Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 11
Buwisit na babaeng ‘yun, akala niya hindi ko siya gagantihan, ha? Hinding-hindi na niya mahahawakan ulit kahit na anong parte pa sa katawan ko. Nakakainis talaga!
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Si Peter ang inaasahan kong makita sa sala na hinihintay ako pero mas nadagdagan lang ang inisi ko nang makita ko si Jade. Nandito pa rin siya? Iniwasan ko ang tingin niya at dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili ko.
Hindi ko alam na sinundan niya pala ‘ko kaya nang maibaba ko ang baso at humarap, mukha niya ang nakita ko. Ngitingiti-ngiti pa siyang nakasandal sa pintuan ng kusina.
“Nasa’n si Peter?” sa wakas ay naitanong ko.
“Nasa bathroom,” nakangising sagot niya naman. Hindi ko gusto ang mga tingin niya kaya inirapan ko siya. Sa hitsura niya palang, sigurado akong playboy siya. May silver pang singsing sa kanang tenga. Akala mo bagay sa kanya.
“Bakit ka nandito?” naiinis na tanong ko. “P’wede ba, ‘wag mo na dagdagan ang inis ko. Baka gusto mong magaya sa Shatrine na ‘yun,” dugtong ko pa.
“Kay Shatrine?” pagtataka niya. Naglakad siya palapit sa kitchen counter kung nasaan ako. Bahagyang napaatras naman ako.
“'Wag mo na itanong,” maikling sagot ko. Inirapan ko pa siya bago maglakad pero pinigilan niya ‘ko. “Bitiwan mo ‘ko o sisigaw ako para tawagin si Peter?” banta ko naman habang nakatingin sa kamay niya.
“Masyado ka namang matapang, may gusto lang naman akong sabihin e.” Inilabas niya ang isang kamay sa pagkakabulsa bago ilahad ang kamay niya sa harapan ko. “Hindi mo tinanggap ang pagpapakilala ko kanina. I’m Jade, Peter’s best friend.”
Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko tinanggap ang kamay niya. Binawi niya rin naman iyon nang mapansin niyang wala akong balak na tanggapin ang pagpapakilala niya.
“Sabihin mo na ang sasasabihin mo,” sabi ko sa kanya na hindi tumitingin. Wala naman akong balak na pakinggan ang sasabihin niya. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa.
Hinila niya ‘ko para harapin siya. May kaunti namang espasyo sa pagitan namin kaya hindi ako nailang para tingnan siya. Humalukipkip siya, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nararamdaman ko na ang pag-init ng tenga ko sa lalaking ‘to.
“Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na…” Sumilay ang ngiti niya sa labi. “… I like you. Seryoso, nagustuhan kita simula pa lan noong una kitang makita. ‘Yun nga lang, nalaman ko kay Shatrine na ikaw ang kababata ni Peter kaya alam kong wala akong pag-asa sa ‘yo. Pero, gusto kong malaman mo pa rin ‘to.”
Ano ‘to? Isa na namang pakulo? Para ano?
“Alam mo…” Lumapit ako at nilabanan ang mga tingin niya. “Hindi ako game kung ano’ng laro na naman ang nasa isip mo, okay? At mas lalong hindi ko gustong malaman ‘yan. Tapos ka na ba sa sasabihin mo?” sabi ko bago maglakad at lagpasan siya.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Novela JuvenilOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...