So near, yet so far

21.6K 617 20
                                    

A/N: Para sa mga may iba't ibang feels,
Gusto ko lang po sabihin na walang taguan na nangyayari kay Ruth at Sheila. Remember? Si Ruth ang nagpakawala mismo sa kanya. Inassume lang ni Sheila na kung lalayo siya kay Ruth ay iyon ang makakabuti. At inisip lang din ni Ruth na kung di na siya magpapakita kay Sheila ay makakalimutan din siya nito. Medyo hindi kasi naipaliwanag ni Sheila kay Ruth na hindi na si Trey ang minamahal niya(During pagpapanggap). Kaya samakatuwid, pareho silang biktima ng pareho nilang maling desisyon.

Waaahh.. Ba't ko ba kinukwento. Hahaha
Happy reading.

-------

So near, yet so far

Tumawag ang tauhan ni Ruth sa farm. Nagkakaproblema daw ang poultry nila dahil sa flu virus na kumakalat sa mga manok ngayon. Kasisimula lang niya ng negosyong ito, one year ago. May malaking farm ang ibinenta sa kanya sa Quezon. Wala naman siyang maisip na gawin doon kaya naisipan niyang maglagay ng poultry.

An hour after, ay nasa vicinity na siya ng Padre Garcia. Kulang kalahating oras nalang ay nasa San Antonio, Quezon na siya. Mas mabilis ang biyahe dito kaysa dadaan pa siya ng San Pablo, Laguna. Pagkalampas niya ng arko papalabas ng Padre Garcia ay pumasok siya sa unang kanto ng San Antonio. Ito muna bago ang Tiaong. Sibilisado na ang lugar. Marami na ang mga naglalakihang mga bahay na dati ay halos kubo pa lamang. May mga magagara na ring sasakyan na nakagarahe sa labas ng mga bahay. Sa probinsya, madaling mapuna ang pag asenso ng isang tao. Kapag nakikitaan na ng malaking pagbabago ang pamumuhay nila isa lang ang sasabihin ng mga tao. Dahil masikap siya.

Agad na bumukas ang pulang bakal na gate ng bumusina siya. Unang nakita niya ay ang pamangkin ni Ka nonong na hila-hila ang isnag baka. Kinuha pa rin niyang katiwala ang matanda pagkatapos niyang madesisyonan kung ano ang magandang gawin sa farm. "Magandang hapon ho Ser!" Tumango siya na nakangiti.

Nang maigarahe ang sasakyan sa harapan ng puting bahay. Bumaba siya agad. Nakausap na niya ang beterenaryong tumitingin sa mga alaga niya. Kailangan nila ng random vaccination para sa mga ito. Malaki kasi daw ang posibleng epekto ng mga ito kung di aagapan. Isa pa, nanamlay at hindi kumakain ang mga manok.

"Ser, Dito ho ba kayo maghahapunan?" Tanong ni Ka nonong kay Ruth paglalabas niya ng bahay.

Umiling siya. "Hindi ho. Sa Hotel ho ang tuloy ko."

Tumango lang ang matanda. Tinapik niya ito aa balikat. "Tawagan niyo ho ako kung magkakaproblema." Aniya saka sumakay muli ng sasakyan niya.

Ilang kilometro ang layo sa farm ay ang New Horizon Hotel and Private Resort. Yung lupa na dati ay tinatayuan ng rest house ay pinatayuan na niya ng mga buildings. Tinatawanan pa nga siya ni Greg noon dahil hindi daw nito maintindihan kung ano ang may roon sa Quezon at hindi niya mabitaw bitawan. He can't tell him about Sheila. Hindi niya gustong malito pa ito lalo. Alam niyang naging kaibigan nito si Trey. At alam niya na para dito, masamang tao din ang lalaki gaya ng ama nito na pinatay ang mga magulang niya.

Si Sheila at Sienna nalang ang natitirang dahilan para wag niyang iwan ang lugar. Sila nalang ang nagbibigay ng kakaibang kulay doon---Kahit wala sila.

Sinalubong siya ng valet ng ipark niya ang sasakyan sa harapan ng hotel. "Good afternoon sir!" Bati ni Eric. Dating tauhan sa koprahan ito. Pero ng itayo niya itong Hotel ay kinuha niya itong tauhan dito. Nakikita niya kasing masipag at mapapagkatiwalaan ito.

"Oh! Alam mo na 'yan ha." Tumatawang iniabot niya ang susi dito. Sanay na si Eric kapag dumadating siya. Deretso sa car wash ang sasakyan niya. At ito mismo ang nakatoka doon.

Hindi masyadong matao ngayon hindi gaya ng nagdaang summer pero fully-booked pa rin sila. Sunod sunod kasi ang mga social events at functions na ginaganap sa kanila. Binati siya ng mga empleyadong nakakasalubong niya.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon