Déjà Vu

22.8K 532 15
                                    

Dèjà Vu

Bag, slippers, relief goods at sari-saring mga household items ang dala ng grupo. Katatapos lang nila sa isang liblib na barangay ng Tiaong.

Si Sienna naman ay enjoy na enjoy sa pamimigay ng mga coloring booklets sa mga bata. Ideya ni Trey iyon, nagbigay ito ng donasyon para sa mga school items na dadalhin nilang mag ina. Kaninang madaling araw ay nauna pa itong magising sa kanila. Inihatid pa sila nito sa bahay ng senador para sabay sabay silang aalis patungong Quezon. Gaya ng pangako, kasama nila si Carpio.

Napapangiti pa siya sa tuwing gagawi ang mga mata niya kay Sienna. Nakasuot din ito ng puting T-shirt na may tatak ng foundation at may makalagay na volunteer sa likuran. Naka-tucked in iyon sa suot nitong flowy skirt at nakarubber shoes din na puti.

Hindi na daw siya baby. Dalaga na daw siya. Ayaw na nga nito magpalagay sa kanya ng bimbo sa likuran kasi daw pang baby lang daw iyon. Kaya pinunasan nalang niya. Pasado alas kwatro na. Ang ilan sa mga volunteer teachers ay nagliligpit na ng mga gamit. May mobile school silang dala para sa mga bata at ng magkaroon ang mga ito ng libreng tutorial. Pero ang mga volunteer nurses at doctors ay abala pa sa medical mission nila.

"Nag enjoy kaba hija?" Tumigil siya sa pagliligpit ng mga notebooks at pencil ng tumabi si Mrs. Ongpin sa kanya.

Magiliw siyang ngumiti. "Opo. Nakakatuwang makita yung saya sa mga mata ng mga bata."

"I'm glad na nag eenjoy ka." Ngumiti ito sa kanya. "My daughter really hate my activity. Ayaw daw nito kasi daw kung saan saang liblib ako pumupunta." She chuckled. Ang al na niya ay may anak ito pero hindi niya alam kung nasaan. Di naman kasi siya mahilig sa news at magbasa ng kung ano ano.

"Nasaan po ba siya?" Tanong niya.

"Nasa Paris. Gretta wants to live independently. Yung malayo sa amin. Ang palagi niyang sinasabi ay gusto daw kasi niyang matuto sa sarili niyang mga paa. Hndi ko alam kung matutuwa ako na ang anak ko ay gusto nang maging responsable o malulungkot ako dahil gusto niyang malayo sa amin." Tinulungan siya nito sa pagliligpit. "Tanggap naman naming mag asawa. Paminsan minsan ay binibisita namin siya doon at madalas ay kausap namin siya sa telepono. Bata palang si Gretta ay napaka independent na niya. Hindi niya gustong nakikiamot siya sa ibang tao."

Bahagya nalang siyang napangiti. Maswerte ang anak nito dahil may mga magulang ito na gaya ni Mrs. Ongpin. Di gaya niya. Ulilang lubos. "Ikaw? Nasaan na ang mga magulang mo?"

Malungkot siyang ngumiti. Sumagi na naman sa isip niya ang hitsura ng mga magulang. "Patay na po sila."

Bumalatay ang lungkot sa mga mata nito. "I'm sorry."

Ngumiti siya. "Okay lang po. Matagal ko naman na pong natanggap ang maaga nilang pagpanaw. And besides, I have more important reason to live happily." Saka niya tinignan si Sienna. Hinawakan siya ni Mrs. Ongpin sa braso.

"Tama 'yan. Focus on your child. Ganyan talaga pag nanay. Our child is our epitome of joy. Sila anv bumubuhay satin." Tumango siya. Kung wala si Sienna, baka tuluyan na siyang nag iisa. "Ako nga, kahit malayo si Gretta I'm still lucky to have my nephew. Gaya mo ulila na rin siya. Ako nalang ang nagpalaki doon mula ng mamatay ang mga magulang niya. He's more than my Son. At isa pa, malapit sila si Gretta sa isa't isa kaya parang anak ko na rin siya."

"Maswerte po siya kung ganoon. May tumayong magulang niya pagkatapos ng lahat." Aniya.

Ngumiti ito. "Hayaan mo. Bukas yata ay darating siya dito. Pag aari niya kasi ang Hotel an tutuluyan natin. Ipapakilala ko siya sayo. Hindi naman siguro iyon mamasamain ni Congressman." Tumatawang biro nito.

Pati siya ay napatawa na rin. Humiwalay lang ito sa kanya ng tawagin ito ng isang volunteer para sabihing nariyan ang chairman ng barangay. Siya naman ay huminto sa ginagawa ng magvibrate ang cell phone number niya na nasa likod ng pantalon. Kinuha niya iyon at binuksan.

Pangalan ni Trey ang nagflash sa screen. She immediately open his message at gaya ng mga nauna na nitong mensahe. Kinakamusta sila nito.

She replied and another message poppep on the screen.

I'm free on sunday. Susunod ako d'yan para sunduin kayo. Para hindi na rin kayo sumakay sa service nila.

Nagreply nalang siya ng ok. Hanggang linggo kasi sila dito. Isang linggo lang naman ang proyektong ito dito ng gabay-kalinga. At saka okay na rin siguro na sumabay na sila kay Trey. Nakakahiya naman kasi kay Mrs. Ongpin kung ihahatid pa silang mag ina.

Mahigit isang oras pagkatapos maayos ng lahat ng gamit ng akayin siya ni Mrs. Ongpin. Karga niya si Sienna dahil nangangalay na daw siya. Ang mga barangay staff ang siyang tumulong para alisin ang ilang tent na prinovide nila.

"Salamat sa pagsama mo hija." Ani ni Mrs. Ongpin habang lulan sila ng service van patungo sa hotel.

"Wala po 'yon. Nag enjoy naman po kami ni Sienna." Sagot niya. Kalahating minuto ang biniyahe nila bago huminto ang van. Ang nakasubsob na si Sienna sa balikat niya ay mabilis na nag angat ng tingin ng makita ang hinintuan nila.

"Wow!" Manghang manghang sabi nito.

Binuksan ni Carpio ang Van saka sila sabay sabay na bumaba. May malaking fountain sa harapan ng main door ng lobby. Ang paligid ay puro coconut trees. Native ang hitsura na para bang simpleng bahay bakasyunan lang. Ang four storey building ay hitsurang malaking bahay kubo. Na may modern accent. May malilit na palmera sa pasò.

Isang bungalow iyon na yari sa mga kawayan at kahoy. Lumiwanag ang mga mata niya. Lalo na ng mabilis na tumakbo si Muning at tinalon ang tatlong baitang na hagdan. Napangiti siya. This was like a dream. A dream to live in a small but peaceful town with friendly neighborhood.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Replica lang ang nakikita niya. Pwedeng nagkataon lang na ang bungalow noon ay kapareho lang imprastraktura nito ngayon. "My nephew designed this place. Napakahomey at native na native ng lugar. Feeling ko nga nasa likod bahay lang ako." Tatawa tawang saad ni Mrs. Ongpin.

"A-Anong barangay nga ho pala ito?" Wala sa sariling naitanong niya. Tila siya nawala sa sirkulasyon.

"Sakop pa ng San Antonio ang lugar na ito. Dati itong niyugan at koprahan. Nang matutunan ng mga taga syudad ang mga magagandang resort dito. Hayun! Naisipan ng pamangkin ko ang proyektong ito."

"May bahay-bakasyunan ako sa Quezon. Maganda doon sa San Antonio. Kaya alam kong magigustuhan mo." Nakangiting sabi ng lalaki habang nakahilig si Sheila dito.

Tumingala siya. Nagtama ang mga paningin nila. "Kung nasaan ka. Doon din ako."

Kaya ba pamilyar ang lahat sa kanya? Ang mga puno. Ang amoy ng paligid. Ang masarap na halimuyak ng dalandan. Paanong hindi niya agad naalala iyon noong unang sabihin ni Mrs. Ongpin ito sa kanya? Paanong hindi niya naisip na nakatungtong siya sa lugar na huling niyapakan niya two years ago?

Doon siya tuluyang nakaramdam ng Dèjá vu. The flashes of old faded memories rushed inside her mind. Ruth...






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon