Ang Arte niya.Ang Suplada niya.Ang Sosyal niya. Di ko alam kung paano ko siya madi-describe. Di ko din alam bakit ako nagkakaganito sa kanya.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Ako si Manolo Pedrosa but you can call me MANOLSKIE. Ako ay Fourth Year highschool.Kilala akong BADBOY. Yun naman talaga ang tao. They will judge you. AS ALWAYS naman diba. PLAYER daw ako,kasalanan ko bang gwapo ako. Pero sa gwapo kong to,isa lang ang hindi naakit nito. SI NICHOLE BARANDA.Classmate ko siya.
Ang Arte niya.Ang Suplada niya.Ang Sosyal niya. Di ko alam kung paano ko siya madi-describe. Di ko din alam bakit ako nagkakaganito sa kanya.
SA LAHAT WALA SIYANG PAKI-ALAM.Nalalapit na nga ang aming graduation bago yan may pagkaka-abalahan pa kami ang aming RETREAT.
"Bukas na tayo pupunta sa PBB University para doon iganap ang ating retreat class" Pagsasalita ni Maam Alex. Kung papapiliin lang talaga ako ayaw kong sumama.Pagkaka guluhan lang ako doon.
"Paano po maam ang sitting arrangement natin sa bus?" Apila naman ni Loisa. Maganda siya pero di ko type.Type ako niyan.Sorry nalang siya.
"Magbubunutan tayo, Girls only ang bubunot." What? Paano kung chaka ang makabunot sa akin. Ang swerte niya,Ang malas ko.Siguro inis na kayo sa'kin.Sa ugali ko. Nabuhay ako ganito na talaga ako.
"Game kami dyan" Sabi ng mga babae na nasa unahan. Pero nakatingin ako ngayon kay Nichole, Nakayuko lang siya. Sabi ko sa inyo eh.Wala talaga siyang PAKI. Kailan niya kaya ako mapapansin. Araw-araw kaya ako nagpapansin. Sa tingin ko nga alam niya na, na may gusto ako sa kanya. Pero parang lumaklak ata siya ng isang bilyong rami ng "WALANG PAKI-ALAM NA FEELING". Na cha-challege nga ako sa kanya, kasi ang hirap kaya. Last Year in-add ko siya sa FB,pero hanggang ngayon hindi niya parin ako ina-accept. Araw-araw sinasabi ko sa kanya pagdating ko sa school “Ang pangit mo na nga,lagi ka pang nakasimangot” Promise ARAW ARAW ko yan sinasabi syempre EXCEPT Saturday at Sunday. Ang laging gantimpala ko ISANG DEATH GLARE.Sabay tatalikod na siya. Iniinis ko siya para diba may masabi siya.Pero parang WALA talagang epekto.Ang hirap kaya,na ganito ako ka-gwapo tapos ang gusto ko di ako pinapansin. DIBA?
0__________0 Napaganyan ang mukha ko. Nakatingin kasi sila sa akin.LAHAT SILA. PATI SIYA.
Bakit di ko namalayan na tumayo pala siya para magbunot.Nakakahiya. Nagtawanan sila.At lalo pa ata akong magugulat kasi nag SMIRK siya sa akin, sabay upo at umob-ob naman sa upuan niya. Nagmumukha akong bakla nito.Sheyt.
Kinikilig ako.HAHAHA. Napansin niya din ako. Fvck nagiging bakla ako dahil sa kanya. AYAYAY PAG-IBIG NAKAKAKILIG. ANG BABAW KO TSS.Sana siya nalang ang kasama ko mamaya sa upuan. Syempre limang oras din ang byahe. Kahit ngayon lang diba magka moment kami. Please lord, ibigay mo na ang moment na to.
Mukhang madami na nga sila,halos lahat na nga andito na. Sino kaya ang katabi ko. Iniipon na ni Maam Alex sila. Syempre sasama na ako.
“ Sa wakas dumating kana din.” Sabi nila. Ako nalang pala ang wala pa.“Kompleto na ba?” Malakas na tanong ni maam.
“ Yeah” Sigaw ni Maris.“Hawak ko na ang mga ka-partner niyo.” Sigaw ulit ni maam. Ang hyper ni maam. Di halata na excited siya. Ki-aga-aga kinakabahan ako. Parang di ako lalaki.Syet.
Tatawagin na ni maam.