Sineryoso Mo Ba Ako?

522 20 23
                                    

"RANDOM. Wag damdamin ang mga nakasulat."

 cover (c) beybe SmexyOddy

 

Am I really afraid to fall or I just can't accept the fact that you're not there to catch me when I fall?

 

I'm inlove to someone who I know from the start that he's not the serious type.

 

Maayos naman tayo nung una, nakakausap kita na walang halong malisya, yung tipong kaibigan lang. Until that day came, nagbago lahat-- nahulog tayo sa bitag ng isa't isa or maybe ako lang at iniisip kong pati ikaw at sana ikaw rin. Pero masisisi mo ba ako kung sineryoso ko bawat panloloko mo? Na pinili ko pa ring mahalin ka kahit na alam kong wala namang kasiguraduhan yung salitang TAYO.

 

Actually, ngayon ko lang naisip na yung mga panahon na inakala kong may TAYO ay hindi ka pala talaga seryoso nun. Kinukwento mo pa nga sakin mga kalokohan mo eh at yung ibang babae mo, di ko alam sa sarili ko kung bakit sinasabayan pa kita sa mga kwento mong ikaw lang naman ang natutuwa at hinayaan ko pa ang sarili kong mahulog sayo ng tuluyan.

 

F*ck.

 

 

I don't know what's wrong with me that time or siguro mas nangibabaw lang talaga yung nararamdaman ko sayo kaysa yung iniisip ko kaya nangyari yun, nangyari yung bagay na hindi dapat mangyari. Minahal kita at minahal mo rin ako, yun nga lang sa ating dalawa ako lang yung nagsasabi ng totoo.

 

Ang tanga ko noh? Naniwala ako sa ILOVEYOU mo. Nakalimutan kong ayaw mo pala ng seryoso dahil para sayo lahat ay biro. Hanggang sa di natin namalayan na bumalik na pala tayo sa dati nating samahan, yung hanggang kaibigan lang. Masaya naman ako pag kausap ka, dinadaan ko nalang sa biro yung tunay kong nadarama kaysa naman malaman mo nanaman e di panigurado ako nanaman yung luhaan.

 

Akala ko nga iba turing mo sakin eh. Akala ko espesyal ako para sayo pero nalalaman ko rin sa iba na hindi lang pala ako yung tinuturing mong kakaiba. Sa puntong yun umasa nanaman ako na pwede nating ibalik yung dati pero para nanaman akong kumuha ng bato na ipupokpok sa sarili kong ulo dahil sa kakaasa ko, sa tingin ko nahuhulog nanaman ako sayo.

 

Di ko na alam gagawin ko. Di ko na malaman yung pagkakaiba- iba ng mga nararamdaman ko. Nakakasawa rin palang makaramdam kung pwede lang maging manhid nalang ng tuluyan eh.

 

Bakit laging sa una lang masaya? Bakit laging pagdating sa dulo mangiiwan ka? Madalas napapaisip ako kung ano bang problema sakin ng mga tao. Hindi nila mapanindigan yung paglapit nila sakin, yung kagustuhan nilang makilala or kaibiganin ako. Laging dumadating yung punto na kung kailan masaya na ako sa kanila or nakuha na nila yung tiwala at loob ko saka naman sila mawawala.

 

Ginagawa akong libangan ng mga tao. Kapag kailangan nila ng makakausap, dun lang nila ako kilala tapos iiwanan din nila. Pero paano naman ako? Pagtapos pasayahin, ganun ganun nalang yun? May pakiramdam din naman ako. Pero kasi ikaw iba. Di mo lang ako pinasaya, pinaramdam mo pang mahal mo ako talaga kahit di kita nakakasama, makausap lang kita ayos na kaya mas masakit, mas malalim yung sugat. At sa lahat ng naramdaman ko, merong gumugulo sa puso ko-- mahal pa rin ATA kita at isa lang ang tanong ko sayo.

 

 

 

Sineryoso mo ba ako?

Sineryoso Mo Ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon