. I n t r o d u c t i o n .
Random?
Ano nga ba ang kahulugan ng salitang 'random'?
The Oxford English Dictionary defines 'random' as, "Having no definite aim or purpose; not sent or guided in a particular direction; made, done, etc., without method or conscious choice; haphazard."
"Unknown; unidentified"
__________________________________________________
Sa mundong ginagalawan nating ito, hindi lang tayo ang bida.
Sa totoo lang, lahat tayong nabubuhay ay bida.
Ang kaso nga lang, may kanya-kanya tayong istorya.
May kanya-kanya tayong paraan ng paglahad ng ating buhay.
May kanya-kanya tayong alaala na wala o hindi nangyare sa ibang tao.
At may kanya-kanya tayong paraan nang pagiging bida sa istoryang meron tayo.
Dahil sa mundong ito, mas madalas mangyare ang mga bagay na hindi natin inaasahan kesa sa mga bagay na ating inaasahan.