Chapter One

11.9K 167 2
                                    

"Magkano ang kailangan kong ibayad sa 'yo para layuan mo ang anak ko?" prangkang tanong ni Doña Eclaire kay Melissa.

Marami nang nagsabi kay Melissa na masungit at matapobre ang doña pero hindi niya inakalang wala itong originality. Her choice of words was proof of that. Para tuloy itong kontrabida sa isang pelikula at siya ang kaawa-awang bida—iyong tipong inaalipusta at madalas na iniiwang luhaan. Pero, duh, as if naman na papayag siya.

Natatawa na si Melissa sa mga naiisip niya kaya napakagat-labi na lang siya para pigilan ang kanyang tawa.

Mukhang iba ang naging interpretasyon ni Doña Eclaire sa ginawa niya. Kunsabagay, ang pakilala ng fiancé niya sa kanya ay isang mahinhin at simpleng babae na bagaman tapos ng pag-aaral at may magandang career ay hindi pa rin puwedeng ihilera sa mga mayayaman.

"Come on. Tell me. Huwag mong sabihing hindi ka papayag dahil mahal na mahal mo ang anak ko? I know women like you. Ang habol mo lang sa kanya ay pera, wala nang iba."

Good Lord, meron pala talagang ganitong klase ng tao?

She just met the older woman three days ago. Nagtaka siya nang ipasundo siya nito sa mga bodyguards nito at nag-abala pa itong makipagkita sa kanya sa isang restaurant na bihirang pasukin ng mga tao. It was not like she was expecting to have a heart-to-heart talk with the older woman regarding her relationship with her son Danny, but this setup is just too much for her. Nagmamadali pa naman siya kanina pa dahil late na siya sa pupuntahan niya pagkatapos ay ganoon lang ang mangyayari sa oras niya? No way!

After preparing a lot of materials for her presentation and after attending meetings with her prospective clients, which she couldn't easily reschedule, all Melissa wanted was to rest a bit and enjoy the rest of the day. Gusto naman niyang i-enjoy ang buhay niya. Hindi rin siya papayag na maapi siya ng isang gaya lang nito, lalo na at kaarawan pa niya, kaya hindi na siya nakatiis. Itinukod niya ang dalawang siko sa mesa at ipinatong ang baba niya sa mga kamay bago nagsalita.

"How about great sex? Hindi ko ba puwedeng isama iyon sa listahan ng kung ano'ng gusto kong makuha kay Danny?"

Nagitla ang ginang sa sinabi niya. Halatang hindi nito inaasahan na lalaban o magsasalita siya ng ganoon. Well, it was a normal reaction for her, to the real Melissa Alejo.

"And you know what? I doubt if you could afford the price I'll be giving you. But if you insist, well, I only accept cash and ten billion is my minimum charge." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Melissa. Pero dahil umaandar pa rin ang kapilyahan sa isip niya, nilingon niya ito. "I believe Danny knows my account number," aniya bago ito tuluyang iniwan.

Bumibiyahe na si Melissa patungo sa dapat niyang puntahan nang tumunog ang kanyang cell phone. Mukhang late na late na nga siya dahil hayun at tinatawagan na siya ng mismong organizer ng birthday party niya.

"Hi, Danny darling," malanding sabi ni Melissa habang nagda-drive kahit alam niyang galit na boses ang maririnig niya buhat sa kabilang linya.

"Nasaan ka na? Alam mo bang nagsisimula nang dumami ang mga tao rito?"

"Relax, malapit na ako. Aabot ako diyan, promise!"

Nai-imagine na niya ang hitsura ni Danny. Siguradong nawawala na naman ang pagka-stiff nito nang dahil sa kanya. If only she didn't know him better, iisipin niya hanggang sa kamatayan niya na supladong lalaki ito na hindi basta-basta malalapitan ng sino mang babae. Most of the girls who met him thought so. Until she discovered the hidden side of Danny Fajardo.

"Your mom visited me," sabi ni Melissa sa kausap niya para na rin makapagpaliwanag.

"What? Kailan?"

Cupid's TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon