Naglalakad ako sa hallway ng aming paaralan, nakayuko nagdadasal na sana hindi ako mapapansin ng mga ka eskuwela ko, oo nagdadasal ako dahil ayoko namang mabully ulit, oo ulit dahil lagi nila akong binubully sa tuwing nakikita nila ako, bakit ako binubully? Watch out!!!
"Awww!!" ouch nasubsob ako sa sahig, ouch masakit yun ahh!! Yan na nga ba sinasabi ko eh, nag dasal nako't lahat-lahat wala paring epekto.
"wag ka kasing patanga-tanga ng hindi mo kinakain yang sahig. HAHAHAHAHA". yan si janice martines ang pinaka number 1 bully dito saming school kasama nya ang mga kaibigan niya slash alipores yes! Ginagawa niyang alalay ang mga kaibigan nya. Diko alam kung bakit gustong gusto nilang maging kaibigan yang si Janice ehh maldita naman, siguro dahil mayaman ito? Makapangyarihan? Tssk. Yan mahirap sa mga tao eh nasisilaw sila sa pera at dahil don, nagpapaalipin sila.
Tumayo agad ako at humarap sa kanya, tinignan ko siya sa mismong mga mata niya.
" Ang pangit na nga ang lampa pa!! Basura talaga kahit kaylan!! "
"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Alam kong maganda ako, hindi mo na kailangan tumitig nakakasira ka eh!! ".
Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at mariing pumikit, pagmulat ng mga mata ko may nakita akong papalapit na itlog, shemaaayyy!!!!"HAHAHAHAHAHAHA". tawanan lahat ng tao dito sa halway, nakakahiya na talaga toh! Dapat dina ko na aapektuhan sa pinag gagawa nila dahil matagal na nila kong ginaganito bat ba dipa din ako masanay!!!
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa C.R ng pambabae. Inilock ko ang pinto at tsaka ako umiyak ng umiyak. Walang tao dito sa c.r maliban sakin kaya kahit anong gawin ko dito ay walang makakaalam.
Pati ba naman sa isip ni janice inaapi talaga niya ko. Oo nabasa ko ang nasa isip niya, kung paano niya ko tawaging basura sa isip niya! Kung paano nita ko tawaging pangit.
Kung bakit nila ko binubully? Dahil nga naman sa pangit ako, tama naman siya eh at basura lang naman din ako dahil nga sa mahirap kami. Scholar lang ako dito sa Elitey Academy oo mayayaman lang ang pwedeng mag-aral dito at bilang lang ang mga katulad ko dito dahil nga sa nakakuha kami ng scholar, paano kami nakakuha? Simple lang, kailangan mo lang naman ipa ang 500 Questions at kung hindi wala kang scholar, oo nakapasa ako nakakuha lang naman ako ng 493 points hindi sa pagmamalaki o pagmamayabang, madali lang naman yung exam eh. Ewan ko ba bakit sa 351 students ang nag take ng exam 4 lang kaming nakapasa.
Tumingin ako sa salamin ng c.r at tinanggal ko ang salamin ko at sinimulang maghilamos. Tinitigan ko ang mala abo kong mata oo mala abo talaga kasi super Gray ang kulay nito at dahil sa mga matang to nakakabasa ako ng mga isip ng mga tao, walang nakakaalam na ganito ang kulay ng mata ko dahil kapag nagsosoot ako ng salamin nagiging black na yung mata ko yung normal na mata lang.
May matangos akong ilong, mapupulang labi, di ko alam kung bakit nila ako binubully hindi naman ako ganoon ka pangit kapag wala akong salamin eh. Siguro dahil sa sabog kong buhok? Pwede rin dahil muka akong jologs pumorma. Hindi kasi ako pasyonista katulad nila.
Wala kasing uniform dito sa elitey academy kahit anong isoot mo pwede pero di ka makakapasok kung wala kang I.D.
Ako nga pala si ASHLEY PUENTE EMERSON. half British ako, ang tatay ko daw ay British tapos ang nanay ko naman ay filipina, oo diko nakilala ang tatay ko kasi iniwan nalang niya si nanay ng malaman niyang buntis ito. Kaya malaki ang galit ko sa magaling kong ama! Kahit kaylan hindi ko hiningi o hinanap ang presensya niya! Dahil para sakin, wala siyang kwentang tao!!!
Hindi ko alam kung bakit nababasa ko ang isip ng mga tao, nagsimula ito nung tumuntong nako sa edad na 18. I'm 19 years old right now, Hindi rin alam ni nanay na nakakabasa ako ng isip ng mga tao, dahil alam ko na ang nasa isip ni nanay sa tuwing tinititigan ko ang mga mata nya. Ang tatay ko kulay gray din daw ang mga mata kaya sa kanya ko na kuha ang mata ko sabi pa ni inay kamukhang kamukha ko daw yung tatay ko.
Diko na napansin ang oras kanina pa pala ako nasa banyo, kinalma ko muna ang sarili bago ako labas at muling haharapin ang bagong pagsubok sa paaralang ito.
Enjoy :)
BINABASA MO ANG
HER EYES
FantasyIsang simpleng babae na nakakabasa ng isip ng mga tao. Babaeng hindi hinangad na makilala pa ang ama. Babaeng matatag para sa kanyang ina. Babaeng gagawin ang lahat upang mapasaya ang ina. Babaeng walang pakeelam sa mundo. Ngunit ang mundo ata a...