Chapter 5

159 14 9
                                    

"Hi Cass!"

Ang pagtawag na iyon ang nagmistula kong alarm clock. Kagabi ay medyo nag aalala ako na baka 'di na siya bumalik, ngayon naman ay hinihiling ko na sana nga ay hindi nalang siya bumalik.

Nakatihaya lamang ako at mulat ang mga mata, tumingin ako sa kanya na nakatayo sa gilid ng aking kama nang hindi ginagalaw ang aking ulo at habang kinukunot ang aking noo.

"Sinabi ko bang puwede kang pumasok sa kuwarto ko?" Mahinahon ngunit may diing tanong ko.

"I miss you too!" Bagkos ay sagot nito nang nakangiti. Gusto kong mairita na naman ulit sa pagiging pilosopo nito, inaasahan ko ring iinit ang ulo ko agad sa maagang pangungulit nito. Ngunit.... sa pagkakataong iyon ay tila ba kusang dumikit ang tingin ko sa kanya.

Ang saya ng mukha niya. Ang ngiti niya na abot hanggang mata. Yung ngiti na buo, yung purong kasiyahan lang, hindi pilit. At ang mga mata niya... Ang mga mata niya na hindi pumalya sa pagpapamangha sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay tila ba mas lumalala ang dala nitong epekto, ang kulay abo nitong mata na sinisingkit ng reaksyong binubuhos niya, para bang ang payapa. Napakaaliwalas ng kanyang awra dahilan para mawala ang kunot sa aking noo at bumangon.

"Oh? Aba. Sayang. Handa pa naman yung tenga ko sa pamumulyaw mo" At malutong na hagikgik ay pinakawalan niya.

Mabilis akong bumaba sa kama at iniwas ang tingin sa kanya. Mabuti na lamang at naalis ko pa ang pagkaka titig sa kanya kanina. Dali dali ay naglakad ako't inabot ang tuwalaya sa pagkakasabit at pumasok sa banyo.

"Ahh! Nahihiya ka pala? Hahahha. Ano ka ba! Ayos naman ang amoy mo ah. Ang bango mo nga eh" Tawa na naman siya ng tawa.

Nang maisarado ko na ang pinto ng banyo ay napangiti nalang ako habang umiiling, bagay na pinipigilan ko kanina sa harap niya.

Kung hindi ka lang mukhang aso eh

Natawa ako sa naisip. Hindi ko kasi maikakaila na cute siya kanina pero nakakadiri ang salitang ito.

Huminga ako ng malalim at tinungo ang salamin. Tumingin ako rito at nakita sa sariling repleksyon ang buhay na buhay na ngiti at kislap sa mata. At ilang sandali lamang ay bigla itong napawi. Umusbong ang kaba sa dibdib ko at hinaloan ng takot. Ang reaksyon na ito. Napakapamilyar. Pumikit ako at iniwaksi ang mga iniisip, iniiwas ang utak sa maari pa nitong tunguhin kung sakali.

Ngunit nilalapastangan ako ng puso ko. Tila ba ibinubulong nito sa akin ang nararamdaman ko. Nakakatakot bang makita ang ngiti mo noon?

Ipinilig ko ang ulo ko at tinapik ang dibdib ko. Huminga ako nga malalim at pinilit ang sariling gumalaw na upang maligo.

Hinding hindi na ako magpapatalo sa puso ko. Tama na.

--

"Kain na!"

Masigla nitong sabi nang may ngiti. Umupo ako at tiningnan ang nakahain. At ang walang kagana gana kong sistema ay biglang nabuhay nang makita ang nakakadiri nitong putahe ngunit alam na alam ko namang kabaliktaran ito ng lasa. Hindi nagpahalata ay kinuha ko ang mga kubyertos at sumandok ng kanin. Dinamihan ko ang paglagay ng ulam na iyon at agad agad ay sumubo.

Ang sarap talaga!

"Hayys. Ang galing ko talagang magluto, napapapikit pa kita" Kasabay ng pagtawa niya ay ang pagmulat ko. Hindi ko namalayang napapikit ako!

"Inaantok lang ako! Tss." depensa ko.

"Talaga? Hmmm, okay" Sabi naman nito at tumango tango pa. Tila ba naniniwala ngunit alam ko namang nang aasar lang siya. Buwisit!

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon