Prom (One shot story) by DeuxAloysius.
ALL RIGHTS RESERVED.
----------------------------------
Ano nga ba ang unang nagpa-pop out sa utak niyo kapag narinig niyo ang word na "Prom"?
"Ay ang saya niyan!"
"Shet hindi ko papalampasin yan!"
"Omgeeee this is gonna be the best day of my lifeee"
"Shet! Baka isayaw ako ng crush ko! Paghahandaan ko yan!"
Sabi nga nila sa Prom raw kapag 12:00 na ng midnight kailangan kasayaw mo ang mahal mo. Alam niyo yun parang may magic. Fantasy. Ako si Cinderella, pero hindi ko iniwan yung prince charming ko, So ayun, We lived happily ever after.
Pero paano yun? Is that possible? Eh paano ako? Mukhang hindi yata yung love of my life ko ang makakasama ko sa araw ng prom? Hindi ko siya makaka-sayaw. So forever lonely nalang ba?
Ano pang silbi niyan, ipamukha saakin na wala akong happy ending like sa fairytales sa storybook? Well, Hindi nalang ako aattend.
"Heidi!"
Ay palaka. Jusko talaga 'tong bestfriend ko. "Oh baket?" Sabay punas ko sa mga luha kong kanina pa tumutulo.
"Umiiyak ka nanaman. Kalimutan mo na siya, sinaktan ka na niya once wag mo naman gawing araw-araw." Sermon saakin ni Maris.
Hindi ko napigilan at ngumawa na ako. "Ang sakit tol eh. Napakasakit, lalo na yung paglayo niya saakin para akong tinutusok ng milyon-milyong karayum."
Niyakap niya kaagad ako at hinagod ang aking likod. "Okay lang yan tol. Everything will be fine. Halika na at magpapractice pa tayo para sa prom."
Haist. "Tol... Mukhang ano eh hindi na yata ako aattend diyan."
"Ano?! Hindi pwede! Heidi Villa ano kaba?! Hindi pwede." Sabi ko na nga ba eh, ayaw niya. Jusko.
"Eh Mar--" At bago pa ako magreklamo eh nahila niya na ako. -_-"
Nakarating na kami sa Gym lahat ng tao busy. Busy para sa prom. Hay.
"Oh halika na! Ayun na sila Anikka!" Hila saakin ni Maris.
"Okay makinig kayo, sa lahat ng mga wala pang partner pumwesto dito sa harap." Announce ng adviser namin.
"Oh may nagyaya naba sayo Heids?" Tanong saakin ni Jiana, isa sa mga kaibigan ko.
Umiling nalang ako as sagot ko sa tanong niya. "Ha?!" Gulat naman na tanong ni Maris.
"Eh kayo meron na?" Tanong ko sakanila.
Lahat naman sila tumango. Laglag panga. Ako nalang pala ang wala jusko.
"Hay. Sige na. Pupunta na ako sa harap. Bwiset."
Tinawanan nalang nila ako. "Go Heidi!" Sigaw saakin ni Anikka.
Hay. -__-
Pumwesto na ako sa linya. Nasa pangatlong row ako. Konti na rin pala ang mga wala pang partner.
Nag-indian seat kami habang hinihintay ang signal ng adviser namin.
"Okay boys! Pasok!" Sigaw nung instructor namin na isa.
*Dugdugdug*
Wala pa siyang partner? Nagka-eye to eye contact kami pero siyempre 'eto ako, umiwas kaagad.
BINABASA MO ANG
Prom (One shot story)
FanfictionFairytales? Happy Endings? Prom? I'm the princess, He's my prince? Is this some kind of a joke?