***
Lunes, ito ung araw na sinusumpa ng mga estudyante. At kasama na ako dun.
Sino ba namang hindi? Lunes, pasakit nanaman sa ulo ko. Imbes na nakababad lang mata ko kakatitig kay Clyde at insstalk siya. Hindi, at babad nanaman ang mata ko sa Libro, papel, at Numero.
Imbes na college na ako, hindi at nagtyatyaga pa ako sa dalawang taon para maging college. Gosh! Ansakit sa ulo ng K12.
Half day lang ang pasok namin. Kaya pag may oras gala gala!
"Good morning class" sabi ng adviser namin si Ma'am Amor. Si Ma'am amor 20 yrs old palang siya. Mabait at di KJ na teacher. Nagcheck lang siya ng attendance tapos balik siya mamaya sa subject niya.
Ang hirap lang dito sa Stanford University Parallel ang pagtuturo. Ung apat na room ang tuturuan ng teacher every 20 mins. So bilang isang estudyante ng STANFORD. Nagrereklamo ako dahil wala akong matutunan dun. Duh!
SSP ang subject namin. Eto ung subject na sobrang easy. No need na magdiscuss basa ka lang ng konti tas sasagot ka okay na. Kaya enjoy ako tuwing lunes dahil dito sa subject na'to pero ung susunod na subject dito magdadasal na ako. Huhu.
Umalis na si Ma'am Ellaine ung teacher namin ng SSP sunod si Ma'am Carline
GENERAL MATH, ang susunod na subject kakagulat ba? Ako din e gulat. Di kaya ng utak ko'to jusq lord help me. I wanna dieeeee. Pero syempre joke lang yun papakasal pa kami ni Clyde e. Harhar.
"Ito ung Mga activity niyo. Ung isang activity ipapasa bukas ung isa." Sabi ni Ma'am carline.
Me be like: ma'am wala ka ba balak i discuss manlang? Di mo ba alam na ung utak ko natutuyo dahil di ka manlang magdidiscuss? Ma'am ung pagdidiscuss niyo sana paki linaw. Huhu.
"Ma'am pano gagawin dito" tanong ni Cherry. Si cherry ang sobrang witty naming kaklase kalog at sobrang ganda. Magaling din siya sumayaw.
"Madali lang yan, ipag divide niyo lang ipagtimes niyo ipagplus niyo blablablabla" wow ma'am may naintindihan po ako dun. Galing mo talaga magdiscuss ma'am idolo! Sheeet.
So bilang mabuting mag aaral ano ang kailangan gawin? MANGOPYA sa mga matatalino. At yun nga ang ginawa ko. Sobrang bait ko diba? At remember, pag ganitong bago kayo magkakaklase hanapin mo ung tatahitahimik un ung matalino. Hahaha. Kaya ayun sige ang kopyahan. Sulat dito. Tingin dun. Ito ang matutunan ko dito sa Stanford University nagbayad ako ng malaki. Kaso ang natutunan ko. Mangopya at gumala nalang lagi.
Pagkatapos ng matinding pangongopya ko sa mga kaklase ko. Dumating na ang paborito kong subject. RECESS pero 10 mins lang. nakakaiyak diba? Samantalang yung lintek na General math na un! Ayun shete isang oras!
Natapos ung kalahating araw ko na natuyo ang utak ko. At galgal na galgal ang utak ko. Wow teh para namang nagisip ka e nangopya ka ngalang e. Hahaha.
Nagkayayaan kami sa Quantum na nagkakaibigan si Riva, Trixie, Kyla at ako. Nag videoke kami. Naglaro at kung ano ano pa.
Si Riva siya ung makikitaan mo ng sipag at tyaga sa pag aaral.
Si Trixie naman parang si Riva din kaso si Trixie may pagkamataray pero mabait naman siya.
Si Kyla, siya ang Sissy ko. Siya ung bruha na kasama ko always. Kasama ko sa galaan at kalokohan.
BINABASA MO ANG
A Letter of A Fangirl
Fiksi RemajaJeya Rein Ramos, A fangirl. Loves K-drama and Reading wattpad story. Ano kayang mangyayari kung ang pangarap niyang mapansin ni Clyde Francis Suk na half korean at half filipino ay sumobra pa dun? Pano kaya kung napansin na siya, nakilala na siya...