Chapter 1

16.9K 263 4
                                    

Ynna Pov

"Inang,sinabi ko naman ho sainyo na huwag na kayong magalala para sakin.Kaya ko na pong pumunta sa Manila." sabi ko kay Inang,ngayon na kasi ang punta ko sa Manila,kailangan na talaga kasi namin ng pera,medyo kaunti lang ang nasasahudan namin sa pag aani ng palay at pag rararo ng kalabaw.

"Sige anak.Magiingat ka sa Manila.Alam mo naman na maraming masasama sa Manila.Di katulad dito sa probinsya,napakabait ng mga tao.Kaya wag mong pababayaan ang sarili mo." sabi ni Inang.

Bumaling naman ako ng tingin kay Yaiza,at Yuri.Ang dalawa kong kapatid.

"Yaiza,bantayin mo ang inang ah.Ikaw naman Yuri,tulungan mo si tata na mag raro ng kalabaw.Wag niyo silang istresan ah." bilin ko sakanila.Siyam na taong gulang na sila.

"Oo ateng!kami pa?!" proud na sabi ni Yuri.Binitbit ko na ang alagang baboy ko.

E wala kayong pake,siya ang alaga ko eh. Atleast ito mapapakinabangan,e yung taga Manila aso nga...Kailangan pang ipamper.

"O sige.Aalis na ho ako.Inang,wag kayong magpakapagod ah.Yaiza,yung sinabi ko.Yuri,si tata ah." tumango naman sila.

"Tara na?" sabi ni tata.

"Opo." tapos sumakay na ako sa kalabaw niya.

Manila:

"O sakay!sakay!Pasay!!!pasay na yan." sabi ng kundoktor.

Sasakay na sana ako ng bus ng biglang tumakbo yung baboy ko.

"Uy!!!baby san ka pupunta!!!" hinabol ko pa siya.Hindi siya pwedeng mawala no!sa kalagitnaan ng pagtatakbo ko,may tumunog na napakalakas...

Beepbeep!!!

Lumabas yung may ari ng sosyal na kalabaw.Ehehe.Sosyal eh may pintuan pa.Hindi ko alam kung ano yun eh.

"Hoy ikaw miss!hindi kaba marunong tumawid!bakit hindi ka tumitingin tingin ah!ano?magpapakamatay ka na ba!" sigaw nito.Naka shade siya...Grabe.Ang tangkad niya.Kung matangkad ako,mas matangkad siya.

Tapos,mukhang gwapo,ang kisig niya paman din.Kaso,napakasungit.

"E wala kang pakielam!tsaka pwede ba?tanggalin mo yan tunog diyan sa sosyal na kalabaw mo.Nakakabinge.Nabingi tuloy si baby ko." sabay hagod sa baboy ko.Siya naman ay bunalanghit ng tawa.

"Kalabaw?tunog?baby?hahahahahaha."

Inirapan ko siya."Anong nakakatawa?"nakataas kilay na sabi ko.

"Hindi yan tunog miss,busina.At hindi rin kalabaw na sosyal yan,kotse yan miss.Atsaka yan baby?eh inahing baboy yan eh.Hahahaha!!!!" natatawa niyang sabi."Atsaka,san ka bang planeta nanggaling ah!"sabi niya.

Atsaka na siya sumakay sa Kotse daw.

Nag ka traffic pala dahil samin.Nakakahiya tuloy.Lunakad na ako habang bitbit ko ang baby ko.Porket mayaman ang baba na ng tingin nila sa mahihirap!

Sumakay na ako ng bus papuntang Pasay,tirira rin ako pansamantala saaking kuya.

Bahay;

"Kuya Yaren!" katok ko sa bahay nila.

"Oh,ikaw pala Ynna,buti nakarating ka." sabi ni kuya.Tuluyan na akong pumasok at inayos na ang dala kong gamit.

Sana maging maayos ang pagtira ko dito sa Manila,sa tingin ko kailangan kong pag aralan ang mga bagay na wala sa probinsya.Kundi,magiging akong tanga.

---

Date Publish:February 03 2018.

Ms Probinsyana Meet Mr Manila(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon