Unang Pag-Ibig

3 0 0
                                    

Nung una biro biro lang
May masabi lang akong pangalan
Pag tinanong ng aking mga kaibigan
Kung sino ba ang aking nagugustuhan

Ang hindi ko inaasahan
Nagkatotoo ang nararamdaman
Dahil sa mga mapang asar na kaibigan
Na laging binabanggit ang iyong pangalan

Naiilang kapag ika'y kaharap
Kung wala naman ay laging hinahanap
Hindi makatingin kapag ika'y kausap
Sa malayo palihim na nakasulyap

Ang akala ko hanggang paghanga lang
Ang aking nararamdaman
Ngunit habang tumatagal
Lalong lumalalim ang pagtingin

At aking napagtanto
Minahal na pala kita nang patago
Pero hindi mo kailanman nalaman
Dahil ni minsan hindi ko pinaramdam

At kahit pa sabihin ko sa iyo
Wala ding mangyayari
Dahil alam ko sa aking sarili
Kailanman hindi ka magiging akin

Lumipas ang mga taon
Mahal pa rin kita hanggang ngayon
Kahit ika'y nasa malayo
pag-ibig ko ay 'di parin naglalaho

Nabalitaan ko nalang na may mahal ka na
Alam kong 'di na dapat ako umasa
Ngunit anong magagawa
Kung sa puso ko'y ikaw lang talaga

Sa lalaking una kong minahal
Sana palagi kang masaya
Salamat sa pagiging inspirasyon
Hayaan mo at makakalimutan din kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon