay pero natutunan ko kung paano itama ang lahat. Ang pinakadabest kong natutunan ay "Mahalin muna ang sarili mo, bago ang ibang tao" or sa english naman ay "Loving yourself first, before loving someone else.

Hanggang ngayon nandito pa rin yung sistema niya sa isip at puso ko, dahil di namang agad mabilis kalimutan si Koby. Ang first love ko 3 years ago na ang nakakaraan. Ang sabi nga nila ay first love never dies, pero di ko pa rin naman masasabi yun. Marami pang pwedeng magbago sa mundo.Di ko alam na baka isang araw lubusang mawala ma yung kaunti space niya sa puso ko. Hindi naman kasi madali ang lahat. May mga steps ang bawat bagay-bagay, may mga hakbang na kailangan mong sundin. Ang mga hakbang na iyon na kailangan mong tawirin para makausad ka sa buhay. Siya si Koby na nag-iwan ng napakaraming alaala at lesson sa buhay ko. Kahit na ganoon ang nagyari ay nagpapasalamat ako na nakilala ko siya dahil di naman ako matututo sa pag-ibig kung di ko naranasang masaktan.

Ang first love ko na di ko alam kung hanggang kelan ko siya gugustuhin at mamahalin. Suguro matagal pa bago mawala lahat ng sugat. Ang lahat ng sugat na nakatatak na sa isip at puso ko. Natutunan ko ring hindi laging puro saya lang, dahil may mga pait din at lungkot kang mararanasan. Hindi naman kasi perfect ang mundo, laging di pantay at walang permanente. Lahat nagbabago, may naiiba at maraming nasisira tulad ng akin. Nawala yung friendship namin, yung friendship na iningatan ko. Friendship ko pinahalagahan ko kung meron man.Friendship na umaasa kong mababalik pa.

(Author's Note: Sana nagustuhan niyo, at may napulot sana kayong aral. Sana rin may magcomment if maganda ba yung story thank you.)

First Love Never Dies Until When?Where stories live. Discover now