Kabanata II

1 0 0
                                    


👑

Sa kabilang dako...

"Dumating na ang anak nang senyor!"

Palahaw ng taong tagapagdala ng balita sa lahat na si Fernan.

"Talaga ba? Anong itsura?"

Agarang pagtatanong ng isa sakanilang kasamahan.

"Balita ko'y maganda ang anak ng senyor Ricardo. Ang sabi pa ng ibang mga nakakita kanina. Mala anghel na bumaba sa langit ang dalaga base sa itsura."

Sagot naman ng isa na nakasagap sa balitang nabanggit.

"Sayang at di ko nakita!... Tanging mga katulong na lamang kasi ang aking naabutan kanina sa kanilang mansyon. Ang sabi ay nagpapahinga na."

Si Fernan na dismayado sa nangyari.

"Baka naman masyadong masilan. Alam nyo na, laking kabihasnan."

Negatibong pambabara ng isa sa mga babaeng naroon.

"Aba eh malay mo mabait na bata pala, kung sa itsura palang ganun na kaganda."

Pagtatanggol naman nang naunang nagtanong kanina.

"Huwag tayong manghusga lalo na at di pa naman natin ganun kakilala."

Anang isa sa mga tauhan doon.

Nagpatuloy ang salitang nagagaganap sa silungan habang ang ibang naroon ay mas minabuti nalang na manahimik at makinig sakanilang kwentuhan.

"Mukhang masyadong seryoso ang inyong pinag uusapan? Ano hong meron?"

Pukaw nang isa sa dalawang tao na bagong dating.

"Sila senyorito Dastron!"

Anang isang tagasilbi na ang tinutukoy ay ang katabi ng binatang naunang nagsalita.

Hindi maitatanggi ang gulat sa mga ito bunga nang biglaang paglitaw ng dalawang nagsipagdating.

"Magandang araw ho senyorito!"

Sabay na naibigkas ng lahat at kaagad na tumahimik ang kaninang maingay na kumpulan.

Tumango ang lalaking kinilalang Dastron bilang ganti sa lahat ng mga nagsipagbati.

Muling nang-usisa ang kaninang pumukaw sa pansin ng lahat. Kilala ito sa tawag na Jepoy--- ang taong palaging kasa-kasama ng kanilang senyorito kapagka ito ay nasa rancho.

"Ano hong pinag uusapan nyo kanina, parang napaka importante ah? Sali nyo naman kami."

Imbes na sumagot ay nagsipagtinginan lamang ang mga ito sa isa't isa na animo'y takot na mailabas ang kanilang mga napagpaksaan.

Alam kasi ng lahat na malapit ang pamilya Madison sa pamilya Velin angkan ng taong kanilang napag-usapan kani-kanina lang.

Lumipas ang ilang minuto na wala ni isa sakanila ang nais magsalita...

"Tama na yan Jepoy, hayaan
mo na silang pag usapan ang mga bagay na gusto nila."

Pina ng binatang katabi matapos makuha ang ideyang walang gustong magbigay tugon sa mga tauhang nito ay tinatanong.

"Pero senyorito--- "

Mabilis itong tumutol subalit kalauna'y muli ding nagpatuloy.

"Bweno kung ganun ay makinig na nga lang ang lahat. Naparito kami upang imbitahin kayo sa isang maliit na pagdiriwang na gaganapin sa Mansion de Madison. Hindi naman lingid sainyo ang pagdating ng senyorito Dastron kahapon hindi ba?"

The King of Madison: Meet The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon