Traffic

2.9K 35 14
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

Plagiarism is a crime.
-----

Credits and thanks to CaptainGreennesses for doing this awesome yet amazing book cover of mine!

-----------

"It's impossible to have friendship with someone and NOT love them."

-

Calla Cruz -
Isang mayaman, simple, mabait, at matalinong babae, halos lahat ng tao sa kanilang paaralan ay iniidolo siya sa kadahilanang nasa kanya na daw ang lahat,best friend niya si Nate Sincero

- Nate Sincero -
Isang mayaman, mabait, matalino at higit sa lahat habulin ng mga babae, kilalang kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar dahil na din siguro anak siya ng Mayor roon,best friend niya si Calla Cruz

"Nasaan na ba 'yong babaeng 'yon!?" inis na sabi mo sa sarili mo habang hinihintay ako sa isang mall.

Isang oras mahigit na ang lumipas mula sa oras ng ating usapan. Inip na inip ka na at gusto mo nang umalis. Maya-maya ay may narinig kang tumawag sa 'yo at nakita mo ako.

"Nate!" tawag ko sa 'yo. "Sorry! Traffic kasi eh kaya nalate ako," dagdag ko pa.

"You're 1 hour late Calla!" sagot mo sa pagalit na tono.

"Eh sorry na nga eh." Ngumuso ako. "Traffic kasi, blame the traffic not me." Totoo naman eh! Kasalanan iyon ng traffic.

You rolled your eyes. Napabuntong-hininga ka pa. "Tss late ka na nga nagagawa mo pang sumagot ng ganyan!" sabi mo na naman. Ni hindi manlang nabawasan ang galit sa boses mo.

Hays, ano bang pwede kong gawin para mawala iyon? Or should I say, may magagawa nga ba ako para mawala iyon?

"Sabi ko na nga sorry eh, hindi ko naman kasalanang traffic sa Edsa."

Napailing ka nalang habang sapo-sapo ang sarili mong noo. "Damn that excuse, parati namang traffic sa Edsa at alam kong aware ka na roon, you should have left your house earlier."

"Sorry na," sabi ko ulit sa 'yo pero this time with matching puppy eyes na para effective.

Napabuntong-hininga ka na naman. "Okay fine!"

Napangiti naman ako sa kinatatayuan ko matapos mo 'yong isagot. "Sabi ko na nga ba eh, hindi mo 'ko matitiis."

Pagkasabi ko no'n ay agad mo namang ginulo ang buhok ko. "Malamang best friend kita."

Awts best friend nga lang ba talaga? Hanggang doon nalang ba talaga?

"Best friend nga lang ba?" bulong ko pa.

"May sinasabi ka?" tanong mo habang titig na titig sa akin.

Napailing na lang ako para sabihing wala iyon.

"Nasaan na 'yong iba?" tanong ko nang mapansing wala ang mga ito sa paligid.

"'Ayun! Pinauna ko na, ang tagal mo kasi eh, tayo nalang 'yong susunod sa kanila. Nagpaiwan ako kasi alam kong hindi mo alam kung paano pumuntang Tagaytay at isa pa hindi mo rin naman dadalhin ang sasakyan mo dahil tamad kang magdrive."

Hindi ako nakasagot doon.

Maya-maya ay may tumawag sa 'yo. Hindi na salubong ang kilay mo, hindi na nakakunot ang noo mo at parang abot langit pa ang ngiti mo nang sagutin at kausapin ang nasa kabilang linya. Sa hindi inaasahang pangyayari, aksidente kong narinig ang inyong usapan.

"Sige hon. Ingat ka dyan ah? I love you," sabi mo sa kausap mo sa phone. "Tara na," malumanay mong sinabi sa akin.

Naglakad na tayo papunta sa kotse mo at habang naglalakad ay kinakausap ko naman ang sarili ko sa aking isipan.

"Siguro napakaswerte ko kung ako 'yong nasa kalagayan ng babaeng kausap mo kani-kanina lang sa phone mo 'no? Sana balang araw may kumatok sa puso mo at nang malaman mo na kahit anong mangyari nandito lang ako para sa 'yo."

-the end-

____________________________

So ayun gumawa ulit ako ng story pero one shot siya sana basahin niyo , tapos kung may suggestions kayo kindly message me nalang, and comment kayo para malaman ko kung may nagbabasa

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now