Chapter 16

30 0 0
                                    

Chapter 16: Where are You?

--------

Chander Rayvin? Diba sya yung nakadiscover at nagpaunlad sa Rayvin's Place? So this means, direct descendant sya ni Sir Chander Rayvin. Magkamukha rin kaya sila?

"Please pick you partner for our whole semester, he/she will be your training buddy. You both need to enhance you skills, alright?" Anunsyo ni Mr. Rayvin at nagsimula nang mag-ingay ang klase. Bawat isa'y naghahanap na ng kapareha.

Lumingon ako kay Keith at nakatingin na pala sya saakin.

"Partners?" Nakangiti nyang tanong saakin. Hindi parin ako sanay sa madalas nyang pagngiti.

"Partners."














"Luna, nalaman mo na ba ang skill mo?" Tanong saakin ni Keith nong makapasok kami sa training hall. Siguro ay triple ito ng isang basketball court.

"Hindi pa eh. Gusto mo na bang mag-iba ng partner?"

"Nope," sabi nya at diniinan ang 'p'.
"Ikaw lang ang gusto kong makapartner."

"Attention! Everyone! Attention please!" Pagsigaw ni Irish na rinig sa buong hall. Grabeng lakas ng boses nya.

Nagsitahimik ang lahat at tumingin sakanya.

"Kilalanin nyo lang daw muna ang partners nyo this day at bukas na magsisimula ang tunay na ability training. Yun lang. Thank you!"

Naghiyawan ang ilan dahil sa sinabi nya. Walang klase, at alam nating lahat na gusto ng mga estudyante, normal man o hindi, ang walang klase.

"Let's go." Sabi ni Keith at hinila ako habang hawak nya ang kamay ko. Lumabas kami ng training hall, dumaan sa field, dumaan sa lesfonia building, at umakyat sa may burol sa likod ng academy.

Bakit ba hindi na lang sya nagteleport. Pinapagod nya ako masyado eh.

"Kasi kailangan mo ng exercise paminsan minsan." Sagot nya. Mukhang binasa na naman nya ang isip ko.

Nakaupo na kami sa tuktok ng burol. Ang ganda ng lawa sa harapan namin. May mga maliliit na fairies na lumulutang at parang nagsasayaw sa tubig.

"Alam mo bang ito ang paborito kong lugar dito? Ang tahimik, walang ibang tao, tas kapag nandito ako, parang anlapit lapit ko sa nature. Nakakalma, nakakawala ng stress." Pagkukwento nya. Aba himala, nagkukwento na sya.

Humarap naman ako sakanya, "Bakit ka ba naiistress?"

Pagkasabi ko noon ay tumingin ulit sya sa lawa at bumuntong hininga. Hindi pinalampas ng mga mata ko ang malungkot nyang itsura.

"Sa buhay ko. Una, lagi kong kakompetensya si Kaiden. Kahit pa anong ensayo ko, mas magaling parin sya sakin. Alam mo ba kung bakit hindi sya kilala dito sa school? Itinatago sya ng ama namin sa mundo. Ang sabi nya kasi noong wala ka pa ay si Kuya ang dapat pakaingatan, sya ang pinakamalakas, sya ang magliligtas sa mundong ito. Tapos ako, ako yung pinapadala sa mga mission, ako yung laging napapahamak."

Hindi man ako sanay sa pagkocomfort sa tao ay lumapit ako sakanya at inihilig ang ulo nya sa balikat ko.

Unti-unti ay naririnig ko ang mahina nyang paghikbi.

Tumingin sya saakin at kita kong nangingilid na ang luha nya."Tapos ngayon, ikaw yung Prinsesa. Si Kuya ang nakatakda sayo. Pano na ako? Wala na naman bang maiiwan sakin? Kahit konti?"

Hinawakan ko ang pisngi nya at saka nagsalita. "Sino bang nagsabi sayo na tutuparin ko ang propesiya?"

Kung titingnan mo kami ngayon ay parang baliktad kami. Yung lalaki ang umiiyak.

Ang cute cute nya kahit naiyak. Namumula ang ilong nya dahil sa pagiyak nya. Ang sarap pisilin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinisil ang ilong nya.

"Araaay naman!"

"Sorry na." Natatawa kong sabi.

Humarap sya saakin at hinawakan ang mukha ko saka tumingin sa mga mata ko.

"Luna, ipinapangako ko, lagi kitang poprotektahan, hindi man ako ang pinakamalakas, mamahalin naman kita ng wagas." Seryoso nyang saad saakin. Napatawa naman ako sa sinabi nya, may pagkaromantic pala tong lalaking to.

Unti-unti'y lumapit ang mukha nya saakin. Ramdam ko ang hininga nya at naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ito sa katawan ko sa lakas ng pagkabog nito.












Ilang hibla na lang ang layo ng mga labi namin ay bigla syang napatigil.

Ugh. Bakit ngayon pa? Rinig kong sabi nya. Ayy, mali, nabasa ko sa isip nya.

Teka-- nabasa ko ang isipan niya?!

Nanlaki ang mata ko at napatalon ako sa tuwa.

"Waaaaah!! Sa wakas!!" Animo'y batang binigyan ng kendi kung makasigaw ako. Tumayo rin si Keith at tiningnan ako na parang mawiweirduhan saakin.

Napayakap ako sakanya habang nagtatalon parin. Niyakap rin naman nya ako at kinalma ako.

"Anong nangyayari sayo, Luna?" Nagtatakang tanong niya. Akoy umayos ng tayo at tiningnan ang mga mata niya.

'Anong meron kay Luna? Sasamahan ko sya mamaya doon kay Selene. Baka magamot nya ang sakit ni Luna' rinig ko sa isip nya.

Tama nga ako, nakakabasa ako ng isip!

"Keith, nababasa ko ang isip mo." Nakangiti kong saad sakanya.

'Nakakabasa rin sya ng isip?'

"Oo Keith! Nakakabasa ako ng isip!" Tuwang tuwa kong sabi. Nagtaka naman sya. Bigla rin namang naalis iyon dahil naalala nyang nakakabasa ako ng isip.

"Sige nga. Subukan natin." Sabi niya at saka nag-smirk saakin. Mukhang hinahamon nya ako ah.

Nagtitigan muna kami bago ko nabasa ang isip niya.
'Hindi na niya ako mababasa, nablock ko na ang isipan ko.'
 

"Sabi mo ay hindi kita mababasa kasi naiblock mo na ang isipan mo." Nanlaki ang mga mata niya at napaatras.

"I-imposible..." Mahinang sabi niya. Bakit naman? Iniisip nya nang imposible na magkaroon ng kapangyarihan ng ganon kadali ang isang gaya ko?

"Imposibleng mabasa mo ang isip ko gayong naisara ko na ang utak ko. Walang sinumang makakabasa ng isip ng tao kapag naisara na nya ito. Papaanong nabasa mo ang saakin?"

------- 

Wooops! Pano nga ba nagawa ni Luna iyon? Any guess about Luna's real ability?

















The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now